46.

2.9K 132 103
                                    

hi comment please! konti nalang kasi nagcocomment </3 para ganahan ako na tapusin agad to ehehe

*•*•*

"Ang cute talaga ng 'white horse with pink hair' na 'to," natatawang komento ni Irene habang nakatingin lang sa mga litrato niya sa camera. Ipinakita ni Irene ang shot kay Hoseok na bahagyang nakanguso at nakakunot ang noo dahil sa mga sinasabi niya. "Tignan mo, ang cute talaga! Pink na pink! Nakakaaliw!"

"Oo na, ilang beses ko nang nakita 'yan," tugon ni Hoseok saka inilipat ang tingin sa T.V. sa pinakaharap ng bus.

Nakaupo na ang dalawa sa kanilang pwesto, balot na rin ang dalawa ng makapal na kumot dahil pagkapasok nila sa loob ng bus ay malamig na agad ang aircon at mukhang matagal na itong binuksan ng drayber. Nakasuot na ng gloves at makapal na bonnet ang dalawa. Sinuot parin ni Irene ang dalawang pares ng medyas na pinasuot ulit sa kanya ni Hoseok. Ulo lang ang nakikita kay Hoseok dahil balut na balot ito ng kumot habang ang kalahati ng katawan ni Irene ay nakalabas at tanging mula bewang hanggang paa lang ang nakakumot sa kanya.

"Hobi talaga, hanggang ngayon ba pinagse-selos-an mo parin 'yung kabayo? MyGod, grabe," pang-aasar ni Irene habang nagti-tingin-tingin lang ng mga pictures sa camera.

"Eh kasi kung pinangkain nalang sana natin 'yung one-fifty, 'diba?"

"Tang ina mo, para naman tayong naghihirap. One-fifty lang 'yun, oy."

"Kahit na."

"Akala ko ba na napag-usapan na natin 'to? Akala ko ba klaro na sayong para sa'kin ay isa kang noble steed at isang ordinaryong puting kabayo lang 'yun na may putanginang pink na buhok na 'di ko alam kung bakit mo pinag-se-selos-ang gago ka."

Napanga-nga lang si Hoseok sa sunud-sunod na paliwanag ni Irene at kalauna'y nangiti ng malapad. "Grabe, you so cute when you. . .when you curse. Yeah. 'Diba sabi nila cute daw ang mga nagmumura? Mas higit ka pa sa cute, Irene. Grabe ka talaga." napailing-iling pa si Hoseok.

"Talaga? Gago 'yung nagsabi nu'n, ah? Anong cute sa pagmumura? Sira-ulo amputa. 'Di ba nila alam na isang kasalanan ang pagmumura? Sht. Tangina, naniniwala ka du'n? Ako, kahit kailan 'di ako maniniwala du'n."

Nagtawanan nalang ang dalawa pagkatapos. Napalakas ang kanilang tawanan kaya may mga ilang sinita sila dahil sa ingay nila. Madaling araw palang kasi at may mga tulog pa habang nagba-byahe.

Ilang saglit lang ay naglabas ng dalawang kutsara si Hoseok mula sa isang plastik sa kanyang backpack.

"Para sa'n 'to?" tanong ni Irene pagkatapos ibigay ni Hoseok sa kanya ang kutsara ngunit hindi sumagot ang binata habang may kinukuha pa ito sa ka-ilalim-an ng backpack nito.

Maya-maya lang ay inabutan na siya ni Hoseok ng jar ng ube jam na medyo bukas na ang takip, inikut-ikot na kasi ito ng binata para mabilis nalang buksan ni Irene. Nakita ng dalaga na may hawak naring isang jar ng ube jam si Hoseok. Nagsimula na itong papakin ang ube jam kaya gumaya narin si Irene.

"Grabe! Ang sarap pala ng ube jam! Nakakaadik!" komento ni Irene nang matikman ang ube jam. Dinila-dilaan niya ang kutsara hanggang sa maubos ang ube jam du'n. Nangiti lang si Hoseok saka muling sumubo ng isang kutsarang ube jam.

*•*•*

Makalipas ang ilang araw. . .

Umuwi ng Antipolo si Irene upang makasama ang kanyang pamilya sa bakasyon. Ilang araw lang silang nagtagal sa Antipolo at umuwi rin sila sa probinsya sa Pukichu. Gusto kasing umuwi ni Kaloy sa probinsya dahil siguro'y na-mi-miss na nito ang matalik na kaibigang si Isko. Isa pa'y gusto rin ni Nicole na maranasan ng kanyang fiancè na si Ping ang buhay sa probinsya-hindi naman ganu'n kahirap ngunit masaya.

Jungkook is Mine [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon