32.

3K 144 43
                                    

salamat sa inyo huehuehue kasi kau inspirasyon ko kaya tnutuloy ko pa tong kagaguhan ko HAHAHAHAHA

*•*•*

Pagkagising ni Jungkook ay madali niyang niligpit ang hinigaan. Nagmadali siyang umuwi. T-in-ext nalang niya kay Irene na nauna na siyang umuwi dahil tulog parin ito.

Pagkabukas ng pinto ay bumungad sa kanya ang mapanghusgang tingin ni Jimin. Nakita na kasi siya nito na papauwi na mula sa malayo palang. "Jungkookie, sa'n ka nanggaling?" nakalagay pa ang mga kamay nito sa baywang.

Tuluy-tuloy lang na pumasok sa loob si Jungkook at tinaboy lang si Jimin. "Girlfriend ba kita?" nahiga siya sa sopa at pinikit ang mga mata. "Galing ako kila Irene."

"Ha?!" biglang lapit naman si Hoseok kay Jungkook. "Du'n ka ba natulog sa kanila kagabi?"

Tumango lang si Jungkook.

"Woah," napasinghap si Taehyung si gulat. "Ibig sabihin ba Jungkook t-in-orjak mo na si Irene?"

Binatukan naman ni Hoseok si Taehyung. "Tang ina! Ikaw kaya torjak-in ko dyan?!"

"Eww, gayshit," sambit nalang ni Taehyung.

"Anong torjak-an? Sinong nag-torjak-an?" singit ni Jin na kagigising lang habang nagtatanggal pa ng muta. "Bakit ka nawala kagabi, Maknae?"

"Anong ginawa niyo ni Irene kagabi? Nag-boljak-an kayo?" tanong ni Yoongi.

"Jungkookie naman, sagutin mo kami. Hindi ako mapapanatag hangga't di ka sumagot," pagpupumilit ni Jimin dahil walang-imik si Jungkook habang nakapikit ang mga mata. "Bakit gan'yan ka na? Bakit ba ayaw mo sa'kin? Bakit si Irene pa?" sabi ni Jimin habang kinikiliti ang baba ni Jungkook. Tinataboy naman siya ng binata palayo.

"Pareho kasi kayong may etits kaya ganu'n," sabi ni Taehyung saka pinatong ang kamay sa balikat ni Jimin.

"Because you got no jams," sabat naman ni Namjoon kaya pinakyuhan nalang siya ni Jimin saka plastik na ngumiti.

"Ano ba hyung, ang gugulo niyo. Pagod ako, pwede ba? Hindi kami nag-torjak-an mga utak niyo, hyung ah? Du'n lang ako natulog kila Irene kasi umulan ng malakas kagabi tapos naka-lock na 'yung gate, hindi na 'ko nakapasok. 'Yun 'yon."

Napa-aah nalang sila saka na nilubayan si Jungkook na nagpapahinga parin sa sopa. Napuyat kasi siya at isa pa'y pakiramdam niya'y may sinat siya.

"Oh Jimin, cellphone mo, may tumatawag sayo." inabot ni Namjoon kay Jimin ang cellphone nito na nagri-ring sa ibabaw ng center table pero si Taehyung ang kumuha.

"Oy, akin na yan!" sigaw ni Jimin pero tinataas lang ni Taehyung ang kamay niya at nagti-tip-toe pa. "'Wag mo namang idaan sa tangkad, tarantado ka!"

"Ako na sasagot, Jimin." sabay pindot ni Taehyung ng accept call. "Hello?"

"Hello? Jimin?"

Tinakpan ni Taehyung ang mikropono ng cellphone at nilayo sa bibig niya. "Babae, hyung! Babae!" mahinang sigaw niya sa mga kaibigan niya. Napasimangot nalang si Jimin.

"Ano'ng pangalan mo?" malalim ang boses na tanong ni Taehyung.

"Uhh, . .Mina Cole? Uhm, where's Jimin?"

"Walang Jimin dito."

"But today's our date, did he forget?"

"Yes, he forget. Because you look like chikin,"

Jungkook is Mine [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon