17. Wit

7.9K 455 49
                                    

Nanigas ako sa aking kinatatayuan nang marinig ang mga huling katagang binitawan ni Chief Zero bago siya tuluyang naglaho. It's officially starting.

Malalim akong napabuntong hininga habang iginagala ang aking paningin sa buong entablado. Hindi dapat ako magpadalos dalos sa aking magiging desisyon. Dito nakasalalay ang buhay ko. Wala nang atrasan ito.

The stage was now full of floating silver doors which made it harder for me to decide. Wala namang pinagka-iba ang mga pinto kaya mahihirapan akong pumili. So I better rely on my instincts this time.

Halos kalahati na rin sa amin ang nakapasok na sa loob ng mga pinto. May ilan pa ring natitira at halatang pinag-iisipan din kung ano ang pintong dapat pasukin.

Sa aking pag-iisip ay bigla akong nakaramdam ng paninikip ng aking dibdib. Hindi ko alam kung bakit nahihirapan akong huminga. Parang may humihigop sa hanging nandito sa loob. Nang mapalingon ako ay nakita ko rin ang ilang mga survivors na hawak hawak din ang kanilang mga dibdib.

I scanned the whole place to get some answers. And when my eyes met the barrier, I got a feeling that it might be the one doing this. It might be the one blocking the circulation of air which makes it hard for us to breathe.

Buong lakas akong huminga bago lumingon ulit sa mga natitira pang mga survivors. "Kailangan na nating pumasok sa mga pintuan dahil kung mananatili pa tayo dito, we could die because the barrier is draining the air that we need in order to breathe," nanghihina kong wika sa kanila habang habol habol ang aking paghinga. Nakita kong tumango sila sa akin at sinimulan na rin nilang tumayo.

Ibinaling ko na rin ang aking paningin sa harap at ipinikit ang aking mga mata. Huminga ulit ako ng malalim at lihim na nagdasal para sa aking kaligtasan. And as I opened my eyes, I let my instincts take over.

May nakita akong pinto sa aking kaliwa kaya agad akong naglakad papunta roon. Kahit halos maubos na ang hangin sa aking katawan ay pinilit ko pa ring bilisan ang aking paglakad. Nang makalapit ako roon ay napaluhod ako dahil sa sobrang paninikip ng aking dibdib. I tried again to inhale but nothing came in.

Sinubukan kong abutin ang doorknob sa aking harapan at hindi naman ako nabigong gawin iyon. Gamit ang natitira kong lakas ay pinihit ko iyon at binuksan.

Isang malakas na puwersa ang humigop sa akin papasok sa loob.

Naramdaman ko na lang na parang nahuhulog ako sa isang malalim na bangin pero tanging puti lang ang nakikita ng aking mga mata. Ilang minuto pa ang tinagal nito hanggang bumagsak na ako. Bumalik na rin sa dati ang aking paghinga.

Dahan dahan akong tumayo habang iniikot ang aking paningin sa buong paligid. Parang nasa isa akong malawak na puting dimensyon. Tanging puti lang ang kulay na aking nakikita.

Pero bigla akong nagulat nang mapatingin ako sa itaas. May nakita akong bagay na nahuhulog papunta sa akin kaya agad akong napaupo habang nakapikit at tinatakpan ang aking ulo gamit ang dalawa kong kamay.

Ilang segundo pa ang lumipas ay nakarinig ako ng isang malakas na dagundong. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil hindi ako natamaan ng bagay na iyon.

But as I opened my eyes, nagulat ako dahil nakakulong na ako ngayon sa loob ng isang glass wall. May naramdaman din akong bagay na tumutulo mula sa itaas kaya tinignan ko ito at nalaman kong buhangin pala ito.

Kahit kinakabahan ay napagpasyahan ko ring tumingala sa itaas. Napahawak ako sa aking bibig nang malaman ko kung na saan ako ngayon.

I was trapped inside a huge hourglass.

Mabilis na nahuhulog ang buhangin na galing sa itaas na bahagi ng orasa kaya agad akong tumakbo palayo roon. Paano na ako makakalabas dito?

Napako ako sa aking kinatatayuan nang makarinig ako ng panibagong beses. "Welcome to the first phase of the Sorting Ceremony," rinig kong bati ng isang boses na hindi ko alam kung saan nanggagaling. Hindi ko na lang ito hinanap at tahimik lang na hinintay ang susunod nitong sasabihin.

The Lost ProdigyWhere stories live. Discover now