36. [1]

3.2K 132 54
                                    

Kasalukuyang nasa jeep ang bangtan thugz society at papunta sa mall para bumili ng mga pang-regalo at ibang pang pwedeng ipanghanda sa birthday ni Irene.

Sinabi na kasi sa kanila ni Namjoon na kaarawan na ng dalaga kaya kailangan nilang maghanda at magbigay ng regalo. Tanging si Jungkook at Joy lang ang kulang sa kanila dahil sinamahan pa ni Jungkook ang kasintahan sa gagawin nitong group project. Nagpatulong din kasi si Joy kaya hindi na tumanggi si Jungkook. Nangako naman ang binata na susunod siya agad sa apartment ni Irene.

Labing-limang minuto din ang aabutin bago pa sila makarating sa mall. Tahimik lang silang palinga-linga sa loob ng jeep habang mapanghusgang pinagmamasdan ang isa't-isa. Minsan ay sinasabayan din nila ang mga kantang pinapatugtog ng drayber sa loob.

Bigla namang lumipat ang tugtog sa kantang Roar ni Katy Perry.

"I used to bite my tongue and hold my breath..."

Napatingin agad si Jimin kay Namjoon na palaging nagpapatugtog ng kantang iyon sa kwarto nila. Usung-uso kasi iyon at kahit saan sila magpunta ay iyon ang palagi nilang naririnig na kanta.

"'Diba 'yan 'yung palagi mong pinapatugtog, hyung? Ano nga ulit title niyan, 'Rawr'?" takang tanong ni Jimin.

"Ewan ko sayo." napairap nalang si Namjoon saka sinuot ang earphones niya.

"Snob," komento ni Jimin.

Nag-iba naman ang hulma ng mukha ni Hoseok, mas lalong humaba ang baba dahil nakasimangot. Naisip na niya kasing mali ang sinabi ni Jimin at naalala niya ang title talaga ng kantang iyon. "Tanga! 'Tiger' 'yun. I got the eye of the tiger nga eh, 'diba?"

"Nag-aaway pa kayo eh pare-pareho naman kayong mga mali," biglang sabat ni Taehyung na seryoso ang mukha. "'Lion' ang title no'n. Kinginang mga bobo 'to. Parang hindi nag-aaral, amputa," seryosong sabi nito habang nakatutok lang ang tingin sa labas ng jeep at pinapakiramdaman ang hangin.

"Bakit? Pinag-aaralan ba sa eskwelahan niyo 'yan, ha, Taehyung?" tanong ni Jin.

"Hindi. Pero napakasimple lang naman, hyung, 'di pa nila alam 'yung title," inis na sagot ni Taehyung.

"Lion ba talaga 'yun?" mahinang tanong ni Jimin sa sarili.

"Tiger nga!" pagpupumilit ni Hoseok.

Para bang wala lang sa kanila ang patagong pagtawa ng mga kasabayan nilang pasahero. Kanina pa sila pinagtitinginan dahil hindi mapagkakailang mga gwapo sila. Pang-agaw atensyon rin ang pinag-uusapan nila dahil ang lakas-lakas ng boses nila.

"Mga hunghang talaga. 'Roar' ang title ng kantang 'yun. Tang ina niyo, nakakapanggigil talaga 'yang mga katangahan niyo," gigil na gigil na saway ni Namjoon na hindi nakapagpigil dahil sa bobong bangayan nila. Kahit nakasuot ng earphones at nakikinig ng music, rinig na rinig pa rin niya ang usapan nila.

Napatango naman at napa-aahh nalang sila sa sinabi ni Namjoon.

Sila Jin at Annabelle naman ay tahimik lang sa dulo. Hindi nila pinapansin ang mga tropa dahil immune na sila sa katangahan nila.

"Sweetypie," malambing na pagtawag ni Jin habang hindi nakatingin kay Annabelle at nakahawak lang sa kamay nito.

"Oh? Ano nanaman?"

"Watermelon ka ba?"

"Watermelon? Kasi matamis ako, gano'n? Sweetypie, mag-isip ka nga ng ibang pick-up line na kikiligin ako. Tangina palagi nalang, ha?" inis na sabi ni Annabelle.

Jungkook is Mine [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon