05.

4.1K 163 28
                                    

share q lang, pinayagan na q ng parents q na pumunta sa con ng bts huehuehu maiinggit kayo pls :(

*•*•*

"Nges whu? Nges whu?!" sabik na sabik na tanong ni Lanlan kay Jungkook, sa ngo-ngong boses nito.

"Ang baho naman, puta. Sino ka ba?" naiiritang sambit ni Jungkook habang sinusubukang tanggalin ang mahigpit na pagkakatakip ng dalawang kamay sa mga mata niya.

Eto nanaman si Lanlan. Umagang-umaga nanggugulo nanaman.

"Tangina mo Lanlan ha? May pa-nges whu nges whu ka pa, e sino bang ngo-ngo dito e ikaw lang naman," inis na inis na sabi ni Irene habang nakaupo sa wooden couch nila saka inikot ang mata niya.

Bwisit nanaman ang araw niya ngayon. Buong akala niya'y ma-so-solo niya nanaman si Jungkook. Hindi pala.

Tangina kasi nitong lalaki na 'to e. Pag may lumalandi sa kanya, hinahayaan lang niya. Go with the flow lang siya. Parang wala lang rin naman kasi sa kanya.

So, kapag ako pala ang nanlalandi sa kanya, wala lang rin 'yun para sa kanya?

"Lanlan?" tanong ni Jungkook, sinusubukang alamin ang may-ari ng mga kamay na nakatakip sa mga mata niya.

"Hehehe. Ang ngaling ngaling mo talaga, Irene. Oo Jungkook, ako nga 'to," wika ni Lanlan sa boses Patrick nito saka na tinanggal ang mga dirty hands niya sa mga mata ni Jungkook.

Nakakaloka. Minsan ngo-ngo siya, minsan hindi.

Pero tangina talaga nito ni Lanlan e. Pinapahid pa 'yung mga kadumihan niya sa buhay kay Jungkook.

Tantanan mo ang inosenteng Jungkook ko!

Joke.

Maka-"KO" naman daw ako.

"Ano nanaman bang kailangan mo ha, Lanlan? 'Tsaka para saan ba yang bulaklak na yan? Para sa'kin ba 'yan? Pwes, busted ka na kaya umalis ka na sa pamamahay namin."

"Ulol, Irene. Assumera nito. Para kay Jungkook 'to, hindi para sayo. Nililigawan ko kasi siya. Hehe."

Wait. . .Anong nililigawan?!

"Ulol ka rin Lanlan dahil wala kang liligawan. Lumayas ka ngayon din! Pumunta ka pa talaga dito, ha, para ibigay 'yang mga bulaklak mo!" sigaw ni Irene kay Lanlan habang nakahawak ang mga kamay niya sa kanyang bewang.

"Anong nangyayari dito?" tanong ng panganay na kapatid nila Irene at Kaloy na si Nicole na kagagaling lang sa kwarto nito habang pinupunasan pa ang mga mata. Pero dahil walang pumansin at tumingin sa kanya, ay bumalik nalang siyang muli sa kwarto.

"Tigil na Irene. Hayaan mo nalang siya. Titigil din yan," simpleng awat ni Jungkook kay Irene habang nakangiti pagkatapos ay pinatong ang dalawang kamay niya sa mga balikat ng dalaga.

Napatingin naman si Irene sa mga kamay ni Jungkook na nakapatong sa balikat niya at saka tumingin sa nakangiting binata. Nanginig tuloy siya bigla. Hinawakan ng dalaga ang kamay ni Jungkook, pumikit, dinamdam ang feels, saka huminga ng malalim.

Jungkook is Mine [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon