44.

3.5K 117 65
                                    

WALANG BOOK 2. tangnang 'to pahihirapan nanaman ako. haha!

*•*•*

Masyado lang siguro akong napurga sa pizza kaya kung anong gusto kong marinig e nangyayari na talaga sa totoong buhay.

"H-ha?" nauutal na tanong ng dalaga saka napalunok at sumubo nalang ng pizza na hindi parin tinatanggal ang tingin sa kaharap.

Seryosong nakatitig lang sa kanya si Jungkook na parang naghihintay ng isasagot niya. "Hindi mo ba narinig o gusto mo lang talagang ulitin ko 'yung sinabi ko?"

Pakyu! Ano bang dapat kong i-react?

Dapat ba 'kong sumigaw sa sobrang kilig saka siya suntukin sa mukha habang nanggigigil na ginagawa ko naman dati sa kanya?

Kingina mo namang ilong ka, ginugulo mo nanaman utak kong magulung-magulo na nga!

Mas okay na lang sigurong ma-friendzone ako kesa gan'to. Or maybe not. EWAN!

Ang buong akala pa naman ni Irene kapag umamin na sa kanya si Jungkook sa totoo nitong nararamdaman ay yung tipong dadalhin siya nito sa isang amusement park, tapos isasakay sa ferris wheel, then sa pinakatuktok ay du'n na ito aamin-katulad sa mga napapanood ng dalaga sa mga palabas. Yung tipong nakasuot pa siya ng dress, may light make-up, at maayos ang pagkakatali sa buhok.

Kung alam ko lang na mangyayari 'to edi sana nag-ayos muna ako!

Pero wait, bakit nga pala ako mag-aayos sa tangnang ilong na 'to? Ano siya sinuswerte?

Napatingin nalang sa ibang direksyon si Irene saka lumaklak ng tubig, hindi parin niya alam kung ano ang isasagot sa sinabi ng binata.

Magpapakalunod nalang siguro ako dito. Tapos ako naman yung i-CPR mo, Jungkook.

Joke. Pakyu ka. Tangina mo ng malupet.

"Ako parin ba, Irene? O masyado na 'kong nahuli?" mahinahong tanong ni Jungkook.

Huminga muna si Irene ng malalim at tinitigang mabuti ang mga matang nakatingin sa kanya na puno ng sinseridad bago nagsalita, "Pwede ba Jungkook, kung di mo naman intensyong manghimasok sa buhay ko, please lang, wag mong sabihin ang mga salitang 'yan," seryoso ang boses na pahayag ni Irene. "Please, ayoko nang masaktan."

"Irene, kung 'di ako seryoso sa mga sinasabi ko, hindi sana ako aabot sa puntong gan'to," Jungkook said, fixing his eyes on her with eagerness. "Hindi naman ako makikipaghiwalay kay Joy at hindi ko lalakasan ang loob ko para makikipagkumpetensya kay Hoseok hyung kung wala akong balak na maging parte ng buhay mo," he explained, his brows slightly furrowed. "Hindi ko alam kung bakit pero 'pag kasama kita, I feel so alive and everything's different." napaharap si Irene kay Jungkook na magkadikit ang mga kilay at nanlalaki ang mga mata, gulat na gulat sa pag-i-english ng binata. "At wag mo 'kong tignan ng gan'yan, Irene, sinusubukan ko nang mag-aral ng english. Totoo ang sinasabi ko at hindi ko 'to s-in-earch sa google tulad ng iniisip mo ngayon."

Ilang segundong hindi nagpalitan ng mga salita ang dalawa, hanggang sa nangunot ang noo ni Jungkook saka hinawi-hawi ang kamay sa tapat ng ilong upang hindi maamoy ang mabahong hangin na para bang binubugbog ang ilong niya sa sobrang baho.

"Umutot ka ba? Utot lang ba ang response mo sa lahat ng mga sinabi ko?" inis na tanong ni Jungkook na ang sama ng mukha na nakatingin sa dalaga. Nangunot din ang noo ni Irene saka mabilis na umiling-iling. Hindi alam ni Jungkook kung matatawa ba siya dahil sa kahina-hinalang kilos ni Irene o maiinis dahil sa sobrang baho talaga ng amoy ng utot nito na para bang dumumi ito ng invisible poop sa kinauupuan. Sigurado naman si Jungkook sa sariling hindi siya ang nagsabog ng makamandag na amoy kaya si Irene ang kriminal.

Jungkook is Mine [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon