54. Escape

3.4K 214 20
                                    

I woke up to find myself still clinging to Raiden. Nakahiga siya ngayon sa lupang puno ng nalantang dahon. Nang iikot ko ang aking mga mata ay nalaman kong nandito na nga kami sa dapat naming puntahan. The autumn season of the Labyrinth.

“Nandito na tayo, Raiden. Gumising ka na. Hahanapin pa natin si Ophelia,” sunud-sunod kong pahayag sa lalaki pero hindi pa rin ito gumagalaw.

Inilapit ko ang aking ulo sa kanyang dibdib. Hindi ko alam kung matutuwa o kakabahan ako. Mahina ang tibok ng puso niya.

Mahina kong sinampal ang kanyang mukha para gisingin siya pero hindi iyon umobra. Tumulo na naman ang luha ko. I couldn’t let him die. Pero hindi ko alam ang gagawin ko para iligtas siya.

I shivered when I touched his chilly palm. “I did what you told me to do. I fought for you! Pero bakit ikaw naman ang bumitaw?”

The wind was whistling around us. Nagsisiliparan na rin ang mga tuyong dahon pero hindi ko iyon pinansin.
My tears were falling on Raiden. He looked peaceful now as if he had known that this would happen. But I won’t let him go.

“How could you do this to me? Bakit kailangan mo akong iwan ulit?”

Pinaghahampas ko na ang katawan niya at umaasang magigising na siya dahil doon. But my efforts were futile. What’s the use of being a Channel if I couldn’t even save a dying person?

Nanlalabo na ang aking paningin at hinihingal na rin ako sa kakaiyak. Hinigpitan ko ang paghawak sa kamay ni Raiden. I was hoping that my warmth will seep into him, waking him up. But I couldn’t move when his hand turned limp on top of my own.

Napahagulgol na lang ako at napayakap sa kanya ng mahigpit. I called the names of the deities. I shouted their names and begged them to save Raiden. But the raindrops that fell on my face was their only response.

At kahit hindi ko alam kung naririnig niya ako, tinawag ko pa rin siya gamit ang aking isipan. He was my only hope.

Help me, Orion. I need you.

Kumulog ng napakalakas na sinundan ng pagkidlat. Niyakap ko ang malamig na katawan ni Raiden nang mahigpit para protektahan siya. Nakarinig ako ng mga mahihinang yabag mula sa aking likuran. The rain made it hard for me to see but I knew that he had arrived. Dumating siya nang tinawag ko siya. He was the only one who came.

I know that he must be furious for seeing me inside the maze but I hid my terror. “Please save him,” pakikiusap ko kay Orion. Nakasandal si Raiden sa aking balikat at naiyak na lang ulit ako dahil sa kalagayan niya. But there’s hope left. Orion is here and I know that he can help Raiden.

When I faced the latter, I saw that he was only looking at me. Inaasahan kong makita ang galit at pagkamuhi sa kanyang mata dahil sa ginawa kong pagsuway sa kanya. But I found sympathy and longing instead.
Yumuko siya sa harapan ko at nakita ko namang may nabuong panangga sa paligid namin. It was made of light.

“Lie him down,” rinig kong seryosong utos ni Orion na agad ko ring sinunod. Pagkatapos noon ay nakita kong itinapat ng huli ang isa niyang palad kay Raiden. Umilaw ang kamay ni Orion at nakita kong natuyo ang katawan ni Raiden mula sa pagkakabasa.

Kumislap naman pagkatapos ang palad ni Orion at kinabahan ako nang makitang hahawakan niya si Raiden. Tendrils of lightning was forming around his fingertips but I didn’t stop him. I trust Orion. He wouldn’t do anything to harm the other.

He pumped Raiden’s chest using his palm. Nakita kong nangisay ang katawan ng huli dahil doon. But I saw that his fingers twitched. Unti-unti na ring nagkakulay ang kanyang mukha.

“You called me just on time,” wika naman ni Orion. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko siya ng mahigpit.

“Thank you for coming,” bulong ko sa kanya bago ako kumalas. Saglit na natigilan si Orion pero agad din niyang iniakbay ang kamay ni Raiden sa kanyang balikat. Tinulungan ko rin siyang gawin iyon. Raiden was still unconscious but he was now breathing normally.

The Lost ProdigyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon