16. Rite

8.4K 424 19
                                    

Tapos na akong mag-ayos kaya lumabas na ako mula sa aking cabin. Paglingon ko ay nakita kong naglalakad si Avery papunta sa akin.

"Sigurado ka bang hindi mo na kailangan ang tulong ko para makarating sa Ceremonial?" Tanong niya sa akin. Nakita kong lumungkot ang ekspresyon ng mukha niya pero tinago niya lang ito.

Hindi ko pa alam kung sino ang maaari kong pagkatiwalaan sa Stronghold. This is only my second day here and I still have so many things to learn.

"I can handle myself, Avery. Thank you for volunteering anyway. Ayaw ko lang maging istorbo sa iyo. At gusto ko rin namang umikot sa buong academy. Hindi naman siguro ako maliligaw at may natitira pa namang oras bago magsimula ang Sorting Ceremony," mahaba kong paliwanag sa kanya. I maintained my passive face while speaking.

Nasabi na rin kasi sa akin ni Avery kahapon na may ganoong seremonyas na idinaraos para sa mga bagong knights in training. At dalawampung minuto na lang ang natitira bago magsimula ito.

I want to be alone that's why I don't want her to accompany me. Hindi ko pa lubos na matanggap ang lahat ng nangyayari sa buhay ko ngayon. I still need to think and let everything sink in.

Kailangan kong magpatuloy sa landas kung saan ako dinala ng kapalaran ko. But it's extremely difficult to accept what had happened. Isang araw pa lang ang nakakalipas noong bumalik ang memorya ko. I can't possibly move on overnight. The wounds and scars of my past were still fresh.

"Well, if that's what you really want. Good luck," wika ni Avery. Nauna na rin akong umalis sa Healing Camp at hinayaan na lang ang aking paa na dalhin ako kung saan.

My mind is now clouded with thoughts and regrets. They made it hard for me to think clearly. My heart also continues to ache, making me numb to feel other emotions. Mahirap mawalan ng kaibigan at ng mahal mo sa buhay. It hurts like hell.

Napakuyom ko na lang ang aking kamao nang maalala ko ang mga sinabi sa akin ni Goddess Maya kahapon. I asked her kung bakit nawala ang mga alaala ko tungkol sa pagsubok. And she told me the truth. The empire successfully erased our memories about the deadly trial. In short, they brainwashed us. They did it to prevent a rebellion against their empire in the future.

I gritted my teeth as anger started to boil inside me. I was about to burst out but I unexpectedly calmed down. From a distance, I saw a familiar person. "Ella," bulong ko sa aking sarili habang pinapanood siyang naglalakad palayo. Gusto ko siyang kausapin at yakapin dahil pakiramdam ko, siya na lang ang natitira kong kaibigan. Wala na akong ibang makakapagkatiwalaan sa Stronghold dahil ang pamamalakad dito ay kontrolado na rin ng Crimson Empire.

But I stopped myself from approaching her. Sinabi sa akin ni Goddess Maya na hindi dapat ako gumawa ng kahina-hinala dahil alam niyang maraming mata ang nakatingin sa amin.

I decided to sit at a nearby bench for a while. Maganda ang panahon at kahit tirik na tirik ang araw, hindi ako naapektuhan ng init dahil sa silong na bigay ng puno at sa lamig na dala ng hangin.

Unconsciously, a tear escaped from my right eye. I felt so lost and alone right now. Anguish started to flood my whole system, again. Lumalalim na rin ang aking paghinga at tuluyan na akong umiyak dahil sa bigat ng dinadala ko ngayon. Bakit ba ang hina hina ko?

Kung naging malakas lang sana ako, baka nailigtas ko sina Amanda at Raiden. At sana naaalala pa ako ni Ella hanggang ngayon. Pero nangyari na, hindi na pwedeng baguhin ang nakaraan. Amanda and Raiden already died. Ella already forgot me because her memories of the trial were erased. Including her memories of me.

I never thought that remembering can be this painful.

"Need a shoulder to cry on?"

I was surprised when a guy appeared in front of me but I was able to get a hold of myself. I removed all traces of emotion from my face. Sinuot ko ulit ang aking mapagpanggap na maskara.

The Lost ProdigyWhere stories live. Discover now