34.

3K 130 58
                                    

'~uzt0h cK0uH Nq mAtAp0sz 2..,,
c0mments phu,,,.. hehehe '

*•*•*

"Hyung? Parang nasusuka ako," sambit ni Jungkook saka kinalabit si Taehyung na nasa tabi lang niya habang naglalaro sa cellphone.

"Ano?! Nasusuka ka?!"

Hindi na nakasagot si Jungkook dahil tumakbo agad siya patungong banyo saka dumuwal. Sumunod naman sa kanya si Taehyung at alalang-alala ang mukha.

Narinig naman ni Jin ang pagduduwal ni Jungkook kaya tumakbo narin siya sa banyo. Naintriga ang iba kaya tumakbo narin sila maliban kay Annabelle at Joy na pre-occupied parin sa ginagawa nila. Nagsiksikan naman silang lahat sa banyo.

"Anong nangyari? Maknae, anong nangyari sayo?" tanong ni Jin.

Pagkatapos niyang magsuka ay nagmumog siya ng bibig. "Ewan, hyung. Masama lang siguro pakiramdam ko ngayon. Parang bumaligtad lang sikmura ko."

"Sabi ko sa inyo e! Pakainin niyo na kami, Jin hyung! Kailangan pa kasing hintayin sila Irene e mamaya pa yun. Tignan niyo nangyari kay Jungkookie," singit ni Jimin.

"Ano ba? Bakit ba kayo nakikipagsiksikan dito sa banyo?" medyo inis na tanong ni Jin sa mga naintriga sa labas ng banyo.

"Gusto naming tignan 'yung nangyayari," sagot ni Yoongi.

"Onga, nakikisiksik pa kayo. Para kayong mga etits e, ang hihilig sa masisikip," sabat ni Namjoon kaya batok ang inabot niya kay Jin.

"Lumabas nga muna kayo. Sige na para makahinga naman ako dahil wala na 'kong nalalanghap na hangin sa sobrang sikip!" iritang sabi ni Jin.

"Onga! Para naman makalanghap kami ng oxyJIN, 'diba JIN hyung?" nakakagagong sang-ayon naman ni Taehyung. Nailing nalang si Jin saka hindi na pinansin ang binata.

"Ano bang nangyari? May nakain ka ba, Maknae, kaya ka nagsuka?" nag-aalalang tanong ni Jin. "Uminom ka nalang ng gamot. Meron ako sa kwarto."

"Sige, hyung. Hindi ko kasi talaga alam. Siguro may nakain lang akong masama."

"Baka naman ano, Jungkook, 'diba kapag nagsusuka ibig sabihin-OwmyGahd! Jungkook, congrats!" tuwang-tuwa na sigaw ni Taehyung habang pumapalakpak pa.

"Bakit congrats?" naguguluhang tanong ni Jin.

"Huh?"

"BUNTIS KA, JUNGKOOK!"

"Kingina mong bobo ka, Taehyung! 'Wag mo namang sagarin 'yang katangahan mo, motherfckr!" gigil na sigaw ni Namjoon galing sa sala.

"Pahinga, Taehyung. Kailangan mo ng pahinga." ang tapik ni Jin sa balikat ni Taehyung saka mahinahong tinulak ito palabas. Immune na siya sa katangahan nito. Bumaling naman siya kay Jungkook. "Nasa maliit na drawer ko sa cabinet 'yung gamot. Nasa loob ng pillbox. Hanapin mo nalang du'n."

Tumango nalang si Jungkook saka na sila umalis sa banyo.

*•*•*

Pagkatapos ng ilang minutong paghahanda, binalandra na ni Yoongi ang splendid gums niya sa buong tropa-isang senyas na paparating na sila Hoseok at Irene mula sa malayo.

Todo handa naman sila sa sorpresa sa pagdating ng birthday boy. Pinatay na nila ang ilaw saka na tinakpan ang mga bintana upang hindi makapasok ang ilaw at sinag ng araw na nanggagaling sa labas.

Pitch black. Halos wala nang makita sa loob ng bahay maliban nalang kung ipakita ni Yoongums ang gilagid niya. Nagkanya-kanya na sila ng tago sa kung saan-saan.

Jungkook is Mine [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon