9. Pain

11.1K 669 97
                                    

BLAIRE

"Blaire, anak, hinahanap ka ng kaibigan mo," rinig kong tawag sa akin ni Nanay Marina mula sa ibaba.

"Sige nay! Paparating na po," masigla kong sagot habang sinusuklay ang aking mahabang buhok. Sinuot ko na rin ang isang itim na coat. Nang matapos ko ang aking pagbibihis at pag-aayos ay agad akong naglakad pababa.

Nang makarating ako sa sala ay agad akong sinalubong ng aking kaibigan. "Blaire!" rinig kong nagagalak nitong wika habang tumatakbo papunta sa akin. Nagyakapan kaming dalawa pagkatapos.

"Selene, I miss you!" masaya kong bati sa kanya habang magkayakap pa rin kami. Si Selene ang pinakamatalik kong kaibigang babae sa aming bayan. Mas matanda siya sa akin ng tatlong taon pero nagkakasundo pa rin kami sa halos lahat ng bagay.

"Miss you more, Blaire! Kahit na magkasama naman tayo kahapon ng buong araw," wika naman ni Selene sa akin at natawa siya nang magpout ako. Nakita ko ring papasok si nanay sa sala habang may dalang pagkain para sa amin.

"Thank you po tita!" pasasalamat ni Selene kay nanay. "Walang anuman, ija. Magpakabusog kayo ni Blaire," wika ni nanay at ngumiti bago bumalik sa kusina.

Sabay kaming kumuha ng tinapay mula sa plato na inilapag ni nanay sa lamesa. Patuloy ang aming pagtatawanan dito sa sala habang kumakain at nagpaplano ng mga lalaruin namin mamaya.

Nakarinig kami ng mga yabag ng paang pababa kaya napako ang aming atensyon sa may hagdanan. Si Kuya Adam ang nakita namin roon at halatang masama ang gising niya. Nakasuot pa siya ng pantulog at magulo ang buhok niya.

"Bakit ang ingay?" padabog niyang reklamo habang kinukusot kusot pa ang kanyang mga mata.

"Sorry na po!" pabebe kong wika kay kuya. Sinimangutan niya lang ako. Nakita kong napatingin si kuya kay Selene kaya biglang namula ang kanyang tenga. Agad din siyang tumakbo pabalik sa itaas.

"Anyare? Bakit ang sungit ng kuya mo? At parang ayaw niya akong makita," nagtatampong tanong ni Selene sa akin. Napatawa na lang ako ng kaunti sa inasta ng aking best friend.

"Matagal ka na kayang crush ni Kuya Adam. Ayieee!" tukso ko sa kanya sabay kiliti kay Selene. Tumili ako nang makita ko siyang mamula.

"Ano ba, Blaire. Ang bata bata pa natin para sa crush crush na yan," natatawang wika ni Selene.

"Ayieee! Namumula ka pa rin eh. Pero bagay talaga kayo!" wika ko habang ngumunguya ng tinapay.

Tumawa na lang si Selene dahil alam niyang hindi niya matatalo ang isang Blaire Everett pagdating sa tuksuan.

Pagkaraan ng ilang minuto ay natapos na rin kami sa pagkain. Nagpaalam ako kay nanay dahil maglalaro muna kami ni Eve at pinayagan niya naman ako.

"Basta walang pupunta sa hangganan ng gubat," tanging paalala ni nanay na sinang-ayunan naman namin.

Bago kami makaalis ay nakita kong bumaba si kuya na nakaayos na rin. "Pwede ba akong sumama sa inyo?" rinig kong nahihiyang tanong niya. Napatitig naman ako kay best friend at nakita kong namumula na naman siya.

"Sure kuya. Tara!" wika ko at nauna na kaming lumabas ni Selene. Sinalubong agad kami ng malamig na hangin at nagsisiliparang niyebe.

Nagsimula na kaming maglaro ng habulan. Nakikisali rin paminsan minsan si kuya. Gumawa rin kami ng snowman at nagsnowball fight. Napakasaya talagang maging bata. Walang kaproproblema sa buhay.

Sa kakalaro ay hindi namin napansing nasa loob na pala kami ng kagubatan. Puro puti pa rin ang aking nakikita at halos lahat ng puno ay natatakpan ng snow. Pero may nahagip ang aking mga mata. Isang kakaibang puno.

The Lost ProdigyWhere stories live. Discover now