37.

2.6K 137 44
                                    

maraming salamat po sa mga feedbacks na natatanggap ko. sobrang nakakatuwa at nakakakilig. hehehehe.

niweys, mga nasa 69% na po tau ng story. huehue. JOKE. mga 75-80% mga ganon. nagmamadali na kong tapusin to e XD

*•*•*

"Jungkook. . .Si nanay nasa ospital."

Namutla sa narinig si Jungkook. Anong nangyari kay 'nay Recca? Nayuko nalang ang binata saka napadila at napakagat sa labi. Wala paring tigil sa pag-hagulgol si Irene sa kabilang linya habang paulit-ulit na tinatawag ang pangalan ng binata. Kahit na hindi niya nakikita ang mukha ng dalaga ay sigurado siyang mugto na ang mga mata nito at pulang-pula na ang mukha. Napapakagat nalang sa labi si Jungkook sa bawat kirot sa dibdib na nararamdaman niya sa tuwing naririnig ang paghikbi ni Irene. Naidagdag pa ang masamang balitang sinabi nito sa kanya. Tinuturing niya na rin kasi ang ginang bilang kanyang pangalawang ina.

Walang nag-atubiling magsalita sa kanilang dalawa. Patuloy lang sa paghagulgol si Irene. Hindi nito mapigilan ang sarili sa pag-iyak. Nanaig ang katahimikan maging sa loob ng kwarto hanggang sa napalunok si Jungkook, huminga ng malalim, at kalmadong nagsalita.

"Irene, gusto kong sabihin mo sa'kin ngayong kung nasa'n ka..."

*•*•*

Pagkabukas na pagkabukas ni Jungkook ng pinto sa pinakatuktok ng Pukichu skyline ay nadatnan niya ang dalagang nakaupo sa dulo habang nakayuko at nakatakip ang dalawang kamay sa mukha. Nangiti siya ng maliit. Nakilala niya agad ang babae dahil sa buhok nitong medyo magulo at nakatali sa taas.

Hinihingal na lumapit siya kay Irene at umupo sa tabi. Thanks to her dahil hindi na siya nakakaramdam ng takot sa mga matataas na lugar. Irene felt someone sat beside her kaya napalingon siya sa kaliwa at napahilamos sa mukha.

"Ang galing 'no? Wala na 'kong takot sa mga matataas na lugar 'di tulad noon. Tinulungan mo kasi akong labanan ang takot ko," nakangiting panimula ni Jungkook habang nakabaling lang ang paningin sa view. "Siguro nga natatakot parin ako dahil may posibilidad na mahulog tayo anumang oras ngayon. Pero mas nananaig 'yung tapang. Salamat, Irene, ha?"

Hindi sumagot ang dalaga saka napatingin nalang din sa napakagandang tanawin ng syudad.

Nanaig ang katahimikan ng ilang segundo. Inabutan ni Jungkook ang dalaga ng panyo habang nakabaling parin ang atensyon sa tanawin. Tinanggap naman iyon ng dalaga saka mahina ang boses na nagpasalamat.

Rinig parin ng binata ang mahinang paghikbi ni Irene. Napakagat nalang siya sa labi. Aaminin niyang nasasaktan siya sa tuwing naririnig niyang umiiyak si Irene. Kung may magagawa lang siya para pawiin ang sakit na nararamdaman ng dalaga ay ginawa niya na.

Mahinahon niyang hinawakan ang ulo ni Irene saka inihilig sa balikat niya para isandal. Kahit anong sabihin niyang mga salita na makakapagpagaan sa dalaga gaya ng "tahan na" at "huwag ka ng umiyak" ay hindi rin ito gagana kaya mas magandang iparamdaman nalang niya dito na may karamay siya at kasama.

"Jungkook, bakit ganu'n? Wala namang ginawang masama si mama? Naging mabuti siyang ina sa'min! Alam mo yan!" panimula ni Irene. Garagal ang boses nito. "Jungkook, bakit?! Bakit kailangang mangyari pa 'to sa kanya?!" muling bumuhos nanaman ang mga luha ng dalaga. Naramdaman ni Jungkook ang pagbasa ng damit niya sa bandang balikat. "MAMA~!" just like a child longing for her mother, she called her mom.

"Jungkook, wala na si mama. Wala na si nanay!" mas lalong lumala ang paghagulgol ni Irene kaya naman ay walang pasabing niyakap na ni Jungkook ang dalaga ng mahigpit.

Jungkook is Mine [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon