17.

2.6K 127 51
                                    

matagal pa sana aq magaupdate kso andaming namimilit saken edi kau na :--((( hahahha kayo nman pilitin ko, comment kau ha huehuehue pag ndi kau magcomment ipapasuso ko kau kay khakeen hehehe ipapadila ko sa inyo stretch marks ni jason sa tyan niya kaw din bahala ka huehue

~x~x~

"Mukha silang mag-syota, 'Nay," komento ni Kaloy.

"Pwede, pwede, bagay na bagay." komento naman ni Nicole.

"Jusko." napasapo nalang sa kanyang noo si 'Nay Recca.

Nakapatong parin ang mga hita ni Irene sa hita ni Jungkook, pati narin ang mga braso niya ay nakayakap rin sa katawan ng binata. Parehong nakanga-nga ang dalawa. Ngunit mas malaki ang uwang kay Irene.

Pagkadilat na pagkadilat palang ng mga mata ng dalaga, bumungad na agad sa kanya ang mga malalaking mata na nakatingin sa kanya pati sa katabi niya.

"Hala, puta!" bulalas niya. Agad siyang napabangon saka tinignan ang natutulog na katabi.

OMG! Magkatabi kami? 'Di nga? Putang-

"Puta, pa'nong-"

Hindi makapaniwala si Irene. Nakaunan pala ang ulo niya sa bruskong braso ni Jungkook buong gabi, buong magdamag.

"Bakit magkatabi kayo? May ginawa kayo, 'no?" nang-aasar na tanong ni Nicole sa kapatid. Agad naman humarap sa kanya si Irene at sumimangot. Umagang-umaga e.

"Gago. Baka kayo." sabay nguso ni Irene kay Ping na nakaupo sa couch habang nanonood lang sa kanila. Sinimangutan lang siya ni Nicole sa sinabi niya.

"Irene," banta ni 'Nay Recca.

"May ginawa siguro kayo, imposibleng wala. Hehehe," nang-aasar na komento naman ni Ping.

"Oo meron, natulog. Teka nga, close ba tayo, kuya Ping?" bumusangot ang mukha ni Nicole sa sinabi ni Irene kaya agad na bumawi ang dalaga at nagpeace-sign kay Ping. "Joke."

Naalimpungatan si Jungkook sa mga ingay na nadinig. Ilang saglit lang ay gumalaw na din ang binata saka dinilat ang mga mata. Napaupo ito agad habang nanlalaki ang mga mata saka nahihiyang yumuko.

"Uuy, nahihiya," pang-aasar ni Nicole kay Jungkook.

"Uuy, may ginawa talaga sila oh," pang-aasar naman ni Ping.

Ang gago oh, 'kala mo close kami e.

"He-he. 'Wag nga kayong gan'yan. Nahihiya na nga si Jungkook e. Bwisit kayo, ha? He-he," sambit nalang ni Irene na nagpipigil ng kilig.

Napatingin siya sa likod nila Kaloy at 'Nat Recca at nakita ang mga bag na dala-dala nila kahapon.

Aalis na ata sila, isip-isip ni Irene.

"Oh 'Nay, aalis na pala kayo e."

"Oo, 'nak. Kanina pa sana kami aalis kaso ayaw kang tantanan ng mga kapatid mo. . .Kumain na pala kami. May ulam na d'yan, kumain na kayong dalawa, ha?"

Aalis na sila? Yes! Hehe. Joke lang. Mamimiss ko kayo 'nay, Kaloy, 'te Nicole, kahit lagi ko naman nakikita mga pagmumukha niyo.

Nagkwentuhan muna ang lahat bago nila naisipang umalis na sa apartment ni Irene. Napansin naman ng dalaga na muli palang humiga ulit si Jungkook at natulog kanina pa. Naisip niyang siguro'y napuyat ang binata kagabi.

Parang hindi naman. Mas nauna pa nga ata siyang natulog kesa sa'kin.

Nagkibit nalang siya ng balikat. Bahala na nga.

Jungkook is Mine [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon