33.

3.2K 139 64
                                    

hope! hobi hobi! hehe malapit na ilang days nlang. u dont even know my existence but i want to greet u a happy happy birthday! hehehehe kabayo hart hart <3

*•*•*

February 18.

Kaarawan na ni Hobi. Veinte uno años na siya, yes. Pero utak monggo pa rin.

Ilang araw bago ang kaarawan ni Hoseok ay pinagplanuhan na nilang lahat kung ano ang mga gagawin at ihahanda-the usual annual routine. Kaya naman kinaumagahan ng araw ng kanyang kaarawan, walang katau-tao sa bahay. Si Hoseok lang mag-isa. Hindi naman siya bobo, slight lang, halata namang pinuyat siya kagabi ni Taehyung sa panonood ng forn kaya puyat na puyat siya hanggang sa late na siyang nagising. Siguraduhin lang nilang magugustuhan ko ang sorpresa nila. Isip-isip ni Yokababz.

Bagot na bagot tuloy siya. Wala siyang magawa kun'di magsayaw-sayaw ng 'nae nae' ng mag-isa sa loob ng kwarto. Mangiyak-ngiyak niyang sinayaw ang 'nae nae' dahil hindi niya kasama ang mga dance buddies niya. Walang-gana tuloy siyang sumayaw nu'n, nagmukha lang siyang tanga, para siyang tinusok ng sariling baba.

Mabuti nalang ay t-in-ext siya ni Irene at niyaya siya nitong gumala tutal ay birthday naman daw niya. Mas mabilis pa sa internet nilang naligo siya at nag-ayos. Kinailangan niyang magmukhang tao sa harap ng babaeng gusto niya.

"Wow, gwapings ha Hobi? Pormahang breezy boys," nakangising komento ni Irene pagkabukas niya ng pinto sa kanyang bagong apartment. Sinundo kasi siya ng binata. "Dark horse ba ang tema mo ngayon, ha? All-black ah. Birthday mo ngayon, 'diba? Sana nag-red ka tapos nakatucked-in."

Nangiti lang si Hoseok. "Irene, kahit anong lait mo sa'kin, nagbibigay ka lang ng dahilan para mas lalo kitang magustuhan."

"K. Sa'n tayo gagala?"

"Ewan. Ikaw, nagyaya 'diba?"

"'Ge, kung ayaw mo wag nalang--"

"Biro lang 'to naman. Kahit saan nalang."

"Sige, kahit saan."

*•*•*

Habang nakasakay sa dyip ang dalawa patungong mall, hindi mapakali ang binata sa kinauupuan sa tabi ni Irene. Hindi niya mapigilang mangiti. Kinikilig ng sobra ang etits niya. Kaya tinatakpan nalang niya ang bibig niya at tumingin-tingin sa ibang direksyon para hindi mahalata ni Irene kung gaano siya kinikilig.

Sobrang trapik at nasa kalagitnaan palang sila ng daan. Hindi mapakali ang ibang taong kasabay nila sa loob ng dyip. 'Yung iba ay napapamura pa sa tagal ng trapik. Ganu'n rin si Irene, baka kasi matagalan sila sa paggala nila at mainip pa ang mga tropa sa hinanda nilang supresa kay Hoseok sa bahay nila.

Maya-maya lang ay may dumungaw na dalawang batang yagit sa dyip nila na may hawak na mga sampaguita. Mukhang mga walang ligo ng ilang linggo. "Bili na po kayo ng sampaguita. Sampung piso lang po isa."

Walang pumasin sa kanila. Nanlaki naman ang mga ngiti ni Hoseok sa naisip kaya agad siyang dumukot ng bente pesos sa bulsa niya. "Teka lang bata, bibili ako."

"Salamat po."

Inabot nito kay Hoseok ang dalawang sampaguita. Nasa dulo lang naman sila ng dyip sa bandang labasan.

"Sampaguita? Gagawin mo d'yan?" pabulong na tanong ni Irene. Nangiti lang si Hoseok saka inabot sa dalaga ang dalawang sampaguita. "Anong gagawin ko dito? Namo talaga. Santo ba ko, ha?" sabay kuha niya ng sampaguita at inamuy-amoy ito.

Jungkook is Mine [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon