32. Threat

7.1K 320 67
                                    

Naramdaman ko ang panunuot ng kaba sa aking dibdib habang unti unting pinoproseso ng aking utak ang sinabi ng aking kaibigan. "Tuturuan niya tayong lumipad? Seriously?" naninigurado kong tanong kay Ella at nakita ko naman ulit ang pagningning ng kanyang mga mata.

"Of course! Legit ito Blaire," masigla pa niyang wika at itinaas pa ang kanyang kamao sa ere na at umaktong lumilipad. Napalunok na lang ako sa sinabi ni Ella. Pinagpapawisan na ako at ang mga kamay ko naman ay kasing lamig na ngayon ng yelo.

"Oh, bakit hindi ka masaya? Ito pa lang yata ang pinaka-exciting na gawain na ibinigay sa atin ni Sir. Kaya why so sad?" nagtataka namang tanong ni Ella sa akin habang tahimik na sinusuri ang aking balisang mukha.

Huminga na lang ako ulit ng malalim bago ko siya sinagot. "Hindi naman sa ganun. Nagdududa pa kasi ako dahil baka binibiro mo lang ako. Masakit kayang umasa," pagsisinungaling ko pero mukhang naniwala naman si Ella roon.

"Humuhugot ka na ngayon, Blaire ah! Improving ka na talaga! Mana ka talaga sa akin. Masakit nga talagang umasa pero mas masakit mahulog sa taong wala namang balak na saluhin ka. Ganoon dapat!" masiyahing pahayag naman ni Ella at napalakpak pa. Natawa naman ako dahil doon. Wala talaga siyang pagod sa kakasalita.

"But back to reality, totoo talaga ang sinabi ko. You want to know why?" tanong niya sa akin kaya napatango naman ako.

"Naalala mo yung aklat na nakita natin sa library kahapon?" I nodded as a way of answering her question. Inikot muna ni Ella ang kanyang paningin sa paligid upang tingnan kung may nakikinig ba sa aming usapan. At nang makita niyang wala namang nakikialam, ipinagpatuloy na niya ang kanyang sasabihin.

"Pagkabalik kasi natin sa academy kahapon, hindi ko akalaing hawak hawak ko pa pala yung Spellian. Kaya nang magpaalam tayo sa isa't isa ay tinungo ko ang daan papuntang library para ibalik yung aklat. Pagkadating ko roon ay ang eksaktong oras din kung kailan isasara na ni Madame Khaleesi ang Library of Archives."

"I didn't try to inform her na nasa akin ang Spellian dahil baka mapagalitan pa ako sa rasong basta basta ko na lang dinala yung libro ng walang pahintulot galing sa kanya. At sa tingin ko naman, hindi niya mapapansing may nawawalang isang libro. Sa dami ba naman ng aklat sa bawat palapag, hindi na niya hahanapin yung Spellian. Kaya it's mine na, finders keepers!" mahabang paliwanag ni Ella habang may ngiting namumuo sa kanyang pisngi.

Isang ngiting tagumpay. Pagkatapos ay humalakhak pa siya na parang ewan. Nakangiti namang napailing si Gale na nakikinig lang sa amin.

"Correction, ako ang nakahanap. I just gave it to you," litanya ko bago pa siya makasalita ulit. Sumimangot siya ng konti bago ipinagpatuloy ang kanyang naudlot na pagkukuwento.

"So last night, I got bored that's why I decided to read the Spellian. At sa bawat pagtiklop ko sa mga pahina ay namangha ako sa dami ng incantations na pwede kong subukan. At ang pinakamadaling spell na nakita ko roon ay ang Praecognoscere."

"Iyon ang spell na magbibigay sa akin ng kakayahan na makita ang hinaharap. At nang subukan ko iyon ay may nabuong imahe sa aking isipan. I saw myself flying! Nakita ko rin ang ibang kasamahan natin. My sight was not clear and sometimes, the scene went blurry. Pero I'm sure totoo iyon. I cannot believe it talaga!" pagtatapos ni Ella sa kanyang pagsasalaysay.

Naramdaman ko ulit ang kaba na bumalot sa akin. If it was destined to happen, I cannot avoid it. But right now, I don't have the guts to face it. My hands trembled and my legs weakened by just thinking of the heights and flying.

Nakita ko ang nag-aalalang tingin na ibinigay sa akin ni Ella kaya binasag ko na ang katahimikang namayani sa aming dalawa. "In that precognition sight bestowed to you after performing the spell, have you seen me there?" I asked to lessen the akwardness in the atmosphere.

The Lost ProdigyWhere stories live. Discover now