15. [2]

2.1K 130 13
                                    

salamat po ng marami! hehehe.

*•*•*

"Ano'ng kailangan niyo?" malalim ang boses na tanong ni Utay sa dalawa.

Unang bungad, grabe. Against the light pero ang noo, kumukutitap.

"Si tita Khakeen po kailangan namin," nakangiting sagot ni Irene saka nagpahabol pa ng bulong, "Hindi ikaw." siniko naman siya ng mahina ni Jungkook habang mahinang tumatawa.

"Tulog," simpleng sagot ng matandang panot.

"We?" pangungulit ni Irene.

"Tulog nga! Ang kulit ng betlog at mani niyo ah?!" inis na bulyaw ni Utay kaya biglang napatawa ng malakas ang dalawa habang naghahampasan pa sa isa't-isa. "Anong tinatawa-tawa niyo d'yan?! Walang nakakatawa! Ano, pagtitripan niyo nanaman ba 'ko, ha?!"

"Hindi na po! Gabing-gabi na e," sagot ni Irene habang nagpipigil ng tawa. "Pakisabi naman po kay tita Khakeen na nandito si Jungkook at may kailangan sa kanya!" nilakasan ni Irene ang pagkakasabi dahil alam niyang nasa malapit lang si Khakeen at nakikinig.

Agad namang sumulpot ang hinahanap nila na si Khakeen na sumulpot mula sa likod ni Utay.

"Uy d'yan ka pala tita Khakeen. Bilis mo a," natatawang komento ni Irene

"Babes, sabi mo pag may naghanap sayo sabihin kong tulog ka. Tapos ngayon lalabas-labas ka, narinig mo lang 'yung pangalan ni Jungkook. Kinginang 'yan, makaalis na nga. Pakasaya kayo!" nagtatampong sabi ni Utay saka nakangusong bumalik sa loob ng bahay.

Hindi nalang pinansin ni Khakeen ang nagtatampong asawa saka ngumiti sa dalawa. "Anong kailangan niyo? Bakit mo 'ko hinahanap, Jungkook? Hihihi."

Hindi kami pumunta dito para tignan ang kalandian mong hayup ka. Kung wala lang talaga kaming kailangan sayo e.

"Uhm, kasi may mga bisita sa bahay nila Irene. Ang problema, maliit lang 'yung-"

"Ganu'n ba? Walang problema! Sa kwarto ko libreng-ibre ka! May aircon pa," nakangiting suhestiyon ni Khakeen kaya agad na napangiwi ang dalawa.

Ulol! Sa akin nga ayaw tumabi e, sayo pa kaya?

"Hindi po. Kasi, uhm, gusto ko lang sanang manghiram ng banig. I-pang-la-latag ko lang sa lapag. Si Irene kasi sa sofa siya matutulog."

Eh bakit hindi nalang si Irene ang matulog sa lapag at ikaw ang matulog sa sofa? Isip-isip ni Khakeen.

"Nako! Wala akong banig!" napasimangot agad ang dalawa sa sinabi ni Khakeen pero agad ding nawala nang bumawi ang ginang. "Pero may malaking kutson ako."

Iba talaga nagagawa pag pogi ka. Kinginang 'yan. Banig lang naman hinihiram ni Jungkook pero kutson pa ang pinahiram. Laki ng alas kapag kasama si Jungkook, pakingshet.

"Jason, ilabas mo nga ang bagong biling kutson kanina! Pahihiramin ko lang 'tong mga batang 'to! Bilis na!" sigaw ni Khakeen sa loob ng bahay nila.

Jungkook is Mine [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon