45. Doom

4K 229 11
                                    

My first foe was a huge guy.

Napansin ko na siya dati pa noong sinasanay kami ni Sir Callum. Kung tama ang pagkakaalala ko, siya ang parating kasama ni Felix. Both of them came from the same House, Animo.

Just by looking at my opponent's muscular frame, I already felt threatened. Pero sa kabila noon ay nagsimula na akong mag-isip kung paano ko siya matatalo.

Wala pa ni isa sa amin ang gumawa ng atake. Mukhang pinapakiramdaman din ako ng lalaking aking kaharap. We started encircling each other for half a minute already. Nalaman ko iyon dahil sa countdown na nasa itaas.

Nakakarinig pa rin ako ng mga hiyawan kahit bakante ngayon ang mga upuan sa buong istadyum. This might be the effect of Lady Adelaide's dimension magic. Even though the seats were empty, I know that we're still being watched. All of us.

"I heard that you've been trained by the Gemini themselves. So I'm expecting more from a frail little girl," wika ng lalaki na malinaw kong narinig kahit ilang metro ang layo namin sa isa't isa.

"I didn't know that a bulky man like you could be a nosy blabbermouth."

Umigting ang panga ng lalaki at agad siyang sumugod sa akin. Pasimple akong napangiti dahil napakadali niya naman palang galitin. Ang unang lebel ng Ranking Ascension ang susubok sa kakayahan namin pagdating sa pisikal na pakikipaglaban kaya ang katawan lang namin ang gagamitin namin sa duwelo.

Nahulaan ko ang paparating na suntok ng aking kalaban sa aking tagiliran kaya maayos akong nakailag. I gave him a front kick aimed at his chest but before I can hit him, he managed to grab onto my leg and threw me sideward.

Para sa isang malaking tao, he has fast reflexes. Nagawa ko rin namang magpaikot-ikot sa ere kaya maayos akong nakalapag pagkatapos niya akong ihagis.

"Tatandaan mo ang araw na ito Blaire Everett! Dahil hindi na kita hahayaan pang lumusot sa susunod na yugto. Hanggang dito na lang ang mga sipsip na katulad mo!" Nanggigil na saad ng lalaki sa akin. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. May tinatago pala siyang sama ng loob sa akin.

"All bark and no bite," sagot ko na lang sa kanya at ako na ngayon ang umatake. Parang toro rin akong sinugod ng kalaban.

Yumuko ako nang sipain niya ako. I swept his other leg afterwards to make him lose his balance. Nagawa ko rin naman iyon pero mabilis namang nagtumbling ang lalaki para makabangon at maiwasan ang susunod kong atake.

"I don't remember doing anything bad to you," wika ko sa kanya habang mabilis ko siyang pinatamaan ng suntok at sipa. Some of my combinations hit him. Pero paminsan-minsan ay nasasaktan din ako dahil sa matigas na katawan ng lalaking ito. It's like I'm hitting a rock.

"Anong wala? Hindi dapat si Felix ang namatay! Kayong mga mahihina ang mga dapat mawala rito sa mundo. Wala kayong kwenta kaya bakit pa kayo nabubuhay rit---." Hindi ko na pinatapos ang sinasabi ng lalaki. I struck his nose with my palm at napaatras naman ang huli dahil doon.

"Ang dami mong sinasabi," baling ko ulit sa lalaking ito at hindi ko na napigilan ang aking pag-irap. Hindi ko naman kasi siya tinatanong pero ang dami nang lumalabas sa bunganga niya. Pinapamukha talaga niyang mahina ako. I'll be happy to prove him wrong.

But his sudden attack surprised me. Everything was so fast and a scream left me when he slammed me to the marble floor. Halos maiyak ako dahil kahit gumaling na ang hiwa na nakuha ko kagabi ay parang bumukas ulit ang sugat ko nang isalampak ako ng aking kalaban.

"In case you don't know me, I'm Leo. Ang taong tatalo sa iyo," bulong niya sa akin. He's pinning my wrists on the floor and I'm about to perform the maneuver to escape his grip but he foresaw what I'm going to do so he slammed his head hard on my own.

The Lost ProdigyWhere stories live. Discover now