31.

3.1K 143 60
                                    

ndi ko mapapromise kung magiging sila (jungrene). sarreh not sarreh *evil laugh*

*•*•*

"Anong ginagawa natin dito, Irene?" he gulped.

"Tambay. Haha. Hindi halatang takot ka sa mga matataas ah?" pang-asar na sabi ni Irene.

May mga butil-butil na pawis sa noo si Jungkook kahit na mahangin naman sa tuktok ng Pukichu Skyline. Nalulula ito sa sobrang taas ng kinauupuan nila pero hindi niya iyon pinapahalata sa dalaga. He felt like vomitting. Nagmimistulang langgam nalang ang mga tao sa baba.

"Hindi ah. Hindi ako natatakot. Sus! Natatae lang ako. Andami kaya nating nakain na pizza," he reasoned out.

Not even convinced in his explanation, she just grinned. Pasimple niyang inalog ang binata sa kinauupuan pero hawak-hawak naman niya ng mahigpit ang daliwang balikat nito.

He quivered in nervousness looking at her with accusing stares. "Irene, ano ba?! Hindi 'yun nakakatuwa ah! Pa'no 'pag namatay ako dito?!"

"Edi tatalon din ako."

"Siraulo. 'Wag mo na uulitin 'yun, ha?" sabi nalang ni Jungkook saka binaling ang tingin sa buong lugar-pilit na hindi pinapahalata ang takot.

"Akala ko ba hindi ka takot sa matataas? Eh inalog lang kita ng konti parang mamamatay ka naman?" she laughed. Siningkitan lang siya ng mata ni Jungkook.

"Oo na. Takot na. Bakit mo ba kasi ako dinala dito? Gan'yan ka na ba talaga kaadik sakin para alamin pati mga kinatatakutan ko?"

"Ulol? Tangina mo naman. Hindi lang malaki 'yang ilong mo, pati utak mo ang hangin."

He chuckled and shook his head. Medyo naiibsan narin ang takot niya dahil nakaharap siya kay Irene at nababaling ang atensyon niya dito. Pero kahit ganu'n, may konting takot parin dahil naka-hang lang ang mga binti niya sa dulo. Pasway-sway lang ang mga binti ng dalaga sa hangin habang ang kanyang mga binti ay naninigas naman sa takot.

Nagkatitigan lang sila ng ilang segundo. Ayaw ialis ni Jungkook ang tingin sa dalaga dahil natatakot siyang tumingin sa baba at sa iba pa-nakikita lang niya kung ga'no sila kataas. Nawawala kasi ang takot niya kapag tumitingin kay Irene. "Oh, bakit gan'yan ka makatingin sa'kin? Gusto mo na rin ako, 'no?"

"Nahihibang ka nanaman. Nakatingin ako sayo para mabaling 'yung atensyon ko sayo at hindi sa baba. Pakiramdam ko kasi masusuka ako sa lula kapag napapatingin ako sa baba e. Hindi ko talaga kaya, Irene."

"Kaya mo 'yan, sus. Nakayanan mo ngang makasurvive sa dirty river ni Lanlan noon e."

Nginitian lang ni Irene si Jungkook na para bang sinasabihan na 'wag siyang matakot dahil hindi siya iiwan nito. "Hindi ka magiging malaya kung puro takot lang 'yang nararamdaman mo. Syempre kailangan mo rin ng challenge. Tignan mo, nakakaupo ka ngayon dito sa dulo ng skyline kahit na sobrang taas ng pwede mong pagbagsakan. Ngayon palang nagsisimula ka na. . .Mas masarap kung talagang na-overcome mo na 'yung takot mo."

Hindi niya naintindihan kung bakit sinasabi 'yun sa kanya ng dalaga. Tinutulungan siya nito para mawala ang takot niya sa mga matataas na lugar. "Ano bang gusto mong iparating, Irene?"

"Gusto ko lang sabihin na akin ka nalang kasi para maging malaya ka na kay Joy." he just looked at her and didn't answer. "Bakit?! Gusto kita e. Unfair mo nga e. Pag gusto kita, dapat gusto mo rin ako. Respeto lang Jungkook 'diba? 'Wag kang bastos!"

"Wow. Ganu'n na pala dapat?" natatawang tanong ni Jungkook sa kanya.

"Oo. Tangina mo kasing tarantado ka. Walang modo, bastos, basta-basta nalang papasok sa puso ko!"

Jungkook is Mine [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon