24.

2.8K 151 44
                                    

Wala sa sariling nagpupunas ng sahig si Irene gamit ang mop sa loob ng girl's CR. Sobrang linis ng spot na 'yun sa sobrang pagpupunas niya. Hindi kasi niya makalimutan ang sinabi sa kanya Jungkook nung sumapit ang bagong taon.

"I'm so lucky to celebrate a new year with you."

Ang ganda na e. Sobrang ganda na. Everything was perfect-the setting, the view. Jungkook was smiling genuinely. Sa likod naman ng binata ay may iba't-ibang kulay ng fireworks display. Sobrang kinikilig na si Irene na halos magpagulung-gulong na siya sa sahig.

"Ayiiieee! Ikaw talaga. Sa'n mo naman nakuha 'yan?"

"Sa google. 'Yan kasi ang sasabihin ko kay Joy mamaya. Okay ba? Hehe."

"H-ha? Oo naman! Ha-ha! Okay na okay!"

Pagkatapos nu'n, nagwalk-out nalang si Irene. Iihi daw. Inisip niya kung susundan ba siya ni Jungkook. Ang gaga, bakit naman siya susundan ni Jungkook sa loob ng banyo? Malamang, hindi naman siya susundan ng binata. Anong gagawin nito? Panonoorin si Irene habang umiihi?

Hindi ba nahahalata ni Jungkook na nagseselos ng bigtime si Irene pagdating kay Joy? Manhid ka bang pukenangina ka? Ha? Manhid ka ba?

Palagi mo nalang akong sinasaktan, Jungkook. Saan ba 'ko lulugar? Ha?

"Si Jungkook nanaman ba, girl?" tanong ni Trish saka tinigil ang pagma-mop saglit. Umiling lang si Irene. Ayaw niya nang pag-usapan 'yun. Isa pa, 'di rin alam ni Trish na kakilala siya ni Jungkook at kakilala rin niya ang buong bangtan thugz.

"Kung ako sayo, tantanan mo na siya, para mabawasan naman ng kahit isa yung kaagaw namin ni Joy, 'no?"

"Ulol? Eh kung ikaw nalang kaya? Dinamay mo pa 'kong puta ka," inis na sambit ni Irene saka na umalis. Napansin din kasi niyang kanina pa siya naglilinis sa loob ng girls' CR. Pumunta siya ng janitor's closet saka iniwan dun ang mop.

Bakit ko siya tatantanan? Jungkook is mine nga 'diba?

Ilang araw na ang nakalipas matapos ang bagong taon. Resume of classes na kaya resume na rin si Irene sa trabaho niya.

Araw-araw siyang nakakaramdam ng inggit sa t'wing nakikita niyang magkasama sila Jungkook at Joy. Tanggap na nga niya pero hindi lang talaga niya mapigilan. Stalker lang ang peg niya. Palaging nakatingin at nakatago sa malayo. Palihim na pinapatay at sinasakal si Joy.

"Hi, ate."

Napaigtad si Irene sa kinatatayuan sa likod ng puno saka napalingon. Sino naman 'to?

"Hi, ate. Pansin ko halos araw-araw ka nalang sumisilip diyan ah. Sino bang tinitignan mo?" nakangiting tanong n lalaki pero tinaasan lang siya ng kilay ni Irene. Walang-hiya, amputa. Aware ba siyang hindi kami magkakilala?

Matangkad ang lalaki-hanggang balikat lang si Irene kaya tumitingala siya. Pero mas matangkad parin si Jungkook. Gwapo at malakas ang appeal dahil sa lapad ng mga ngiti nito. Wala 'to. Mas gwapo parin talaga si Kookie beybeh. Isang ngiti niya lang sayo, lipad ka na.

Hindi nalang umimik si Irene saka pasimpleng bumalik nalang sa pang-i-i-stalk niya sa dalawa.

Maya-maya lang ay napatalon si Irene sa gulat nang sumilip ang ulo ng lalaki sa balikat niya. "Ahh, si Jeon Jungkook saka si Joy Park, 'yung girlfriend. Isa ka rin pala sa mga stalker nilang dalawa."

Jungkook is Mine [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon