68. Crimson

3.6K 223 62
                                    

Lady Mirage was wearing a velvety red gown that was fitted to her body. A long furry black cape was trailing behind her as she treaded towards me. But she stopped just outside the glowing border of the magic circle.

The empress was already dead. Pero bakit hindi pa rin nawawala ang mga nakaguhit sa sahig at ere?

Nakangisi pa rin sa akin si Lady Mirage habang nakakibit-balikat. Uminit na naman ang dugo ko dahil sa pang-iinsulto niya. I would wipe that smirk away from her face. Pero nang akmang tatayo na ako ay may kuryenteng biglang dumaloy sa aking buong katawan. Nanlumo ako nang hindi ko magalaw kahit ang aking mga daliri. But I was terrified when my body started moving without my consent. May kumokontrol sa akin!

Pinaluhod ako sa lupa ng puwersa kaya nabitawan ko ang walang buhay na katawan ng emperatris. Amaranthine was still stuck in her body but I couldn’t pull it out because of the force controlling my movements. Pinilit kong tumingala at nagngangalit ako nang makitang kagagawan iyon ni Lady Mirage.

“I told you the truth, Blaire. Hindi mo man lang ba ako pasasalamatan?” nakanguso nitong tanong sa akin. She also acted like she was hurt because of my actions. I tried to summon my flair but nothing came.
Unti-unti na rin akong nakaramdam ng panghihina. The magic circle shimmered brightly around me and I realized why. Hinihigop nito ang kapangyarihan ko.

“You won’t fool me again, Lady Mirage. And let me go! Lumaban ka ng patas!” asik ko sa babaeng sinuklian ako ng namamanghang ngiti. My body trembled when lightning met my skin again. Napasigaw ako dahil parang nilalapnos ang nasa loob ko.

“You really remind me of your father. Hindi kayo marunong makinig,” wika niya habang umaalingawngaw ang aking nahihirapang sigaw sa buong pasilyo. Naliligo na ako sa sarili kong pawis habang habol-habol ang aking hininga. I can also taste the metallic taste of blood inside my mouth.

Nakarinig ako ng malakas na pagkalabog ng pintuan pero hindi ko magawang lumingon doon.

“Blaire!”

“Prinsesa Lithuania!”

I immediately recognized them as Ophelia and Cato. Gusto ko silang balaan pero naunahan na ako ni Lady Mirage. Mga mahihinang daing ang narinig ko mula sa dalawa. Binalot ako ng kaba at pangamba sa kung ano ang maaaring gawin sa kanila ng kalaban.

Nakita ko na lang ang dalawa na lumulutang papunta kay Lady Mirage. There was an enchanted black rope encircling their bodies, making them unable to move like me.

“The real Princess Lithuania had arrived to save her cousin. How charming,” natatawang pahayag ni Lady Mirage habang nakatingin kay Ophelia. Nakita kong nagpumiglas ang huli at ang lalaking Patronus pero natatakpan ng lubid ang kanilang bunganga.

Cato’s eyes widened when he saw my current state. Nagwala siya pero hindi iyon nakatulong. The rope seemed to bind their bodies tighter. Natahimik na lang ang dalawa habang namimilipit sa sakit.

“And who do we have here? Lithuania’s familiar! But you were serving the wrong person all along,” nakangiting pahayag ng kanang kamay ng emperatris. Napatingin naman sa akin si Cato na puno ng pagtataka. I avoided his gaze because my mind was also a mess. Nalilito na ako sa pinagsasabi ng kalaban.

“Pakawalan mo sila! Stop poisoning us with your lies, Lady Mirage! Ako si Prinsesa Lithuania at iyon ang totoo. At ako ang haharap sa iyo!”

The white-haired woman just chuckled at me. “Naririnig mo ba ang sinasabi mo? How can you be sure that you are Princess Lithuania?” Her tone was amused but the look that she gave me was challenging. Nagkaroon ako ng pakiramdam na may hindi pa ito sinasabi sa akin. Pero hindi ako nagpatalo sa kanya. She’s just playing with me.

The Lost ProdigyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon