64. War

3.6K 219 8
                                    

BLAIRE

Nakatingin ako sa mga bata at matatandang Patronus na kasalukuyang ginagabayan nila Cato na pumasok sa isang lagusan sa paanan ng nag-iisang bundok sa Vallahan. That place was the safest area located in the entire island. But I can still feel fear seeping inside my bones, making my resolve crumble.

By making Vallahan float and by breaking the spell that once protected the Patronus, I’m bringing all of us closer to death.

Pinasadahan ko ng tingin ang mga lalaking naghahanda at sinusuot na ang kanilang baluti at sari-saring mga armas na gagamitin sa pakikipaglaban. I also saw some men checking on the other weapons that can create larger and wider damage such as the cannons and catapults.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa lahat ng aking nakikita. Ngayon ko lang naramdaman ang bigat ng responsibilidad na dapat kong pasanin. Kahit hindi ako ang nagpasimuno sa pag-aalsa laban sa emperyo, ako naman ang naging hudyat sa pagsisimula ng isang digmaan.

“Ayos ka lang ba, mahal na prinsesa?” rinig kong tanong ni Cato na nakarating na pala sa aking tabi. Nakasandal na pala ako ngayon sa isang puno nang hindi ko namamalayan. Tumango lang ako sa lalaki pero nakatuon ang atensyon ko sa mga mukha ng mga batang iginigiya ng kanilang mga magulang papasok sa bundok. I can see confusion and fear in their eyes.

Napahilamos ako sa aking mukha dahil sa pagsisisi. What have I done? How could I risk the lives of those children by bringing them along with us in this battle?

And how can I lead a war if I still don’t trust myself?

Marami ang handang isugal ang kanilang buhay para sa labang ito. I felt numb and pressured because I can’t assure them victory. Hindi ko alam kung makakalabas pa kami ng buhay sa bitag na pinilit kong pasukin.

Naramdaman ko namang may humaplos sa aking likuran para pagaanin ang aking loob. Pero binawi ni Cato ang kanyang kamay nang makita niya akong nakatingin sa kanya. “Patawad, mahal na prinsesa. Wala akong masamang intensiyon,” saad nito habang nakayuko. Natawa naman ako ng kaunti dahil sa inasal niya. He always looked highly at me. Marahan ko naman siyang sinuntok sa balikat pagkatapos na ikinagulat niya.

“Thank you for the gesture, Cato. And you can call me by my name by the way. Nakakapagod din kayang sabihin ang mahal na prinsesa ng paulit-ulit,” pahayag ko sa kanya habang nakangiti.

Naguguluhan naman akong tinignan ng lalaki. “Pero mahal na prinse---.” Hindi na niya napatapos ang kanyang sasabihin dahil nagsalita na ako.

“No buts,” wika ko ulit sa kanya kaya napilitan na lang ding sumang-ayon si Cato. Nagsalita naman siya ulit nang may maalala.

“Nailikas na pala namin ang lahat ng mga bata at matatandang hindi na kayang tumulong sa gaganaping laban. At huwag na kayong mag-alala sa kaligtasan nila dahil sasamahan sila mismo ni Inang Zipporah at ng ibang mandirigma.”

Parang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan dahil doon. Cato told me that the flair of the most respected female elder of the Patronus is shield generation. Naniniwala ako kay Inang Zipporah dahil alam kong gagawin niya ang lahat para protektahan ang kanyang kauri. Buong puso ko ring hiniling na sana hindi sila madamay sa paparating na sagupaan at manatili silang ligtas kung saan man sila sa nagtatago.

Nakita ko naman pagkatapos si Inang Zipporah na naglalakad papunta sa akin kaya sinalubong ko siya. Nakasuot siya ng mabalahibong kapa at mayroong antigong kwintas na nakasabit sa kanyang leeg. Hawak niya ang isang mataas na sibat at batay sa tindig niya ay parang handa na siyang makipaglaban.

“Patawad, mahal na prinsesa, sapagkat hindi ako makakasama sa iyong hukbo,” bungad niya sa akin bago siya yumuko. Agad ko rin namang hinawakan ang balikat niya kaya napatingin siya sa akin.

The Lost ProdigyWhere stories live. Discover now