47. Cooldown

4.1K 263 22
                                    

Patuloy na hinihimas ni Selene ang aking likuran habang walang tigil akong sumusuka. Paulit-ulit na lang ang napapanaginipan ko bawat gabi. I was haunted by what I had endured at the Ranking Ascension. Sa bawat pagpikit ko ay parati kong naaalala ang pagpapahirap niya sa akin sa puntong malapit na akong mamatay.

My tears came rushing down as I vomited all the contents of my stomach. I touched the part of my chest where her sword had been before. Hindi pa iyon tuluyang gumagaling at alam kong mag-iiwan iyon ng peklat. A living reminder of what I had endured in Lady Mirage’s hands.

Lumakas na ang aking hagulgol at naramdaman ko naman ang paghila ni Selene sa akin para yakapin ako. She was always consoling me every time I woke up due to the same nightmare. I felt so ashamed of myself for bringing her discomfort and for disturbing her sleep.

“Shhh you’re safe now, Blaire. She can’t hurt you anymore,” rinig kong bulong niya sa akin habang sinusuklay ng kanyang mga daliri ang aking buhok. Humina na rin ang aking pag-iyak pero wala pa ring tigil ang mga luha ko sa paglabas. Kahit alam kong matagal pa bago ko maramdaman na totoong ligtas na ako ay naniwala ako sa sinabi ni Selene.

_____

“You looked more beautiful when you’re awake, lady,” rinig kong puri sa akin ni Midas kaya nasiko siya ni Selene. Tumawa na lang ang lalaki dahil sa ginawa ng aking kaibigan.

This was my first time to meet Midas, one of the founders of the Vanguards. Sinabi rin sa akin ni Selene noon na ang lalaking ito ang natitirang kamag-anak ng batang nagligtas sa kanya na si Orion. His entire family was murdered by the Crimson Empire and his uncle decided to seek retribution by starting a revolution.

When I laid my eyes on Midas, I didn’t see him as a muscular and tall dark-skinned guy with long braided black hair. Dahil mas nakaagaw sa aking atensyon ang masiyahin niyang pagkatao. Because when he smiles, I can see genuine joy in his eyes. And when I see how well Selene got along with him, my instinct told me that he’s a good person. At lahat ng pinapakita niya sa akin ngayon ay totoo at walang bahid ng kasinungalingan.

Hindi ako makapaniwalang ang isang taong kagaya niya ang namumuno sa mga rebelde.

“I think she likes me,” bulong naman ni Midas kay Selene pero narinig ko naman. Masyado yata akong napatitig sa kanya kaya kung ano na ang naiisip niya.

Binatukan naman ni Selene ang katabi niya dahil doon. Natawa naman ako dahil alam ko na ngayon kung kanino ako nagmana sa pagiging sadista. I’ve learned from the pro.

“Huwag kang child abuse, Midas, you're ten years older than her! And don’t you dare ship her with the others! She’s reserved for Orion,” wika naman ni Selene kaya pinanlakihan ko naman siya ng mata. Kung ano-ano na talaga ang pinaggagawa niya habang tulog ako.

“Age doesn't matter, Selene. But I agree with you. Sa tingin ko bagay sila. And if everything you told me about her is true,” tumawa muna si Midas bago magpatuloy, “mukhang may katapat na rin sa wakas ang pamangkin ko.”

“Stop talking about me when I’m here,” baling ko naman sa dalawa dahil mukhang nakalimutan nilang nandito lang ako sa harap nila.

Siniko ulit ni Selene si Midas. “Told you,” sabi niya sa kasama at nagngisian naman sila na parang mga ewan. Napairap ako kaya nagtawanan naman ang dalawa.

“Dalawang linggo na akong nakakulong sa tent na ‘to, hindi niyo pa ba ako pwedeng palabasin?” tanong ko na lang sa kanila. Mula kasi noong magising ako ay pinagbawalan ako ni Selene na lumabas. Naintindihan ko naman kung bakit niya iyon ginagawa pero ngayong maayos na ang kalagayan ko ay gusto ko nang maging aktibo ulit. Lalo na’t alam ko na ang aking misyon sa mundong ito.

The Lost ProdigyWhere stories live. Discover now