16.

2.6K 138 31
                                    

"Depende pre! Kung papayag si Irene!"

"Depende pre! Kung papayag si Irene!"

Sht. Anong ginagawa mo sa'kin, Jungkook?! Magpapalit na talaga ako sa facebook ng 'It's complicated' na status.

Joks.

Hindi parin makapaniwala si Irene sa narinig. Pakiramdam niya may pag-asa. Sana nga lang ay hindi bawiin ni Jungkook ang sinabi nito.

"Totoo ba 'yung sinabi mo, Kookie? I mean. . .You know."

Hindi sumagot si Jungkook sa kanya. Nginitian lang siya nito saka na tinanggal ang mini center table sa sala na pipichugin lang pati ang isang maliit na couch para may paglalagyan ang malaking kutson.

Nakakainis. Sana sinabi niya nalang na, "Oo, Irene. Totoo 'yun. May gusto ako sayo. Pwede bang manligaw?"

Joke. Assuming ka, Irene. Assuming.

"Ang laki naman ng kutson. Kasya tatlong tao," mahinang komento ni Jungkook habang tinatanggal ang mga maliliit na couch, maliban sa isang malaki kung saan matutulog si Irene. "Banig lang naman hinihiram ko, kutson pa 'yung binigay."

Oo nga. Ang laki nga ng kutson. Sa sobrang laki pwede na tayong magtabi, Kookie. Pwede pa tayong gumawa ng milagro! Joks.

Umupo si Irene sa malaking couch na hindi tinanggal ni Jungkook, kung saan siya matutulog. "Itong isang couch ba, Jungkook, hindi mo tatanggalin? I mean. . .You know. Hehehe," sabi ni Irene habang tinatapik-tapik ang couch na inuupuan.

Tanggalin mo na rin 'tong isa, Jungkook! Para wala na akong hihigaan, para tabi tayo sa kutson.

Panandaliang napatigil si Jungkook sa pag-aayos saka tumingin kay Irene. Siningkitan siya ng mga mata nito. "Hindi ko tatanggaling 'yan. Bakit? Sa'n ka ba matutulog?"

"Sa tabi mo, sa kutson. Hehehe."

"Hindi nga tayo magtatabi, Irene, ano ba?"

"Ba't ba? Gusto ko e."

"Hindi pwedeng magtabi ang isang lalaki at babae sa pagtulog lalo na't hindi pa sila kasal."

Aba, kasal, Kookie? Kasal agad? Ni hindi mo pa nga ako nililigawan?

"Sus, simple lang pala e. E'di magpakasal na tayo. Agad-agad. Bukas."

"Irene. . ." may halong pagbabanta sa boses ni Jungkook.

"'Ge na, oo na," naiinis na sambit ni Irene saka ngumuso.

Tumungo nalang siya sa loob ng kwarto nila saka kumuha ng mga unan, kumot at pansapin para sa kanilang dalawa ni Jungkook.

Badtrip. Tabi lang naman kami sa kutson e. Wala namang masama du'n. As if namang may mangyayaring reyp. Well, depende kung payag si Jungkook. As if naman ding magpapagalaw ako kay Jungkook. Syempre hindi! Magpapakipot muna ako, 'no?

Habang kumukuha ng mga unan si Irene ay narinig niyang nag-uusap ang dalawang mag-syota sa taas ng kanyang double-deck. Hindi nila napansin ang pagpasok ni Irene dahil sa tahimik lang niyang binuksan ang pinto, nakapatay din ang ilaw.

"My Tarzan," bulong ni Nicole.

My Tarzan? Putang-Bakit Tarzan?

"Hmm? Bakit, my Jane?" sagot naman ni Ping na parang umuungol pa.

My Jane? Kailan pa naging Jane ang Nicole? Tanginang endearments 'yan. Tarzan and Jane amputa.

"Kumain ka ba ng asukal? Ang tamis kasi ng ngiti mo e," banat ni Nicole sa kasintahan. Nagpigil nalang si Irene ng tawa dahil sa ka-corny-han at ka-sweet-an ng ate niya.

Jungkook is Mine [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon