04.

4.4K 171 67
                                    

"Tangina, isang tawa pa Jungkook ha, gigilitan ko na 'yang ilong mo," inis na inis na sabi ni Irene habang naglalakad na sila papuntang sakayan ng tricycle.

Pano ba naman kasi, hindi na ko tinantanan ng ilong ni Jungkook simula nung sinabi kong 'Jungkook is mine'.

Bakit? Wala namang masama sa sinabi ko ah. Tinulungan ko lang naman si Jungkook.

Feeler talaga nito ng crush ko. Sipain ko yagbols mo dyan e.

"E kasi tawang tawa talaga ako sa sinabi mo e. Lalo na yung--yung itsura mo no'n!" at muli ay tumawa nanaman ang binata ng pagkalakas-lakas. Yung tipong halos lahat ng tao sa paligid nila mapapatingin na. . .maiinlove pa.

'Wag kang tumawa Jungkook, please.

"Wala kayang nakakatawa. Ulol ka ba, ha?! D'yan ka na nga! Inis!" sigaw ni Irene saka iniwan si Jungkook at naglakad ng mabilis palayo sa binata.

Habulin mo 'ko Jungkook! Wag s'yang bobo ha. Makakabalik naman s'ya dahil dire-diretso lang naman ang daanan papunta sa sakayan at hindi pa masyadong malayo.

Patuloy lang sa paglakad ng mabilis ang dalaga. Hindi niya alam kung sumusunod ba si Jungkook sa kanya o hindi.

Ano ba, Jungkook? Sumunod ka lang sa'kin! Sabihin mo "Sorry na, bati na tayo. I love you"!

Joke.

"Alam mo Jungkook, umalis na tayo dito at baka nakauwi na si. . .ate Nicole. Jungkook?! Nasa'n ka nanaman?!" muling sigaw ni Irene habang inililibot ang paningin niya sa buong paligid.

Jungkook naman, palagi nalang ba tayong ganito?! Kailangan ba sa lahat ng oras, sayo lang ang atensyon ko?!

Bakit ba konting lingat ko lang kung anu-ano na nangyayari sa kanya?

MyGahd, grabe. Where the hell are you?

"Jungkook, bumalik ka na, please! Bati na tayo, sige na!" muling sigaw ng dalaga.

Paano kung umalis na pala siya at iniwan ako? Nasa kanya kaya yung mga pinamili naming damit. Baka naman tinakasan na 'ko ni Jungkook?

Sinubukang tumakbo ni Irene pabalik at napahinto siya nang biglang may kumalabit sa kanyang likod. Akala niya si Jungkook ang kumalabit kaya nama'y nakangiti siyang humarap. Napasimangot nalang si Irene nang makitang isang matanda lang pala ang nangalabit sa kanya.

"Ineng, tulungan mo 'ko," medyo paos na pagkakasabi ng matanda sa kanya. Kung tatansyahin e nasa mga cicenta na ang edad nito.

Wait kasi may hinahanap pa 'ko e. . .Pero sige na nga, tutal mabait naman ako.

"Ano po bang kailangan niyo, lola?" mahinahong tanong ni Irene sa matanda. Napansin ni Irene na may dala-dala itong dalawang lata sa magkabilaang kamay.

Teka. Bakit dalawang lata?! tanong ni Irene sa sarili.

"Kailangan ko lang ng pera ineng. Nagugutom na 'ko."

Bigla namang nakaramdam ng awa si Irene. Ngunit hindi parin naalis ang tanong sa kanyang isipan kung bakit dalawang lata ang hawak-hawak ng matanda. Hindi kaya'y para malaki-laking pera ang makuha niya?

"Ah lola, bakit po ba dalawang lata ang hawak niyo?" tanong ni Irenw sa matanda habang tinuturo ang dalawang lata na hawak-hawak nito.

Aba't maparaan din itong si lola ah. . .

"Iha, as a business woman, we should think of a more ways on how to develop our business. That's why instead of associating the money I got from my daily expenditures, I invested it by putting up another branch. Brilliant, isn't it?" nakangiting tanong pa ng matanda.

Jungkook is Mine [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon