19.

2.4K 130 16
                                    

"Jungkook, anak," maluha-luhang sambit ni Sara saka niyakap ng mahigpit ang anak.

Nakayuko lang ang binata at hindi alam ang gagawin. Sinuri naman ng nanay niya ang buong mukha at katawan niya na para bang naghahanap kung may galos o sugat ba sa katawan niya.

Agad din naman siyang niyakap ng babae ng mahigpit, "Anak, jusko, mabuti naman at walang nangyaring masama sa'yo. Naaalala mo pa ba ako?"

Ngumiti lang ang binata saka napayuko. Napapikit saglit ang babae saka muling niyakap ang anak, "Ako 'to, ang mama mo. Anak, may masakit ba sa'yo? Gusto mo bang ipagluto kita ng paborito mong pagkain? Hintayin lang natin ang papa mo mamaya, matutuwa 'yun kapag nalaman niyang nahanap ka na. May nag-aruga ba sa'yo? Sinong kumupkop sa'yo? Samahan mo 'ko sa kanya at magbibigay lang ako ng kahit anong pwede kong ibigay para narin pasasalamat dahil may kumupkop sayo-"

"Ma," biglang sabat ni Jungkook kaya naman ay napangiti ang mama niya sa nasabi ng anak niya. "Hindi niyo na po kailangang puntahan pa 'yung kumupkop sa'kin. Hindi na po ako magpapakita pa sa kanya. Sa. . .Sa malayo siya nakatira, ma."

Ayaw na niyang magpakita pa kay Irene dahil baka hindi niya mapigilan ay bumalik pa siya du'n. Sobrang namimiss niya na ang dalaga. Halos tatlong oras na niyang hindi nakikita ito. Isa pa ay mas maganda naring hindi magpakita sa kanya para naman masanay siyang wala sa tabi niya ang binata.

"Ganu'n ba? O sige," nakangiting sabi ng kanyang mama, bumaling naman ito kay Joy na nasa likod ni Jungkook. "Maraming maraming salamat, Joy. Kung hindi dahil sa'yo, hindi mababalik sa'kin ang anak ko." hinawakan naman nito ang kamay ng dalaga. Tumango lang ang dalaga saka ngumiti. Bumaling naman ang tingin ng babae sa kanyang anak.

"Welcome home, Son."

*•*•*

Kanina pa nakatambay sa loob ng kwarto niya ang binata. Walang emosyon ang mukha. Nakatitig lang siya sa kisame habang nakatihaya sa malaking kama niya.

Napakalaki ng kwarto niya. Kung ikukumpara sa kwarto ni Irene, kalahati lang 'yun sa kwarto niya. Tatlong kulay lang ang makikita sa buong kwarto; red, black and white. Organized lahat ng mga gamit. Lahat malinis, parang bagung-bago lahat. Sinabi kasi sa kanya ng mama niya na kahapon ay pinalinis niya ang kwartong 'yun sa mga katulong para sa paghahanda sa pagbabalik niya.

Dumiretso siya sa tapat ng malaking flatscreen T.V. saka ito binuksan para naman kahit konti ay mawala ang pagkabagot niya.

Spongebob Squarepants ang palabas.

"Spongebob. . .Spengebub," mahinang pagsabay niya sa kanta sa pinapanood. Tutal naman ay lagi itong pinapanood ni Irene, palagi narin niya itong napapanood kaya naging paborito narin niya ang palabas.

Iniisip niya kung paano kaya kung nandito si Irene, baka magwala lang ang dalaga sa sobrang saya dahil ang laki-laki ng T.V. sa kwarto niya. Nag-tya-tyaga lang kasi sila sa maliit na T.V. sa apartment nu'n.

Inisip niya rin kung paano kaya kung nandito ang dalaga, baka magtatalon-talon siya sa ibabaw ng kama ni Jungkook. Mahilig kasi sa malambot na kutson si Irene. Paniguradong hindi na 'yun aalis sa kama ng binata kung sakaling nandito siya.

Miss ko na 'yung libog na babaeng 'yun. Ako kaya namimiss na din niya? Malamang oo, patay na patay sa'kin 'yun e.

Habang busy sa panonood ng Spongebob, narinig niyang bumukas ang pinto kaya tinignan niya kung sino ang pumasok. "Are you enjoying, Son?" nakangiting tanong ng babae sa anak. Ngumiti lang ang binata saka tumango.

"Good. Anyway, magbihis ka na. Iniimbita ka ng mga kaibigan mo sa bungalow niyo. Sa tingin ko may surpresa sila para sa'yo. Alam mo naman, miss na miss ka na nila," nakangiting sabi ng ginang saka tinapik ang balikat ni Jungkook.

Jungkook is Mine [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon