53. Breathe

3.5K 209 9
                                    

Fernace Malone of House Prudite has been eliminated.

Napasinghap ako nang marinig ko ang dumadagundong na boses. Ang babaeng tinawag ay ang Pillar ng House ni Ella. Baka may nakalaban siyang halimaw at hindi niya itong nagawang talunin. At baka siya ang nalupig ng kalaban niya kaya pinalabas na siya sa Labyrinth.

Nasundan naman ang anunsyo ng isa pa at pinagpawisan na lang ako ng malamig kahit napakainit ng lugar kung saan kami ngayon ni Raiden.

Ella Sherriden has eliminated Lion Dwayne of House Magnus! Ten points for House Prudite!

Ella is indeed inside the maze. I should be grateful because my friend is here with us because I have a chance of saving her and bringing her to the Frontier. Pero mas namayani ang kaba sa puso ko lalo na't alam kong may mga Imperial Mercenaries at stygians na umiikot sa buong Labyrinth. Hindi na magiging madali ang pagligtas ko sa kanya dahil mainit na rin ako sa mga mata ng kaaway namin dahil isa akong Channel.

Ang tangi ko lang na magagawa ngayon ay ang ipagdasal ang kaligtasan ni Ella. Because if she makes any wrong move, it could cost her her life.

"Is that your friend?" Tanong sa akin ni Raiden na sinagot ko ng tango. I could've corrected him and said that Ella is also his friend but I didn't push it any further. Mas lalo lang siyang maguguluhan kung sasabihin ko pa iyon sa kanya.

"Huwag kang mag-aalala. We'll find her."

For the past hours, we were looking all over the summer area of the Labyrinth for any traces of Ophelia and our other comrades. But we were disappointed because we didn't make any progress. I was also hoping to see Zara. Pero wala ni isa sa kanila ang nakita namin.

"Wala na bang ibang daan? Do we have to cross the sea?" Tanong ko kay Raiden kahit alam ko na ang sagot.

We were in front of a large body of water right now. Nasabi kong parang dagat ito dahil sa mga matataas na alon nito. And this place looked like the edge of the summer season. Kailangan naming makalampas dito para makapunta kami sa panahon ng taglagas. I can barely see the walls of autumn from this shore.

Tinaliman naman ako ng tingin ng katabi ko. "You've been asking that question ten times already. What's bothering you anyway? Pwede mo namang hatiin 'yong dagat para makadaan tayo."

Napalabi na lang ako sa sinabi niya. Masiyado naman yatang mataas ang pagtingin niya sa akin. I still couldn't use my flair to that extent.

I felt Raiden's uneasiness beside me. Hindi ko naman siya masisisi dahil apoy ang kapangyarihan niya. And being near a big body of water might be threatening to him. Water is the weakness of his element after all.

"Just like what you said, I must save my strength for unexpected situations. So don't expect me to part the sea like a goddess."

Napabuntong hininga na lang si Raiden. Umakyat pa talaga siya kanina sa itaas ng pader para tignan kung may iba pa kaming pwedeng daanan. Dismayado niyang ipinaalam sa akin na wala na kaming ibang pwedeng gawin kundi ang tumawid sa tubig. The sea was covering any dry land from here.

Pero kailangan na naming makapunta roon. Malakas ang kutob kong nandoon ang hinahanap namin.

"But I have an idea," sabi ko kay Raiden bago ako huminga ng malalim. I tapped the white flame of spiritus energy located deep inside my core and I connected it with one of the orbs surrounding it. The orb of air.

Habang isinaisip ko ang gusto kong gawin, naramdaman ko ang malakas na paghampas ng hangin sa aking paligid. The wind became stronger as I continued to visualize the creature that I want to create. Nang matapos ako ay nakaramdam ako ng hingal pero nawala iyon nang makita ko ang bagong nilalang na gawa ng aking mahika.

The Lost ProdigyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon