21.

2.3K 126 35
                                    

[edited]
*•*•*

"Babe, kanina ka pa nakatulala d'yan. Ano bang nangyari? Come on, sabihin mo na sa'kin. May masama ba sa pakiramdam mo?" muling tanong ni Joy sa kasintahan saka sinuri ang kalagayan ng binata.

Kanina pa kasi napapansin ni Joy na nakatulala lang si Jungkook sa kawalan. Kahit nung papunta na sila ng cafeteria, kinakausap niya ito pero tatango lang si Jungkook o kaya sasabihin na "aah".

Sigurado talaga ako e. Nakita ko talaga si Irene du'n. Pero kung siya nga 'yun, bakit naman siya nandito? Anong ginagawa niya dito? At bakit nakasuot siya ng uniporme ng mga janitor? Masyadong malayo ang lugar na 'to mula sa tinitirhan niyang apartment ah? Aish!

"Bakit kanina ka pa nakatulala d'yan, Maknae? May nangyari ba?" nag-aalalang tanong naman ni Namjoon kay Jungkook na hindi pinapansin lahat ng mga kaganapan na nangyayari sa paligid niya. Nabalik naman siya sa katawang lupa nang winagayway ni Namjoon ang dalawang kamay sa harap ng mukha ng binata.

"Oo nga, Jungkook! Kanina ka pa tulala. Hinuhubaran mo na si Joy sa isip mo, 'no?" tatawa-tawang sabi ni Hoseok kaya batok ang inabot niya sa dalaga na natatawa rin.

"Wala nga. Tuloy niyo lang ginagawa niyo d'yan," seryosong sabi ni Jungkook saka pinagpatuloy nalang ang pagkain at hindi na pinansin ang iba.

Posible nga ba talagang si Irene 'yun? Bakit ko pa ba iniisip 'yun?

Pagkatapos ng one-hour break ay nagsibalikan naman ang mga estudyante sa kani-kanilang mga rooms. Pilit na binabalik ni Jungkook ang normal na atmosphere sa kanilang dalawa ni Joy. Hindi na kasi siya iniimikan ng dalaga. Marahil ay nagtampo dahil sa kinikilos niya.

"Uy babe, sorry na." nakaharap siya sa kung saan nakaupo ang dalaga pero patuloy parin itong nagbabasa ng libro. Kinikilig naman talaga si Joy, kaso pinipigilan lang niya dahil nagtatampo parin siya.

"Ano ba kasing gusto mong gawin ko? Kausapin mo naman ako oh," nagmamakaawang sabi ni Jungkook saka nilapit ang upuan ni Joy papunta sa kanya. Lumalayu-layo sa kanya ang dalaga. Napanguso nalang si Jungkook saka bumalik sa normal na posisyon niya sa upuan. Matagal talaga niyang napapaamo ang kasintahan sa t'wing nagtatampo ito.

Hanggang sa tapos na ang last class hours, hindi parin siya pinapansin ni Joy. Nauna pa nga itong umuwi ng walang pasabi. Palagi kasi silang sabay na umuuwi, hinahatid din kasi niya si Joy sa bahay nito.

Mag-isang lumabas ng room si Jungkook, matamlay na matamlay ang mukha. Paano ko ba paaamuhin si Joy?

Habang naglalakad mag-isa, nahagip ng atensyon niya ang isang janitor na nagwawalis sa isang sulok ng room na nadaanan niya. Naalala niya bigla ang nangyari kanina. Si Irene ba 'yun?

Agad siyang lumapit sa janitress saka hinawakan ang balikat at hinarap sa kanya. "Irene?"

Humarap naman ito at nakita niyang nakangiti ito sa kanya ng malaki. "Bakit po?"

Hindi pala. Siguro nga namamalik-mata lang ako.

"Ano po ba 'yun, kuya? Hihihi."

Ngumiti lang si Jungkook saka umiling. "Akala ko lang kasi ikaw si Irene. Uhm, pwede ba 'kong magtanong?"

Mabilis naman na napatango ang babae. "Oo naman!"

"May bago bang janitress dito na may pangalang Irene?"

Saglit na napaisip pa ang janitress. "Dalawa ang bagong janitress ngayon e. Si Nel saka si. . .Aiko ba 'yun? Hindi ko masyadong narinig 'yung pangalan nung isa e."

Jungkook is Mine [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon