22.

2.6K 125 30
                                    

Ilang araw narin ang nakalipas. Naging ayos naman ang trabaho ni Irene sa SOPA bilang janitress. May naka-close pa nga siyang janitress din na si Trish na unfortunately, may gusto rin kay Jungkook. Sikat naman daw kasi ang Bangtan Thugz Society o ang BTS sa SOPA kahit hindi naman sila pare-pareho ng year level. Maliban nalang kila Jin at Yoongi na nagta-trabaho na.

Mas malala naman daw si Trish kaysa kay Irene. Pinagnanasahan daw kasi ni Trish si Jungkook habang si Irene naman ay malinis na malinis ang intensyon sa binata, ika nga niya.

Ilang araw narin simula nung christmas vacation sa SOPA kaya malayang-malaya nilang nagagawa ang gusto nila. Puro gala, bonding, at kung anu-ano pa. Si Roderick ay nagbakasyon kasama ang pamilya nito kaya sa bangtan nalang sumama si Irene. Si Joy naman ay nagbakasyon sa ibang bansa kasama rin ang pamilya nito kaya walang nakakalandian si Jungkook.

Napapadalas na ang pagsama ni Irene sa bangtan. One of the boys na siya katulad nila Joy at Annabelle. Kayang-kaya niyang makipag-sabayan. Kabobohan lang nila ang hindi niya kayang sabayan.

"Namimiss mo nanaman si Joy e kakatawag mo lang sa kanya kanina," nagtatampong sabi ni Irene kay Jungkook habang ngumunguso dahil baka mapansin siya sa pagpapacute niya. Busy kasi si Jungkook na nakatingin lang sa cellphone nito at nagdadalawang-isip kung tatawagan ba ulit ang kasintahan.

Pansinin mo ko, animal ka. Ngumunguso ako dito o!

Bisperas na ng pasko. Naghihintay nalang sila ng oras at magkakainan na sila ng mga hinandang pagkain. Kasalukuyan silang nasa rooftop ng bungalow. Mas gusto nilang du'n nalang magcelebrate kesa sa loob. Malamig kasi at kitang-kita ang mga kumukutitap na mga ilaw sa iba't-ibang bahay. Masarap din daw makipagyakapan kapag malamig sabay kindat kay Taehyung, hirit pa ni Hoseok.

Napakamot nalang sa batok si Jungkook saka nginitian si Irene. Nagkibit nalang ng balikat ang dalaga saka kumuha ng isang stick ng hotdog at nilamon ang hotdog ng buung-buo. Bahala ka. Du'n ka nalang sa Joy mo. Dito nalang ako sa hotdog ni Yoongi.

"Irene naman, 'yung hotdog ko. Putang ina, kaiihaw ko lang eh. 'Diba sabi ko kapag alas doce ka nalang kumain?!" iritang saway ni Yoongi saka binuhat at inilayo ang ihawan kung nasaan si Irene. Tumawa nalang ng malakas ang dalaga na parang hindi babae. Hindi niya kasi mapigilang kumain ng hotdog. Paborito niya kasi 'yun.

"Ya, Jin hyung! Ba't ang lalim naman ng iniisip mo d'yan?" rinig nila Jungkook at Irene na biglang tanong ni Namjoon kay Jin. Tumabi naman siya dito habang hinihintay ang sagot ng kaibigan.

"Kasi p're ano, 'wag kang maingay kay Annabelle sweetypie ha? Ano kasi, nanaginip ako kagabi," kabadong sagot ni Jin. Napatutok naman ang JungRene sa usapan ng dalawa. Nakakaintriga naman, isip-isip ng dalaga.

"Oh, eh, ano namang panaginip mo?"

"Kasama ko daw sixty-nine contestants ng Miss Universe," napapalunok sa kaba na sabi ni Jin.

"Ha? Eh bakit parang problemado ka pa sa panaginip mo? Swerte mo nga Jin hyung e. Tangenang 'yan. Sarap no'n."

"P're kasi ano, hindi mo 'ko naiintindihan!" inis na sigaw ni Jin saka na napatayo sa kinauupuan sa lapag. Anong problema ni Jin? takang tanong ni Irene sa sarili.

"Bakit nga, hyung?"

"P're ako nanalo! Ako daw 2014 Miss Universe! Bullsht! Pupuntahan ko na nga lang si sweetypie." saka na nagdadabog na umalis si Jin at bumaba sa rooftop. Nagpigil nalang ng tawa ang dalawang nakikinig saka tinignan pa ang ibang mga tropa na busy sa kani-kanilang ginagawa.

Lumapit naman si Irene kila Jimin at Taehyung na busy sa paglalaro ng chess. Si Hoseok naman ay busy rin sa panonood ng bobong laro ng dalawa. Sumunod naman si Jungkook sa dalaga.

Jungkook is Mine [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon