62. Dawn

3.6K 236 11
                                    

“Maiwan muna namin kayo. Ang sabi ni Inang Zipporah ay napagod lang ang mahal na prinsesa kaya nahimatay siya. Magigising din siya maya-maya.”

Nagising ako sa boses ni Cato. Saglit na humangin ang paligid nang ipagaypay ng lalaki ang kanyang mga pakpak bago lumipad paalis. Nakarinig naman ako ng mga taong nag-uusap pagkatapos.

“Ang hot niya no? Tapos ang pormal pa. Nakakakilig kapag tinatawag niyang prinsesa si Blaire! Habulin talaga ng mga pogi si bestie!” wika ni Ella na sinabayan niya pa ng pagtalon. Sinuway naman siya ni Zara dahil umalog ang buong lugar sa ginawa niya. Na saan ba kami ngayon?

“Bakit ang sama mong makatingin diyan Gale? Hindi ka pa nga nagsosorry sa akin noong nakaraan. Akala mo nakalimutan ko na no? The heck Gale! Hindi ka naman maaakit ng hipong iyon kung hindi ka rin nagpaakit eh!”

“Hindi ko naman kasalan---.”

Pinutol ni Zara ang kung ano man ang balak na sabihin ng lalaki. “I’m so sick and tired of hearing your petty quarrels! Kapag marinig ko pa ang bangayan niyo ay hindi na talaga ako makakapagtimpi. I’ll cut your tongues off and push both of you outside. Understood?”

Natahimik naman ang dalawa dahil sa pagbabanta ni Zara. Lihim akong napatawa habang unti-unting bumabangon. Muntikan na akong matumba dahil akala ko nasa kama ako nakahiga ngayon. But I was sleeping on a hammock.

Inalalayan naman ako ni Ella para maayos akong makatayo. Napaupo na rin ako sa isang upuang gawa sa kahoy. Namangha ako nang makitang may mga sanga sa loob ng bahay na ito. And that’s when I knew it. We were in a huge tree house.

“Blaire! Kumusta na ang pakiramdam mo?” tanong sa akin ni Ella nang maupo siya sa harapan ko. Umupo na rin sina Gale at Zara sa lapag na gawa rin sa matibay na kahoy. And basing from their position, they looked like they were about to interrogate me.

Napahawak ako sa parte ng aking ulo na napuruhan noong nakaraan. Pero nagulat ako nang wala na akong natagpuang sugat doon. Pati ang sakit ay nawala rin.

“I feel well,” sagot ko kay Ella pero mukhang hindi siya nakontento sa aking sagot. She was waiting for me to say something. Pero hindi ko alam kung ano ang gusto niyang sabihin ko.

“Do you remember what happened a while ago?” tanong sa akin ni Gale. Sasagot pa lang sana ako pero inunahan na ako ni Zara. Tinapunan niya rin ako ng mapanuring tingin.

“Let’s get straight to the point here. How did you wield the sacred blade? Are you really Princess Lithuania?” Sunud-sunod na tanong ni Zara. I heard a humming energy and all color left my face when I saw Amaranthine behind me. Akala ko panaginip lang ang lahat na nangyari sa loob ng yungib.

But the truth came crashing at me like wild rolling waves. At hindi ko na ngayon nagawang umahon sa masaklap na katotohanan.

Napayuko na lang ako habang hawak ang aking dalawang tuhod. Nagsilabasan na ang likido mula sa aking mata at hindi ko na napigilang hindi humagulgol. Dahil sa mga napagdaanan ko sa kuweba ay nagulo ang aking isipan pati ang mga bagay na aking pinanghahawakan. Hindi ko na kilala kung sino nga ba talaga ako.

Ako pa rin ba si Blaire Everett? O ako talaga ang prinsesang matagal nang hinihintay ng mga nasasakupan ko?

Lumapit sa akin si Ella at binigyan niya ako ng mahigpit na yakap. Ang tanging nagawa ko lang ay ang yakapin siya pabalik bago ko isinandal ang aking ulo sa kanyang balikat. Nabasa na rin ang damit niya dahil sa mga luha kong nag-uunahan sa pagdaloy pababa sa aking pisngi.

Hindi ko hiniling na maging si Lithuania. Kung ako nga talaga siya, masasabi ko na kaagad na hindi ko makakaya ang responsibilidad na nakaatas sa akin. Takot na takot ako ngayon at ang tanging gusto ko lang ay ang bumalik sa panahong hindi ko pa pinagdududahan ang aking sarili. Gusto kong bumalik sa nakaraan kung saan ang mga gampanin ko lang ay ang maging mabuting anak kina Tatay Alfred at Nanay Marina at makulit na kapatid kay Kuya Adam.

But that was all wishful thinking.

Hinahaplos ni Ella ang aking buhok pero hindi ko pa rin magawang kumalma. “I’m lost, Ella. Please help me find my way out,” paos kong saad sa kanya.

But it was Zara who spoke to me. “Stop crying, bitch. You were once lost but now, you finally found yourself. Be grateful for it.”

_____

Ang mga anino ng mga nagsasayawang Patronus ang makikita sa buong kakahuyan. Napuno ng kasiyahan ang buong isla ng Vallahan ngayong gabi para ipagdiwang ang pagbabalik ko. Ang pagbabalik ni Prinsesa Lithuania.

Nakaupo kami paikot sa isang malaking siga na siyang nagbibigay liwanag sa dilim. Sa paligid din namin makikita ang napakaraming mga higanteng puno kung saan may tig-iisang bahay na nakatayo sa mga tuktok nito.

Paminsan-minsan ay nakikisabay ako sa sayaw ng mga Patronus kapag hinihikayat nila akong makisali. Kahit masama pa ang pakiramdam ko ay hindi ko maitatanggi ang galak na namumuo sa aking puso. Lalo na kapag nakakakita ako ng mga batang nakikiindik din sa daloy ng musika na likha ng mga katutubong instrumento. Napangiti na lang ako at pansamantalang nakalimutan ang aking dinadala.

“Uy Blaire! Tinitignan ka ni Cato oh! Hala mukhang papunta siya sa iyo!” kinikilig na wika ni Ella na may kasama pang hampas sa aking balikat. Sinimangutan naman siya ni Gale kaya huminto naman ang aking kaibigan. Mukhang nagseselos siya sa atensyong binibigay ni Ella sa iba. Napangisi na lang ako sa kanilang dalawa.

“This is unbearable! I need a moment of peace!” rinig kong naiiritang pahayag naman ni Zara bago siya naglakad paalis. Mukhang ayaw niya sa mga maiingay at masasayang pagtitipon.

Napalingon naman ako nang may magsalita sa aking tabi. “Nagustuhan mo ba ang inihanda namin para sa iyo, mahal na prinsesa?” Tumango naman ako at binigyan siya ng ngiti bilang pagtugon. Nagtaka ako nang hindi ko makita ang pakpak niya. Mukhang may abilidad din sila para itago ang mga iyon.

“Masaya akong makitang maayos na ang kalagayan ninyo. Maaga palang nagpahinga si Inang Zipporah ngayon, mahal na prinsesa. Pero ilang oras na lang ay magbubukang-liwayway na at makakausap niyo na rin siya,” dagdag ng lalaki.

“Thank you, Cato.”

“Walang anuman, mahal na prinsesa. Kung may kailangan pa kayo ay huwag kayong magdadalawang-isip na kausapin ako.” Nagpaalam na rin si Cato nang may humila sa kanya na isang Patronus at isinali siya sa kasiyahan. Napangiti na lang ako dahil doon. He really looked like a nice person.

“Anong nakain mo at pangiti-ngiti ka na diyan, Blaire? Dahil ba to kay Cato? Huwag mo sabihing kayo na?” tanong ni Ella na may halong panunukso.

“Baliw! May naaalala lang ako sa kanya. Cato was the opposite of the person I remembered,” sagot ko sa kanya habang napapikit at tinatamasa ang masiglang tugtugin.

“Who’s that? Dami mo kasing boys eh kaya hindi ko na alam kung sino ang tinutukoy mo. Spill it na!” Natawa na lang ako sa kanya pagkatapos.

“I think you have better things to do, Ella. Hindi mo pa rin ba kakausapin iyang katabi mo?”

Tumayo na rin ako para bigyan sila ni Gale nang oras para mag-usap ng masinsinan. Iba rin kasi kung magselos ang kaibigan ko.

“Huwag mo akong iwan, Blaire!”

Kinindatan ko lang siya bago ako pumasok sa kagubatan. I spent midnight and early morning wandering the forest. Kapag may nakakasalubong akong mga Patronus ay binabati ko rin sila. Pero hindi ko pa tuluyang natatanggap ang aking katauhan. Kailangan ko pa ng panahon para makapag-isip-isip at unawain ang mga pagbabagong nangyari sa akin sa loob lang ng isang araw.

Hindi ako nakaramdam ng pagod habang naglalakad. But my head ached instead. I must have strained my mind for thinking too much.

Nakalampas ako sa isang higanteng puno at inihawi ko ang mga malalagong dahon sa aking harapan. Bumungad naman sa akin ang isang malawak na damuhan at ang bundok na nasa malayo. May mga bulaklak ring namumukadkad sa buong lugar. But the numerous headstones occupying the entire meadow were what really caught my eyes. This place looked like a graveyard.

Naglakad ako palapit sa lalaking nakatingin sa isang karatulang gawa sa bato. Nakilala ko naman agad siya dahil sa kulay ng kanyang buhok. His hair almost looked white from afar.

Yumuko naman si Cato bilang pagbati nang makita ako. “Ito ang libingan ng mga Patronus sa isla ng Vallahan. Dito nakahimlay ang namayapa naming mga kapatid. Pero may mga ibang puntod na walang laman dahil hindi namin nahanap ang kanilang mga katawan. Ginawan na rin ni Inang Zipporah ng karatula ang ibang Patronus na ilang taon nang nawawala,” pahayag sa akin ng lalaki.

Napatingin naman ako sa tinitignan niya at nakita ko ang pangalang nakaukit doon. Aramis.

“Si Aramis ang pinuno naming mga Patronus. Pero hindi ko na siya naabutan dahil nasawi siya nang ipagtanggol niya ang reyna at ang kanyang sanggol. At ikaw iyon, mahal na prinsesa.”

Naalala ko naman ang napanaginipan ko noong nakaraan. Aramis was the winged man who sacrificed his life for us. He died in order for me to live.

I didn't know that my life was this important.

Napatingin na lang ako sa mga sumunod na puntod at nakita ko ang dalawang pamilyar na pangalan.

“Si Midas ang nakababatang kapatid ng aming pinuno. At si Orion naman ang nag-iisang anak ni Aramis. Pero hindi namin sila natagpuan dahil mukhang naiwan sila sa kontinenteng nahahati sa limang rehiyon.”

Napaawang ang aking labi dahil sa aking nalaman. “Kilala ko sila, Cato. And they’re still alive.”

Pagkagulat ang namayani sa mukha ng kasama ko. Nakita na rin namin ang dahan-dahang pagsikat ng araw. Panahon na para ipaalam kay Inang Zipporah ang totoo naming pakay at ang plano namin para sa paparating na digmaan.

_____

“What do you mean? Are you implying that you’re cursed?” Zara incredulously asked at the three Patronus in front of us. Nasa loob kami ngayon ng silid ni Inang Zipporah para mag-usap. Pero kahit ako ay naguguluhan sa sinabi ng huli.

“Hindi sumpa ang ipinagkaloob sa amin ni Reyna Eliana bago siya pumanaw. Isa itong regalo na nagligtas sa uri namin noong naganap ang pagpaslang sa namumunong angkan. May mahikang bumalot sa islang ito kaya hindi namin magawang umalis. Pero napag-alaman din namin na may nangyaring malawakang pagpatay sa mga Patronus na nanatili sa kontinente. At dahil sa ipinagkaloob sa amin ng reyna ay hindi kami natagpuan ng emperyo. Naglaho na lang ang isla ng Vallahan sa mapa,” sagot ni Inang Zipporah. Nang makita ko siya kanina ay napanatag ang aking loob dahil sa maamo niyang mukha. Mukhang matanda na rin siya dahil namumuti na ang kanyang kulot na buhok.

“Sinubukan niyo na po bang lumabas? Baka nawala na ang mahikang kumukulong sa inyo nang makuha ko ang banal na espada,” tanong ko sa kanila. Si Xerxes naman ang sumagot sa akin. Kayumanggi ang kanyang balat at itim ang manipis niyang buhok. Siya rin ang pinakamalaki sa mga Patronus na nakita ko sa isla.

“Nagawa kong lumipad palabas kanina. Hindi pa ako nakakalayo nang makakita ako ng isang isla. Nang makarating ako roon ay napag-alaman kong bumalik lang ako sa pinanggalingan ko, mahal na prinsesa.”

I was now fidgetting. We really need their help. Buo na rin ang desisyon ng mga Patronus na lumaban sa panig namin. May mga malalakas din silang armas na pwedeng magamit. At may mga taktika na kaming napagkasunduan kanina. The only problem was the magic that continues to bind them to this island.

Mabilis akong tumayo at hinila si Cato. Mukhang nagulat sila pati na rin ang lalaki dahil sa ginawa ko.

“Bring me to the highest point in Vallahan,” utos ko sa kanya. Hinawakan naman ni Cato ang aking baywang at mabilis akong nilipad papunta sa bundok na nakita ko kanina.

We landed safely at the peak of the mountain. I unsheathed Amaranthine from the scabbard that Xerxes gave me and I pointed it at the sky.

Tumama ang sikat ng araw sa aking espada at lumikha iyon ng nagniningning na liwanag. Just like the first time I raised the holy sword, I felt its infinite power vibrating and echoing all around us. Noong una ay nahimatay ako sa puwersang inilalabas nito pero ngayon ay maayos ko na itong nahahawakan. And when I saw my reflection on the blade, I was astonished to see that my eyes turned blue gray.

But I focused on what I supposed to do. Itinuon ko ang aking lakas sa hawak kong sandata bago ko iyon ibinaon sa lupang inaapakan ko. And from where Amaranthine pierced the earth, an invisible force expanded and enveloped Vallahan.

Namamangha akong tinignan ni Cato nang biglang lumutang ang buong isla sa ere. Gumalaw ito patungo sa timog. Nagpakawala naman ako ng malalim na hininga dahil nagtagumpay ako.

“Papunta na kami, Orion. Hintayin niyo kami.”

The Lost ProdigyWhere stories live. Discover now