26. Unfinished

6.7K 365 50
                                    

Eksaktong pagkalabas ni Asher ay ang malakas ding pagbukas ng isa pang pinto.

Napalingon ako sa direksyong iyon at nakita ko ang pagdating ni Sir Callum. Nakakibit balikat siya habang naglalakad ng nakataas ang noo. Nasa likuran niya naman si Topher na halatang masama ang gising dahil sa kanyang seryosong mukha.

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil wala na akong naramdamang mabigat na pwersa nang dumating si Topher. O nasanay lang talaga ako sa bigat ng pinapasan ko ngayon?

Unti unti na ring nagigising ang mga Novitiates na kasama namin sa silid. Bakas sa mukha nila ang pagka-irita dahil nagising sila ng mga malalakas na yabag ng paa. Pero mabilis ding naglaho ang kanilang pagkainis nang malaman nilang galing iyon kay Sir Callum.

Nakatingin lang ako ng maigi sa kanya habang sinusundan ang bawat niyang galaw. Hindi talaga maitatanggi na malakas siya dahil makikita mo na agad ito batay sa kanyang tindig at postura. Ang kanyang matipunong pangangatawan ang sumisimbulo sa kanyang katapangan at disiplina sa sarili.

He's the person you won't dare mess with.

Nakapamulsa naman ang kasama niya habang nakatingin sa harapan. Parang may sarili siyang mundo at wala talaga siyang pake sa mga tungkulin na dapat niyang gawin at gampanan. Mukha siyang suplado at mas malamig pa ang presensya niya kumpara sa nagyeyelong klimang aking nararanasan noon sa aming bayan.

Sa aking malalim na pag-iisip ay hindi ko namalayang nagtama ang paningin namin. Bigla akong nanigas sa aking kinaroroonan nang makita ko ang matalim niyang titig sa akin. Ako ang unang umiwas ng tingin at napasandal na lang sa aking kama.

Nakita kong tumigil sa paglalakad si Sir Callum nang makarating siya sa gitna ng aming silid. Nakita kong hinawakan niya ang pitong nakasabit sa kanyang leeg at ginamit niya ito para gisingin ang ibang ng Novitiates na mahimbing pa ring natutulog.

With my friend, Ella, among them.

Isang nakakabinging tunog ang nanggaling sa pito kaya kahit nahihirapan ay napatakip pa rin ako sa aking tainga. Gayundin ang ginawa ng ilan sa mga estudyanteng gising na.

At dahil sa ingay ay nakita ko kung paano napabalikwas ng bangon si Ella. At ang masaklap pa ay nahulog siya sa kanyang kama.

Nakarinig ako ng malalakas na halakhakang galing sa ibang Novitiates na kasama namin. The loudest coming from a guy who has a slightly larger bulk than his fellow male Novitiates. With his spiky black hair, I immediately recognized him. Ang unang tinawag noong Welcoming Ceremony. Si Felix Anderson.

I was slighty disappointed in him when I realized that he's a jerk.

Narinig ko namang sinuway sila ni Sir Callum kaya nawala na ang panggigigil kong sigawan at patulan ang mga taong iyon.

At gustuhin ko mang tulungan si Ella ay hindi ko nagawa iyon dahil tahimik kaming binabantayan ng mga mapanuring mata nila Sir Callum at Topher. Nakita kong unti-unti nang nakabangon mula sa sahig si Ella kahit halata sa mukha niya ang hirap na dinanas. Laking pasasalamat ko na lang nang maayos siyang nakabalik sa kanyang higaan.

"All the Novitiates inside this room failed the challenge yesterday," bungad sa amin ni Sir Callum. Nanlamig ako sa tono ng kanyang pananalita kaya napayakap na lang ulit ako sa aking unan.

"And with every failure comes severe punishments," dagdag niya kaya pinagpawisan na ako ng malamig. Nang mapatingin ako kay Ella ay nakita kong kinakabahan din siya sa ibibigay na parusa sa amin.

"You are all required to wear the metal bracelets and sandals until the end of this week. You aren't allowed to take them off. The weight will be twice heavier than before if you remove them. "

The Lost ProdigyWhere stories live. Discover now