Special Chapter

3.4K 134 112
                                    

eto nalang ang ibibigay ko guys di kakayanin ng powers ko ung book two kasi kung magkakaro'n man masyadong mahaba kaya yon hehehe. eto nalang bilang pagpapasalamat sa pagbabasa at pagtya-tyaga sa JIM. HAHAHA.

*•*•*

"Mommy Irene!!" sigaw ng apat taong bata na si Wendy saka patakbong lumapit kay Irene na nakaupo lang sa couch habang busy sa pag-kain ng chocolate cake.

Bago kasi maghiwalay sina Jin at Annabelle ay two months pregnant na pala ang bilat kay Wendy Kim. Takot lang sa maaaring mangyari kaya nakipaghiwalay kay Jin. Ngunit nang malaman ni Jin ang tungkol sa bata ay hindi na siya nagdalawang-isip na pakasalan ang minamahal.

"Hi, baby Wendy! Ang cute-cute mo talaga! Sht ka!" nilapag saglit ni Irene ang platito na may cake sa center table saka sinalubong si Wendy at pinisil-pisil ang pisngi nito. Binuhat niya ang bata at pinaupo sa kanyang hita. "Tangina, kagigil ka talaga, baby!"

"Irene naman, 'wag mong turuang mag-mura 'yung bata!" saway ni Jin na kagagaling lang ng banyo saka pinalapit sa kanya ang bata. "Halika rito, babygirl. 'Wag kang lalapit kay Mommy Irene, ha? Bad influence 'yan."

"Papa!" pagtawag ni Wendy saka tumakbo papalapit sa kanyang amang mahilig sa Pink at yumakap.

"Hindi ko siya tinuturuang mag-mura, 'no?" umirap si Irene saka inilipat ang channel ng TV sa Nickelodeon.

Katabi ni Irene ang kasintahang si Jungkook na busy sa pinapakinggan nitong music at binabasa sa cellphone. Katatapos lang nitong kumain at sinabing busug na busog na pero maya't maya namang kumukuha parin ng lumpiang shanghai na nakahain sa maliit na mesa sa sala.

Abala naman sina Annabelle, Joy, at Seulgi sa pag-aasikaso sa mga pagkain na nakahanda at sa pananaway sa mga makukulit na mga hunghang boys.

"Mahal na mahal kita. Ikaw lang ang natatangi sa buhay ko. I love you so very very much." sabay kagat ni Taehyung sa malaking chocolate cake habang ninamnam ang sarap.

Mag-isa lang si Taehyung sa tapat ng mahabang mesa habang kumakain ng mga pagkaing nakahanda sa birthday ni Wendy. Hindi ito mapigilan sa pag-upo nito sa pwesto sa harap ng malaking mesa na nakalatag sa salas, patuloy lang ito sa pag-ubos ng mga pagkain at hindi pinapansin ang mga kaibigan. May lumapit pa nga ritong hindi kilalang babae na tropa ni Annabelle saka nilalandi si Taehyung ngunit hindi nito pinansin ang babae at nagpatuloy lang sa pagkain. Ultimo tira-tirang manok ni Wendy ay si Taehyung narin ang umubos kaya malaki ang pasasalamat ni Annabelle dahil wala silang po-problemahin sa mga sobrang pagkain.

"Hey, Celeste, samahan mo naman ako sa hospital," pagbanat ni Namjoon sa crush niyang ka-samahan ni Annabelle sa trabaho.

"Huh?"

"Dami ko na kasing nararamdaman... para sayo. Yihee!"

Hindi na nagkitang muli si Namjoon at Miju pagkatapos ng ilang taon kaya nasa "Moving On" stage si Namjoon at landi lang ng landi ng iba. Kinakausap niya isa-isa ang mga bisita, na mga kasamahan sa trabaho at ka-tropa ng mag-asawang Annabelle at Jin. Nagpapansin naman siya kay Celeste na crush na crush at type na type niya sa lahat.

Pagkatapos namang kumain ni Yoongi at magpakabusog ay naghintay muna ito ng trenta minutos, na inutos ng asawang si Seulgi, bago natulog. Baka raw kasi ay mautusan siyang magligpit pagkatapos ng birthday party ni Wendy kaya inunahan niya na at natulog nalang siya sa kanilang kwarto sa ikalawang palapag.

Si Hoseok naman ay patuloy na kinukulit-kulit at niyayakap-yakap si Taehyung na hindi siya pinapansin. Namimilit si Hoseok na magsagawa silang dalawa ng isang prank para kay Jimin ngunit tamad na tamad si Taehyung at kain lang ng kain.

Jungkook is Mine [completed]Where stories live. Discover now