41.

3.7K 129 26
                                    

march 9 ang birthday ni suga ryt? tapos sa story-ng to, nauna ung birthday ni irene. so let's assume na ndi march 29 ang birthday ni irene hehehez. d nman kelangang nakabase sa totong birthdate dba.

and also, semi-hiatus muna 'to kc ako mismo naguguluhan na sa gnagawa ko hahahaha.

*•*•*

Samwon Korean Restaurant.

March 10.

"Ang tagal naman nila." maya't-mayang napapatingin sa relos si Jin habang nakaupo na sa pwesto nito sa tabi ni Annabelle. Silang tatlo palang nila Yoongi ang nandu'n. Mabuti nalang ay nakapagpa-reserved na si Yoongi ng mahabang mesa para sa kanilang lahat. Ang iba kasi ay sinundo pa ang mga inimbita nila-pumayag naman si Yoongi tutal ay kaya naman niyang magbayad ng malaki kahit ga'no pa karami ang in-order nila.

"Sabi ko before twelve o'clock dapat nandito na sila e," medyo iritang sambit ni Jin, nakakunot ang noo habang itinutukto ang mga daliri sa mesa. "Ang kukupad talaga gumalaw."

Kapag hindi pa sila makarating ng maaga ay matatagalan rin ang pagdating ng order nila. Sabi kasi ni Yoongi ay gusto niyang sila ang pipili ng mga kakainin nila. He didn't want to decide alone-baka kasi ay hindi magustuhan ng iba ang i-o-order niya kapag siya lang ang namili kaya he decided to just wait for them. Nakakagulat nga raw ang biglang pagbabago ni Yoongi sabi ni Annabelle. Well, all thanks to Seulgi. Atleast nanlilibre na ang isang Min Yoongi.

"Kalma mo bayag mo,Sweetypie. Baka naman 'yung mga sinusundo nila 'yung matagal," kalmadong sabi ni Annabelle saka tinapik-tapik ang braso ni Jin. Bumaling naman siya kay Yoongi na may kausap sa telepono at nakaupo sa gilid ng mesa nila. Kumbaga si Yoongi ang naiiba ng pwesto dahil siya ang may birthday kaya siya ang nakapwesto sa gilid ng mahabang mesa. "'Yung Seulgibabes mo, makakarating pa ba 'yun? Anong oras na ah?"

Sumenyas muna si Yoongi ng saglit lang kay Annabelle. "Opo, ma. Opo, opo. Bye po." binaba nito ang tawag saka tumingin kay Annabelle. "Sorry. Si mama kasi," kunwa'y napakamot sa batok si Yoongi. "Oo naman. Ginawa ko lahat ng orasyon para lang mapilit si Seulgibabes na pumunta dito kahit na paulit-ulit niyang sinasabi sa'kin na nakakasuka daw ang itsura ko," natatawang paliwanag ni Yoongi saka umiling. "Kahit ganu'n 'yun, love na love ko 'yun."

"Kaya nga. Type ka lang nu'n kaya ganu'n 'yun," nakangiting saad ni Annabelle saka naiiritang tumingin sa katabi niyang bagot na bagot na at paulit-ulit na hinahatak ang damit niya at dumadaing. "Kim Seokjin, ano ba?! Gusto mo bang mahubaran ako rito, ha?! Kukurutin na kita, ha, kanina ka pa!"

"Nangangamoy kasi 'yung bilat mo, Sweetypie," napatigil naman si Jin sa pagdadaing nang sinamaan siya ng tingin ng kasintahan. "Joke. Naiinis ako kasi ang tagal nila. Nagugutom na ko,Sweetypie, eh. Ikaw nalang kaya kainin ko?"

"Pakyu."

"Kalma ka muna kasi, hyung. Dadating rin sila," sabi ni Yoongi habang naglalaro sa cellphone nito. "Makakakain ka rin."

Ilang sandali lang ay natanaw na ni Jin-na kanina pa nag-aabang at nakatutok ang paningin sa entrance ng restaurant-ang mga kaibigan na paparating na sila Namjoon, Miju, Hoseok, at Irene. "Nand'yan na sila finally."

Napatingin naman si Annabelle at napalingon sa gilid si Yoongi.

"Kanya-kanyang partner ah," komento ni Yoongi habang sinusundan ng tingin ang apat na isa-isang umupo sa mga napiling pwesto. Binati naman nila ang birthday boy saka nagsimulang magkwento ng kung anu-ano. Tinanong ng naunang tatlo ang mga newcomers kung nasaan ang iba at tanging pagkibit lang ng balikat ang sagot nila.

Jungkook is Mine [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon