39. Assault

4.2K 248 24
                                    

I got enough sleep that’s why I was now filled to the brim with energy.

Without any second thoughts, I hooked onto the wrist of the man pinning me down using my right hand and I used my other hand to grab behind his elbow, locking his arm to my chest. I quickly used my foot to trap his own and leg, and used the building momentum to lift my hips and turn over my knees to pivot my way on top.

I smiled satisfyingly when I successfully did that maneuver. Tatayo na sana ako pero nagulat ako nang sa akin naman gawin iyon ni Topher. I bellowed out a loud cry when my back met the hard floor again. Ineenjoy yata niyang makitang nasasaktan ako.

“Still slow. Your enemy might know what you’re planning to do if you’re movements are turtle-paced.”

I didn’t meet his eyes this time. I just looked at the side, casually diverting my line of sight from him. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya bago siya tumayo at pinagpagan ang sarili.

“Atleast you got it on the second try. But I thought you would like to stay on that position a little longer.”

Parang may nararamdaman na akong usok na lumalabas sa aking ilong nang marinig ko ang sinabi ng lalaki dahil sa pagkainis ko sa kanya. Kung bulkan lang ako ay baka kanina pa ako sumabog.

“Pervert,” sambit ko sa kanya. I was stoned in place when he gave me a cunning smirk. Hindi ko inakalang kaya pala niyang ngumiti.

“Look who’s talking,” baling naman niya sa akin kaya buong lakas kong pinakalma ang aking sarili.

Control your temper Blaire, he’s just a jerk who has nothing else better to do than make fun of you. You’re more mature than him so you can just let this pass.

“What are you thinking now, Everett? Are you thinking of me again?”

All of my self-restraint broke free at once and I launched myself at him. I gave him a combination of hits and blows. Akala ko iiwas si Topher nang patamaan ko siya ng mga atakeng natutunan ko mula sa kanya noong unang araw ng pagsasanay. But he didn’t. I can feel my punch connect with his jaw and my leg meet the hard muscle of his thighs. Out of frustration for the recent happenings of my life, I vented all of my anger at him. Walang tigil ko siyang pinaulanan ng mga atake habang nakatayo lang siya para tanggapin ang lahat ng mga iyon. I visualized him as a punching bag and he just let me treat him so.

Pagkatapos ng ilang minuto ay nanghihina akong napaupo sa lapag. Naipalabas ko na ang lahat ng hinanakit pero ang katawan ko naman ang sumasakit ngayon. Matalim kong tinitigan ang lalaking nasa harapan ko ngayong nakatayo pa rin ng diretso at parang hindi man lang nasaktan sa mga tirang binigay ko sa kanya.

“Do you really hate me that much?”

Napayuko na lang ako dahil sa kahihiyan. Masyado akong nadala ng aking emosyon kaya hindi ako nakaisip ng maayos. Mali ang ginawa ko. Wala akong masisisi sa lahat ng mga kasawiang naranasan ko kaya naghanap na lang ako ng taong pwede kong pagbuntungan ng nakatago kong galit.

At inaamin kong sumobra na ang ginawa ko.

Nakatingin lang ako sa sahig ngayon at nagulat naman ako nang lumuhod sa aking harapan si Topher para matapatan ako. “I deserve the pain that you’ve inflicted on me.”

I still didn’t face him. “Your hatred and loathing, I deserve all of it,” dagdag niya pa. Hindi na ako nakagalaw nang hawakan niya ang aking namamagang kamao at may itinali siyang benda roon. When he dropped my now uncurled fists on my lap, the warmth of his touch lingered.

“But I don’t deserve to see you hurt yourself because of the anger that’s dwelling in you. You must learn to unleash it because the longer you keep it in, the more harm it can cause you. And if your preferred method was the one that you did now, I’ll be your punching bag then.”

Napatikhim naman ako sinabi ni Topher.
“You don’t have to worry anymore. I’m all yours, Everett.”

_____

After the confrontation, Topher decided to skip the training and let me rest for the whole day. He left me after that, like what he always do every time he finishes instructing me. But I pinched and slapped myself because a part of me was hoping for him to stay. My feelings were now completely chaotic and all messed up because of him.

Nang makarinig ako ng mga hakbang ay agad akong lumabas sa aking silid na nasa loob ng Training Ring. Gusto kong humingi ng tawad dahil sa pakikitungo ko kay Topher. Ngayon ko lang din naalala na hindi ko pa pala siya napapasalamatan sa lahat ng ginawa niya para sa akin.

Pero nang makarating na ako sa espasyo kung saan kami nagsasanay ay nagtaka ako nang makitang walang tao. Napasigaw na lang ako dahil may humila sa aking buhok papunta sa isang gilid. Halos matanggal na ang buhok ko sa lakas ng pagkakasabunot sa akin ng taong ito at kahit anong gawin ko para matanggal ang kamay niya ay sa akin ay walang nangyari.

“You slut!” Nanggigigil na sigaw ng babae. Nang magtama ang katiting na liwanag na nagmumula sa kandelabrang nakadikit sa kulumna sa kanyang mukha ay nakilala ko siya.

Zara further pulled my hair and I let out a cry of pain. “Bakit hindi ka pa nakontento kay Asher?”

Hindi ako makalaban sa kanya nang hilahin niya ako at isubsok ang mukha ko sa sahig. She’s stronger than me and she got all of her weak points covered kaya hindi ko magamit ang mga natutunan ko nitong mga nakaraang araw para makawala sa kanya.

“How dare you seduce Topher too! Ganyan na ba kayong mga mahihina? Sumisipsip sa mga malalakas?”

Sumigaw ulit ako nang tapakan niya ang likuran ko. Diniinan niya pa ang paa niya at lumakas pa ang daing na kumawala sa akin. Naiiyak na ako sa sakit pero nakaisip ako ng paraan. Gamit ang kanan kong kamay ay buong pwersa kong hinila ang isa niyang paa. It caught her off guard.

Inurong ko ang aking katawan mula sa kanyang pagkakaapak at hinatak ko ulit ang kanyang paa gamit ang dalawa kong kamay. I did it quickly that’s why she lost her balance and fell flat on her back.

Hindi pa ako tuluyang nakakabangon nang sumugod na naman siya sa akin habang nakataas ang kanyang kanang kamao. Pero hindi sa akin tumama iyon kundi sa kamay ng lalaking lumitaw sa harapan ko. Halos mamilipit sa sakit si Zara dahil sa mahigpit na pagkakahawak ni Topher sa kanyang kamao.

“Let go of me!” Rinig kong bulyaw ni Zara pero hindi siya pinakinggan ng lalaki. They were throwing daggers at each other by just using their stares.

“You’ll be punished for breaking the curfew. And this...”

Tinignan niya ang kalagayan ko at nanginig naman ako sa takot nang makita ang nagkukumuyos sa galit niyang mukha bago niya itinuon ang kanyang atensyon sa harapan. Nakita kong hinigpitan pa lalo ni Topher ang hawak niya sa babae hanggang makarinig na ako ng mahihinang hiyaw.

“Do this again, and you’ll suffer worse. She’s mine, Zara. And you can’t hurt what’s mine.”

Padabog na umalis ang babae pagkatapos siyang bitawan ni Topher. But when the latter helped me stand up, naramdaman kong bumalik na ang malamig niyang pakikitungo sa akin.

Sinimulan na rin namin ulit ang pagsasanay na para bang walang nangyaring kahit ano. This is my fourth day training with Topher. At walong araw simula ngayon ay gaganapin na ang hinihintay na Ranking Ascension para sa aming mga Novitiates. Pero malayo pa ako sa pagiging handa. Marami pa akong hindi alam na kailangan ko pang matutunan.

For the entire morning, Topher further elaborated advanced self-defense tactics. He demonstrated how to defend oneself in several instances such as when being choked against the wall, facing swinging and straight punches, and being grabbed by the wrist and hair.

Hindi ako sigurado kung nakita ni Topher ang nangyari sa amin ni Zara kanina para turuan pa ako lalo kung paano depensahan ang aking sarili. But I silently thanked him for that because I might need to apply that move soon.

We didn’t stop for a lunch break and to take any rest. Uminom lang ako mula sa lalagyan ng tubig para hindi ako madehydrate. In the afternoon, Topher showed me a combination of basic and complicated offensive moves and techniques. He first taught me the guard which was a defensive posture that could help me block attacks and allow me to counter-attack efficiently.
Madali ko namang nakuha iyon kaya nagpatuloy na rin kami.

“There’s an effective way to strike an enemy without using your fist,” sabi naman niya sa akin bago niya inilahad ang mga susunod na pamamaraan at taktika.

He taught me the different striking techniques that I can use to disarm and even incapacitate. At isa sa mga itinuro niya sa akin ay ang ginawa ko sa kanya noong araw. That move was actually called elbow strike and it was usually performed when the aggressor is close. Napag-alaman ko ring hindi tama ang pagkakagawa ko noon ng galaw na iyon pero napabilib naman ako sa aking sarili dahil kahit mali ay epektibo naman iyon.

“Aray,” pasinghap kong saad ng tinamaan niya ako gamit ng palad niya. Binalingan lang niya ako ng matalas niyang titig pagkatapos.

“Stay focused.” Lihim akong napairap bago ulit ako nakinig sa kanya.

_____

Kahit ayaw ko pang bumangon ay pinilit ko. We finished the training just a while ago and I only had spared a few minutes of sleep.  Topher was now back to his distant and lethal self just like the first time I had laid my eyes on him. I was slighty bothered with his change of attitude. But I preferred what he’s showing now. Atleast, hindi na niya ako ginugulo. Mukhang naisipan na rin niyang ituon na lang ang kanyang atensyon na sanayin ako.

I heaved a sigh of relief because finally, I have no more personal affiliation with him. Just our trainor and trainee relationship that’ll end sooner than I expected.

Maayos nang ilayo ko ang loob ko sa kanya habang maaga pa. He might protect me but every time I’m with him, I feel that I’m in danger. It was proven by Zara’s assault.

Tapos na ngayon ang curfew kaya agad akong lumabas ng Training Ring para hanapin si Ella. Hindi ko maiwasang hindi kabahan dahil dalawang araw na siyang hindi nakakabisita sa akin. Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kapag may mangyari sa kanyang masama.

She might’ve acted based upon her own accord but it was me who filled her with suspicions about the recent gruesome happenings. I triggered her curiosity and I should’ve known better that my friend was persistent enough but sometimes careless with her actions.

Tuluyan na akong nakapasok sa Promenade. Dito ako dumaan para mas mabilis akong makarating sa House Prudite. But when I was halfway inside the park, I saw the figure of my friend running towards me.

“Ella!” pagtawag ko sa kanya. Hinihingal siyang napahinto sa harapan ko habang hawak ang kanyang dalawang tuhod. I can see a trace of fright on her face but it slowly vanished when she faced me.

“Bakit ka hindi nagparamdam ng ilang araw?” tanong ko sa kanya nang maupo kami sa tabi ng isang topiary na kahugis ng isang ibon.

“Grabe na kasi yung pagbabantay sa amin ng mga Pillars, Blaire. Kanina lang talaga ako nakatakas,” sagot niya sa akin.

“Hindi nakasama si Gale dahil mas pinahigpit pa ng House Imperium ang pagsecure sa safety nila lalo na’t may nakahuli kay Zara na lumabas ng madaling araw. That girl! Akala niya talagang napaka-espesyal niya kaya pwede na niyang gawin ang lahat ng kanyang gusto. Well now, I hope she learned her lesson,” dagdag naman ni Ella. Naalala ko na naman ang nangyari sa umagang iyon kaya hindi na lang ako nagkomento sa sinabi ng aking kaibigan.

“I want you to stop your investigation,” wika ko naman kay Ella nang hindi siya tinitignan.

This case has become serious because even the Pillars are now guarding the neophytes. At ayaw ko nang makialam pa si Ella dahil baka malagay lang ang buhay niya sa panganib.

Bakas ang pagtataka sa kanyang mukha nang ibaling niya sa akin ang kanyang tingin.

“Bakit naman Blaire? I can’t pause now. Lalo na’t mukhang mas lalo pang naging komplikado ang lahat.” It was now my turn to stare at her with questioning eyes.

“Three Novitiates are currently missing. At isa si Ophelia sa mga nawawala.”

The Lost ProdigyWhere stories live. Discover now