3. Threshold

15.5K 814 151
                                    

Bright lights enveloped my body as the portal teleported me to our destination. My dark brown hair swayed freely as the wind caressed and touched my face.

My breaths were heavy as my feet slowly landed on a grassy surface. It took a while for me to adjust my sight but after a few minutes, I finally took a glimpse at the woodland before me.

Mga anino ng puno ang bumungad sa akin. Nang mapatingala ako ay hindi ko makita ang langit dahil sa mga malalagong dahong humaharang dito. Madilim at napakamisteryoso ng kagubatan. Nakakakilabot ang payapa at tahimik na atmospera. Nararamdaman ko na maraming nakatagong panganib ang nakaabang sa akin kaya kailangan kong magdoble ingat.

Yet, I felt homesick. Parang kagaya rin ito ng gubat sa bayan namin kung saan kami parating nangangaso. But this forest isn't covered in snow. And my brother is not here to help me anymore.

Right now, I'm on my own.

Sinakop ulit ng kaba at takot ang aking sistema. Hindi ako sanay mag-isa. Nanghina ang aking katawan at napakapit na lang ako sa isang puno para hindi ako matumba.

How can I even survive a day in here?

Pinakalma ko muna ang aking sarili para maibsan ng kahit kaunti ang aking takot. Kailangan ko lang makakuha ng blood ruby para makaligtas. Pero alam kong hindi magiging madali iyon.

Sa pagpasok ko rito sa Forestia, buhay ko na agad ang nakataya. Pero wala rin namang halaga ang buhay ko kung hindi ko kasama ang aking pamilya. Kaya kailangan kong makaligtas at mabuhay para sa kanila. No matter the cost.

I will survive this trial. I swear.

Natigilan ako sa pag-iisip nang biglang umilaw ang wristband na nasa aking kanang kamay. Napatingin ako doon bago nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga.

A hundred and sixty-seven hours, fifty-eight minutes, and thirty seconds left. I have a week to accomplish my ultimate goal. And that goal is to find a blood ruby so that I can proceed to the magic circle, safe and sound.

I touched the wristband and the time vanished. Slowly, a two-digit number appeared. It was the number of gemstones inside Forestia. A total of forty blood rubies. Only forty.

Limitado ang bilang nito kaya kailangan kong makahanap agad. Habang tumatagal ay nanganganib ang buhay ko dahil marami akong kaagaw na kayang pumatay para lang makaligtas at makuha ang ranggo.

Nagsimula na akong maglakad papasok sa isang masukal na parte ng kagubatan. Sa anyo nito ay para lang ordinaryong kagubatang napaliligiran ng puno at mga halaman, pero alam kong may tinatago ito sa amin. Halos wala akong makitang tao sapagkat napakadilim dito at napakaraming punong matataguan. The atmosphere terrifies and freaks me out at the same time.

Sa aking ilang minutong paglalakad ay nararamdaman ko na parang may nakasunod sa akin. Napapalingon din ako pero ni minsan ay wala naman akong makita. Guni guni ko lang yata iyon kaya ipinagpatuloy ko na lang ang aking paglalakbay.

Pero bago pa ako makagawa ng isang hakbang ay ginulantang ako ng isang malakas na alulong. Bumilis ang tibok ng aking puso habang unti unti akong pinagpawisan dahil sa takot. Napalunok ako habang pinipigilan ang panginginig ng aking katawan.

May naramdaman na akong presensya sa aking likuran kaya agad akong napalingon. Kadiliman ang aking nadatnan pero may nakita akong isang pares ng matutulis na pulang matang nakatingin sa akin. Nanigas ako sa aking puwesto habang pinagmamasdan ang pag-alis ng hayop mula sa kanyang pinagtataguan papunta sa akin.

Isang mabangis na lobo na kulay abo. Doble ang laki nito kumpara sa mga pangkaraniwang lobo. The gray wolf slowly stepped out of the shadows while sizing me up, as its prey.

The Lost ProdigyWhere stories live. Discover now