25. Motivated

6.7K 375 40
                                    

Nagising ako sa isang panibagong silid. Tanging ang liwanag na galing sa buwan ang nagbibigay ilaw sa gitna ng kadiliman. Malalim na ang gabi at ang lahat ay tulog na. Tahimik din ang paligid at wala talaga akong naririnig na ingay.

Dahan dahan kong iginalaw ang aking mga daliri habang nakahiga pa rin sa isang malambot na kama. Nang bahagya kong galawin ang aking mga paa at balikat ay nakaramdam ako ng matinding kirot at sakit na nagpatigil sa akin.

Then I remembered what happened before I fainted. I mentally slapped my face because I totally failed the task given to us by Sir Callum.

Gusto ko na ngang sabunutan ang sarili ko dahil nagpaubaya na naman ako sa aking kahinaan. Pero sa huli ay hindi ko nagawa iyon dahil mahirap nang pagalawin ang aking mga kamay. Nanlumo ako bigla dahil nakita kong nandoon pa rin ang metal bracelets na ipinasuot sa amin kanina.

Naestatwa ako sa kama at hindi makabangon dahil sa sobrang bigat ng mga iyon. Permanente na yata akong hihiga habang buhay kung hindi ko mahuhubad ang metal bracelets at sandals na balakid sa aking paggalaw.

A tear escaped from my right eye to express my hopelessness.

Suddenly, amidst the darkness, a figure started to appear. Babae ito base sa hugis ng kanyang katawan at nakilala ko siya dahil sa kulay ng kanyang buhok.

"Avery," nanghihina pero nakangiti ko pa ring bati sa kanya. Nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha nang makita niya ang aking kalagayan. Mabilis siyang naglakad papunta sa aking higaan at umupo sa aking tabi.

"I'm finally glad that you're awake, Blaire. Ilang oras ka ring natulog pagkatapos mo nahimatay. Maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong niya sa akin. Umiling naman ako bilang pagtugon.

Nakita kong lumungkot ang ekspresyon ng kanyang mukha nang makita niyang suot suot ko pa rin ang pulseras at sandalyas.

Huminga muna ako ng maluwag bago ko napagpasyahang magsalita ulit. "Hindi ba pwedeng hubarin ang mga bagay na ito? Pwede mo ba akong tulungan?" matamlay kong tanong kay Avery.

"I apologize Blaire because you can't take them off. We are also asked not to interfere with your training," sagot niya sa akin habang humihingi ng tawad. Napabuntong hininga na lang ako dahil wala talagang pag-asang mawala ang mabigat kong pasanin.

"Pero may dala akong pagkain para sa iyo. You haven't eaten your lunch and dinner today. Kailangan mong kumain," wika niya habang itinuturo ang pagkain na nilapag niya kanina sa isang malapit na mesa.

Umiling lang ako sa sinabi niya dahil nawalan na rin ako ng ganang kumain. I hate the feeling of being restricted, chained, and caged. I want to be free like a bird flying high in the infinite sky.

"Alam kong masama ang loob mo sa akin. Humihingi ako ng tawad dahil hindi kita kayang tulungan. Pero ang maitutulong ko lang sa ngayon ay ang bigyan ka ng pagkain para maibalik ang nawala mong lakas. You need to eat so you can refill your empty stomach," wika niya pero sa ibang direksyon pa rin ako nakatingin.

Narinig ko ang malalim niyang buntong hininga bago niya ipinagpatuloy ang pagsasalita. "You're more than this, Blaire. Alam kong hindi ka basta bastang sumusuko kapag hinaharap mo ang iba't ibang pagsubok na ibinabato sa iyo. You have the will to strive and achieve greatness. Don't let this training weaken your hopes."

Natauhan naman ako nang marinig ko ang mga katagang binitawan ni Avery. Tama nga siya. Hindi dapat ako magpapaapekto sa mga pagsubok na ito.

Challenges are there to test and evaluate us. I shouldn't let my fears and weaknesses dominate me. Starting now, I'll try my best to ace each challenge with a strong heart so I can prove that I am not a helpless individual.

The Lost ProdigyWhere stories live. Discover now