38.

2.7K 124 48
                                    

Ginawa na ang lahat ng mga proseso sa pag-c-cremate sa kanilang pumanaw na ina. Pansamantalang inihabilin ni Nicole si Irene kay Jungkook at si Kaloy naman sa kasambahay nilang si Tintin. Bilang nakakatanda, sinabi niyang siya nalang ang bahala sa lahat ng mga dapat pang gawin kasama ang fiancè niya. Kailangan narin kasing magpahinga ng nila Irene at Kaloy mula sa depression.

Agad na tumango si Jungkook. Besides, Irene was having a fever. Handa naman siyang alagaan ang dalaga hanggang sa gumaling ito.

Hinatid niya si Irene sa apartment nito habang nakapatong lang ang braso nito sa balikat niya. Nang naihiga na niya si Irene sa kama, pinaalis agad siya nito.

"Sige na, umalis ka na. Kaya ko na sarili ko. Hindi kita kailangan." was the exact line she said.

But he didn't listen at hindi nagpatinag sa inaarte ni Irene. Kunwaring pinapaalis ako pero kinikilig rin naman, he thought shaking his head.

"Sige, sabi mo eh," nakangiting sabi nalang niya saka na lumabas ng kwarto ni Irene hanggang sa labas ng apartment. Irene didn't have any idea na lumabas lang pala si Jungkook para bumili ng gamot at pagkain para sa kanya.

Mahigit isang oras ang lumipas. Irene heard someone slammed the door but she didn't take a notice. She was still lying on her bed, fully-covered with a thick blanket. Hindi niya mapigilan ang panginginig ng katawan. Nakabukas ang electric fan at tutok na tutok sa mukha niya. Baka raw kasi ay pagpawisan siya. Ayaw pa naman niya sa lahat ay ang mainit.

Narinig ni Irene ang pagpatay ng electicfan kaya napadilat ang isang mata niya habang nakakunot ang noo.

"Kailangan mong pagpawisan kaya dapat nakapatay lang ang electric fan."

"Oh, bakit bumalik ka? Buksan mo! Ang init!" mataray na sabi ni Irene kay Jungkook na siyang pumatay ng electric fan. "Ano yan? Bakit may bag ka?" nginuso niya ang dalang backpack ni Jungkook.

Nilapag ng binata ang dalang bag sa maliit na mesa sa tabi ng kama ni Irene. "Bumili ako ng pagkain saka gamot mo. Nagdala rin ako ng ekstrang damit. Baka kasi gabihin ako rito at bukas na 'ko makauwi."

She hissed. "Ngayon ka nalang umuwi. Kaya ko na 'to. Hindi naman ako bata na parang first time ko lang maka-experience ng lagnat. Isa pa, hindi rin magtatagal 'to. Mawawala rin 'to kaya wag ka nang magsayang ng oras mo," simpleng saad ni Irene saka pinikit nalang ulit ang mga mahahapding mata. Sobrang nilalamig ang katawan niya na para bang nanunuot hanggang buto niya.

Nangiti nalang si Jungkook sa masungit na babae. Naiintindihan naman niya. May lagnat si Irene at alam niyang masakit ang ulo at katawan nito, idagdag pa ang problema sa pagkamatay ng nanay nito kaya ganu'n nalang ito magsalita sa kanya.

Kaya naman niyang tiisin si Irene. Kaya niyang tiisin ang lahat para lang sa dalaga.

"Sungit mo. Nagkalagnat ka lang nakalimutan mo na 'yung Kookie beybeh mo," nakangiting asar ni Jungkook sa kanya. "Dati rati gustung-gusto mong limliman itlog ko, ngayon pinagtatabuyan mo na 'ko."

"Masakit ulo ko, pwede ba?! AISH! Bahala ka na nga sa buhay mo!" iritang sigaw ni Irene sa binata saka tumalikod nalang at humarap sa kabilang side. Mas lalong binalot niya ang sarili sa kumot at hindi pinansin si Jungkook.

"Eh pa'no 'yan? Ikaw ang buhay ko. Ibig sabihin ako ang bahala sayo?" nakangiting pang-aasar ulit ni Jungkook saka umupo sa tabi ng dalaga sa kama. Napaikot nalang ang mga mata ni Irene sa narinig. Wala siya sa mood para kiligin.

Jungkook is Mine [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon