"...Oh yeah! Haha!" hinihingal pa si Hoseok at mukhang pagod na pagod sa ginagawa. "Kunwari kiligin ka naman Irene! Hehehe. Ina nito, hindi nalang makisakay. Effort din 'to, Honeybunch."

"Ate, please, pakibilisan nalang nababaliw na 'tong kasama ko e! 'Sensya na Namjoon ha, 'to kasing deadly weapon na 'to hindi tumitigil e! Parang sinapian ng demonyo, amputa."

"Okay lang hehe. Ano ba ginagawa niyo d'yan, idol master cute?"

"Ano bang ginagawa sa kainan? 'Diba kumakain? Malamang kakain kami! Tanginang 'to. Bobo lang?"

"Idol naman eh! Kailan ka ba magiging matinong kausap?"

"Kapag tuminu-tino na 'yang mukha mo!"

"Sino 'yang kausap mo, ha, Irene?"

"Si Namjoon 'to. 'Wag mo na kong pansinin, kingina mo ka. 'Di kita kilala. Nakakahiya ka," natatawang sabi ni Irene kay Hoseok.

"Saya mo ngayon idol, ha?"

"Oo, saya ko talaga. Libre e. Aayaw pa ba ako? Ano, libre niya raw ako ng lugaw. 'Yung tig-sasampu lang. HAHA! Ang cheap talaga nitong kabayong 'to. . .Mga ate, kuya, pagpasensyahan niyo na 'tong kasama ko, ha?! 'Di kasi nakainom ng gamot!" rinig nilang natatawa si Irene sa kabilang linya.

"Ah sige, baba ko na 'tong tawag na 'to ha idol baka kasi nakakaistorbo na 'ko."

"Hindi a! Itong kabayong 'to ang nakakaistorbo. Konti nalang talaga mapapakain ko na 'tong sapatos ko sa kanya. Haha! Sige, bye Namjoon!"

"Namjoon oppa nga!" pahabol pa ni Namjoon saka na binaba ang tawag. "'Tong si idol ayaw na ayaw akong tawaging oppa. Bakit mukha ba 'kong eomma?" bulong pa niya sa sarili.

"Hyung, ano ba kasi talaga pag-uusapan natin?" tanong ni Jungkook. Nangiti lang ng malapad si Namjoon na para bang may pinapahiwatig. "'Wag ka ngang ngumiti ng gan'yan, hyung. Mukha kang monster." sabay tawa niya ngunit hindi pinansin ng nakakatanda ang pang-aasar niya.

"Ano'ng masasabi mo maknae na lumalamang na si Hoseok kay idol master cute?" nakangising tanong ni Namjoon.

Napataas ang isang kilay ni Jungkook. "Ha? Anong lumalamang? Ito ba'ng pag-uusapan natin, hyung?"

"Narinig mo ba kung ga'no sila kasayang magkasama?"

"Oo naman, hyung. Narinig ko-naka-loudspeaker eh," nakangiting sagot ni Jungkook.

"Kahit hindi mo sabihin, Maknae, nararamdaman ko. Tayong dalawa lang naman dito kaya pwede mo nang ilabas 'yang nasa luob-loob mo."

Hindi nakapagsalita si Jungkook saka napakamot nalang sa batok niya at ngumiti. "Ano bang sinasabi mo, hyung? Anong nararamdaman ko? Anong kelangan kong sabihin?"

"Mahal mo pa ba si Joy?"

"Oo naman, hyung. Bakit? Bakit mo tinatanong?"

"Talaga?"

Jungkook is Mine [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon