07.

3.9K 148 37
                                    

tangina mo taehyung ndi ko mkalimutan ung buhok mo putragis ka huhuhu (;'Д'A

sa trb in manila tangina mo tatadtarin talaga kita yes excited na q hahahaha k alang may pake

*•*•*

"Tenen! Andito na tayo. Pansamantala ka muna dito habang hindi pa natin nahahanap pamilya mo," nakangiting wika ni Irene kay Jungkook matapos buksan ang apartment niya.

Inilapag niya agad ang bag na dala niya sa sahig at saka nilibot ang buong apartment.

Maalikabok, magulo, at dugyot. Shet. Nakakahiya kay Jungkook.

Pero okay lang, maiintindihan naman niya ata, ilang months ko na rin kasing iniwanan yung apartment ko.

"Sorry, ang kalat. Hehe," nahihiyang sambit ng dalaga.

"Okay lang. Ang simple nga e. Maliit lang siya pero pwede nang tirahan ng dalawa," nakangiti namang pahayag ni Jungkook habang nililibot ang tingin sa buong apartment.

Mukhang mangha pa si Jungkook sa nakikita niya. Hindi alam ni Irene pero bigla nalang siyang napangiti sa sinabi ng binata. Tinakpan niya agad ang bibig niya gamit ang likod ng kanyang kamay. Ang laki-laki kasi ng ngiti niya.

"Pero bago tayo magpahinga, kailangan muna natin maglinis kasi maalikabok. Ilang buwan narin kasi akong hindi pa nakakauwi dito." pinahid ni Irene ang daliri niya sa maliit na lamesa at tinignan ang alikabok.

Eww, ang daming Lanlan.

Joke.

"Oo nga. Mamaya nalang siguro tayo magpahinga." at muli ay nginitian nanaman siya ni Jungkook.

Umiwas nalang si Irene ng tingin saka hinanap ang walis upang makahanap ng distraction.

I need distraction ASAP.

Ayoko nang kiligin kaya please lang Jungkook, tama na.

Nagsimula na silang maglinis at magpunas ng mga gamit sa buong apartment habang nagku-kuwentuhan ng mga random topics.

Gusto na talagang makilala pa ni Irene ng lubusan si Jeon Jungkook. Kaso wala siyang magagawa. Upang mas makilala pa niya ng lubusan si Jungkook, kailangan niya ring tulungan ito na mahanap ang pamilya niya.

Kahit masaquette para sa'kin, gagawin ko.

Charaught.

Habang nasa kalagitnaan ng paglilinis ay may biglang kumatok sa pintuan kaya agad na nilapag ni Irene ang walis sa sahig at pumunta sa pinto upang pagbuksan ang kung sino mang kumakatok.

"Uy, tita Khakeen."

'Yung masungit na may-ari ng inuupahan niyang apartment.

"Sabi na nga ba e, nandito ka na. May nakapagsabi sa'kin na may nakakita daw sayo na dumating ka na raw. Aba'y buti naman. Nga pala, sinasabi ko lang na bayaran mo na 'yung mga kailangan mong bayaran at yung kuryente pala, sa susunod na araw pa mapapakabit 'yun dito sa kwarto mo dahil sa biglaan ang pagdating mo at hindi mo 'ko na-inform, hindi ko pa napapakabit 'yung kuryente. So, magtiis ka nalang muna ng dalawang araw ng walang kuryente. 'Yun lang, 'kay thanks bye," tuluy-tuloy na paliwanag ni Khakeen kay Irene pagkatapos ay itinaas ang salamin na bumaba nanaman sa pangong ilong nito. Paalis na sana ang ginang ngunit pinigilan ito ng dalaga at hinarap ulit sa kanya.

Bakit walang kuryente? Mamamatay ako ng walang kuryente! Hindi 'ko kakayaning walang electric fan buong magdamag. Ang init init kaya! Lalo na't may kasama pa 'kong hot sa loob.

Jungkook is Mine [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon