08. [1]

3.5K 150 31
                                    

ndi parin tlaga aq makapaniwala na makikita ko na ang bangtan fvcking sonyeondan in less than 100 days *ugly sobs*

*•*•*

Hindi na kinausap ni Jungkook si Irene at sinundan nalang ito sa paglalakad sa loob ng palengke.

"Kuya, magkano po 'yung kandila niyo. 'Yung mataba 'tsaka 'yung malaki," mataray na sabi ng dalaga sa unang tinderong nakita niya na nagtitinda ng kandila.

Wala ako sa mood ngayon. Putragis ka Jungkook, lambingin mo 'ko ngayon.

"Ano? Mataba at malaki? Aba't--"

"'Yung kandila niyo po hindi 'yung kung anong iniisip niyo. Puta, ang assuming mo naman," sabi ni Irene saka napairap sa lalaki at pinag-cross ang arms niya.

Ramdam niya naman si Jungkook na nasa likod niya lang at hindi umiimik.

"Sampu isa. Ang sungit mo naman. Meron ka ba?" napapailing na tanong sa kanya ng tindero habang tinatanggal na nito ang mga kandila na nakatali sa taas.

"Pakealam mo? Oo, meron ako. Eto o." bigla naman niyang hinatak si Jungkook sa tabi niya saka pinakita sa lalaki ang pagmamay-ari NIYA daw. CHOS.

Nagulat naman si Jungkook saka napangiti nalang ng bahagya at pumunta ulit sa pwesto ng dalaga sa likod.

Inirapan nalang si Irene ng tindero at parang bumulong pa ng "Pake'lam ko?" saka binigay na sa kanya ang supot ng mga kandila.

Padabog namang binigay ni Irene ang bayad niya sa tindero saka nag-flip hair siya at umalis.

"Ang sungit naman ng lalaking 'yun. Alam mo may gusto sayo 'yun, pakipot lang," sambit ni Jungkook habang sinasabayan si Irene sa paglalakad pabalik sa apartment.

Nakakainis! Kahit ilang ulit na 'kong naglalakad ng mabilis, nahahabol parin niya ako. Ganito ba talaga kapag maliit at matangkad?

Hinihintay ko lang naman na i-backhug ako ni Jungkook saka sabihan ng sorry e.

Joke.

Assuming nanaman ako.

Hindi nalang pinansin ng dalaga si Jungkook at nagpatuloy nalang sa paglalakad pabalik sa apartment.

Medyo malayo pa kaya konting tiis lang, Irene.

"Uy, bakit hindi mo 'ko kinakausap? Ano bang nangyari?"

Nagseselos ako. Ako lang kasi dapat 'yung napapansin mo, Jungkook, hindi yung iba pa. Ang cute cute ko kaya.

Ang selfish ko talaga.

Alam kong wala akong karapatan na magselos pero hindi ko alam kung bakit hindi ko lang mapigilan.

Sad life.

Pero ewan ko ba, gusto ko ako lang talaga e.

"Uy Irene, kausapin mo naman ako. Nilalangaw na 'ko dito oh."

Gusto sanang tabuyin ni Irene ang mga langaw na pumepeste sa crush niya ngunit patatagalin niya muna ang pag-iinarte niya dahil awkward lang kapag bigla siyang tumigil.

Pa-bebe lang ako Jungkook. Pa-bebe lang talaga ako.

"Pssst Irene."

Ano?! Gusto ko rin naman nang itigil 'tong pag-iinarte ko kaso ang hirap talaga e. Nakakahiya. Ang hirap pigilan ng pa-bebe effect ko.

"Uuuy. . ."

". . .Irene naman kausapin mo na 'ko."

Shet. Hindi ko alam kung sisigaw na ba ako sa kilig o kalmado lang because nagpapakipot nga ako.

Jungkook is Mine [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon