47.

2.6K 108 49
                                    

[share] KINIKILIG TALAGA AKO SA "HEUNGTANSONYEONDAN" UNG BOSES KASI NI V URGH SAKA UNG "I NEED U" SOOBRA ANG SARAP ULIT ULITIN TAPOS UNG CHOREOGRAPHY HANEP GRABE TALAGA UNG MGA GILING GILING KUDOS HAHAHA! TAPOS UNG PART NI HOBI SA BANDANG SIMULA NG INEEDU TANGINA KINIKILIG ULIT AKO URGH NAGKAKASALA NA KO KAY V HAHAHA ANG LAKI TALAGA NG PINAGBAGO NG MGA BABIES NATIN FROM WE ARE BULLETPROOF HANGGANG I NEED U TAPOS ALAM NIYO YUN DADAMI NA MGA ARMYs SA FANDOM AN SAYA SAYA NA MEDYO MASAKIT KASI MARAMI NA TAYONG KAAGAW HAHAHAHA kfly

*•*•*

Para bang na-blangko ang utak ni Irene sa ginawang paghalik sa kanya ni Jungkook. Sobrang lambot ng labi ng binata. Parang dati lang ay pinaglalaruan niya lang iyon dahil sa panggigigil niya, ngayon nakalapat na ito sa mga labi niya.

Lumayo ang mukha ni Jungkook ng kaunti sa mukha niya saka nangiti at natawa ng mahina.

Heutangina lang talaga! Kailangan ko na atang mamanata!

Agad niyang tinulak ang mukha ni Jungkook saka napatayo ng mabilis habang hinahabol ang hininga. Sinuntok niya ng malakas ang kanang pisngi ni Jungkook kaya napasigaw ito ng super loud sa sakit.

Hindi maintindihan ni Irene ang sarili dahil imbis na magalit siya sa ginawa ng binata sa kanya ay gustung-gusto pa niya. Agad na hinanap lang talaga ng kamao niya ang pisngi ni Jungkook. Bakit kasi hindi sa kanya sinabi ng binata na sa ganu'ng paraan pala siya gustong halikan nito?

Napapangiwi na humarap si Jungkook sa kanya habang nakahawak sa kanang pisngi nito. "Ahh... Grabe ka talaga, Irene. Kung pwede lang kitang suntukin, pinadugo ko na 'yang labi mo. Pero mas magandang kagatin ko nalang 'yan para magdugo," natatawang sabi ni Jungkook na tinitiis ang hapdi sa suntok ni Irene. "Aish. Pero seryoso ang sakit nga. 'Di bale, sanay naman na ako sa panununtok mo."

Lumuhod si Irene sa tabi ni Jungkook sa couch saka sinabunutan ang binata ng malakas. "Ahh! Putangina mo, Jeon Jungkook! Bakit mo ginawa iyon?!"

"Aray ko naman, ate Irene! Hindi mo magugustuhan 'pag nakalbo ako! 'Diba nga kapalit 'yon ng tatlong box ng pizza sa susunod? Ano bang pinagtataka mo?"

"Hindi excuse 'yan! Pakyu ka!"

"Edi magpapaalam ako sa susunod."

Mahigpit namang nahawakan ni Jungkook ang dalawang pulso ni Irene upang pigilan ito sa pagsabunot sa buhok niya. Gulu-gulo na tuloy ang buhok ng binata at medyo namula at pinagpawisan ang mukha nito.

"Gusto mo naman eh. Ni hindi ka nga pumalag," nakangiting ika ni Jungkook saka binitawan ang dalawang pulso ni Irene nilabas ang lip gloss mula sa kanyang bulsa. Seryosong tinignan lang ni Irene si Jungkook. Naglagay muli ang binata ng lip gloss sa kanyang mga labi saka nilapag ito sa center table pagkatapos. Pinag-pop niya ang mga labi habang nakapikit pa saka dinilaan ito. "Ang sarap kaya! Bakit hindi ko nakikitang ginagamit mo 'to? Alam mo bagay 'to sayo," natatawang sabi ni Jungkook.

"Oh tapos pag gumamit ako n'yan, pagpipyestahan mo naman 'yung labi ko? Mga ganu'n, Jungkook, ha?!" saka sinabunutang muli ni Irene ang buhok ng binata.

"At bakit hindi?"

"Tangina ng malaking ilong mo!"

"Kunwari ka pa. Eh palagi mo ngang pinanggigigilan 'yung labi ko noon. Halos gahasain mo pa nga 'yung labi ko," natatawang sabi ni Jungkook. "Aray, aray! Tama na po, ate Irene!"

"Noon 'yun! Tapyasin ko ilong mo dyan eh."

Patuloy parin sa pagsabunot si Irene sa buhok ni Jungkook. Natatawa namang napapadaing sa sakit ang binata.

Jungkook is Mine [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon