14.

2.6K 132 58
                                    

"'Yung mga kailangan lang talaga natin 'yung bilhin mo a. Baka kasi kung anu-ano pa 'yan. Masasayang lang pera mo, Irene," komento ni Jungkook habang kumukuha na sila ng push cart sa bandang entrance ng grocery store.

Tumango si Irene. "O'naman. Hindi naman tayo ganu'n kayaman e."

Syempre, apat na libo lang naman budget namin. Tapos matagal pa 'ko makakabalik sa trabaho ko.

Sabi ko kasi next week pa 'ko babalik sa Manila pero ang aga kong napabalik. Si Jungkook kasi e. Dapat matagal pa 'kong magbabakasyon sa probinsya. Pero keriboomboom lang. Kookie Beybeh 'yan eh. Aangal pa ba 'ko?

"Kung nabebenta lang kasi 'yung kagwapuhan, baka nabili pa natin lahat ng gusto mo kahit hindi naman masyadong kailangan."

Aba, gago 'to a.

Napaharap si Irene sa kanya na may nagtatakang mukha. Nginitian lang siya ng binata saka tumawa ng mahina at nag-peace-sign. "Kalma ka lang. Totoo naman, 'diba? Kaya nga may crush ka sa'kin e."

Ang hangin niya nga talaga. Buong akala ko hindi. Enangyan.

"Crush? Wala a," mahinang sabi ni Irene saka tumalikod.

Tinulak niya na ang cart saka sinimulang maglakad. Naramdaman niya namang sumusunod lang sa kanya si Jungkook sa likod habang naglalakad. Hindi niya rin napigilang ngumiti ng malapad.

Tangina mo, Kookie Beybeh. Bakit mo ginagawa sa'kin 'to?!

*•*•*

"Du'n lang ako, Kookie, ah. Kuha lang ako ng ano, uhh, ng, alam mo na," nauutal-utal na sabi ni Irene saka tinuro ang bandang dulo na hindi naman malayo kung saan nandu'n ang mga napkins. "May kukunin lang ako. Kita pa naman kita dito mula du'n e."

Napatigil naman si Jungkook sa paghahanap saka tinignan ang tinuro ni Irene sa dulo. Tumango naman ang binata saka ngumiti sabay pinagpatuloy ulit ang paghahanap.

Wews. Hindi man lang sinabing, "Sama na 'ko, Irene. Ayokong lumayo ka sa tabi ko."

Pumunta na si Irene sa section ng mga napkins habang dala-dala ang cart saka sinimulang mamili.

"Hi po, kuya. Pwede bang magpapicture?"

Napalingon agad si Irene sa kung nasaan si Jungkook nang narinig niya ang babaeng nagsalita. Wala namang binanggit na pangalan pero alam niya na agad kung sino 'yun.

Napatayo siya ng diretso saka tinignan ang mga maliliit na babae na nag-pa-pa-picture kay Jungoook. Hindi malabo ang paningin at pandinig niya kaya kitang-kita niya sila galing sa pwesto niya.

Buti nalang hindi mainit ang ulo niya, kun'di baka pinagbabato niya ang mga babae sa mga mukha nila ng mga napkins.

Tinitignan lang sila ni Irene habang pasimple siyang kumukuha ng mga napkins. "Ahm, picture? Para sa'n ba?"

"DP lang po namen sa FB. He-he. Pampainggit narin," sagot ng isang babae. Hindi makita ni Irene ang mukha ng babae dahil nakatalikod ito sa direksyon niya.

"O'nga, kuya. Pwede ka ba?" tanong naman ng isa pang babae.

"Ahm, ganu'n ba? Tanong niyo nalang sa kanya kung papayag siya," paliwanag ni Jungkook saka tinuro si Irene. Nataranta naman ang dalaga bigla kaya binalik niya ang tingin niya sa mga naka-display na napkins na nasa harap niya.

Jungkook is Mine [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon