4. Ally

12.9K 786 157
                                    

Tahimik akong naglalakad habang nagtatago sa likuran ng mga punong aking nadaraanan. Ilang kilometro na ang aking nalakbay gamit ang aking mga paa at heto ako ngayon, patuloy pa ring naghahanap ng isang diyamante.

Dalawang araw na ang nakalipas nang makarating kami dito sa Forestia. In those two days, I was lucky because I haven't crossed paths with possible enemies. I'm safe, for now.

But of course, my luck will surely run out soon.

I stopped when I felt a sudden movement of the ground. Napakapit ako sa puno na pinakamalapit sa akin habang patuloy ang pagyanig. Naramdaman ko ang mahinang paggalaw ng mga puno na dulot ng nagaganap na lindol. Natigil ito pagkaraan ng ilang minuto at kasabay nito ay ang pagkalma ng kapaligiran.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga bago bumitaw sa aking kinapitan. Earthquakes do happen everyday here in Forestia. Bago ako magpatuloy ay nakarinig ako ng tunog. My tummy is rumbling and indeed, I am starving.

Marami na akong nakaing ubas na napipitas ko sa daan. But those fruits weren't enough to fill my stomach.

From a distance, I saw some white mushrooms growing on a tree stump. It was really tempting but I've known better. These mushrooms are not the same with the ones back in my town. I don't have enough knowledge if those are edible and safe. Ang alam ko lang ay kailangang lutuin ang mga kabute bago kainin dahil minsan may lason pala ito na mawawala lang kapag niluto.

And starting a fire to cook those mushrooms might attract unknown dangers. 

Hindi ko na lang iisipin na nagugutom ako para kahit papaano ay maibsan ang kumakalam kong sikmura. Because the more I think of it, the hungrier I become.

Laking pasasalamat ko na lang dahil umulan kani-kanina lang. I was able to quench my thirst.

Napagpasyahan kong ipagpatuloy na lang ang paglalakad. Kailangan kong makahanap na ng blood ruby dahil iilan na lang ang natitira ngayon. At hindi ko hahayaang maging sagabal ang pagkagutom sa aking misyon.

Sa aking pag-iisip ay hindi ko namalayang nakarating ako sa isang malawak na berdeng espasyo. Nagsasayawan ang mga matataas na damo sa malakas na ihip ng hangin. Nang makarating ako sa gitna ay napag-alaman kong napapaligiran ako ng mga matatayog na puno.

Napakapayapa ng lugar na ito.  Naramdaman ko ang pagdampi ng malamig na hangin sa aking mukha habang nililipad nito ang mga hibla ng aking buhok. Pero nagulat ako nang biglang nagkaroon ng maliit na buhawi sa aking harapan at agad itong lumipad papunta sa akin.

Imbes na matakot ay napanatag ang aking loob sa hindi malamang dahilan. Hindi ako tumakbo paalis bagkus, hinayaan ko itong lumapit. Namangha ako nang bigla itong kumintab. Suddenly, a red gem appeared inside the tornado.

"A blood ruby," namamangha kong saad. It was tear-shaped and about the size of my palm. Nang masikatan ito ng araw ay kuminang pa ito nang husto. Its luster was enthralling.

Ilang metro na lang ang layo nito sa akin kaya agad kong inilahad ang aking kamay upang kunin ito.

Pero bago ko pa ito mahawakan ay napaatras ako dahil sa lumalakas na puwersa mula sa tornado. Mahirap maglakad papunta roon dahil sa hanging sumasagabal sa akin. Paikot ang galaw nito at tinutulak ako nito paatras, palayo sa diyamante.

Instead of being discouraged, I fought and persevered to walk towards the tornado. Hindi ko alintana ang puwersang tumutulak sa akin paatras at ipinagpatuloy ko lang ang paglapit doon. Ilang beses din akong tinangay ng malakas na hangin pero patuloy pa rin akong bumabangon.

Nang makalapit na ako ay bigla akong kinilabutan sa laki ng buhawi. Natakot akong baka liparin ako nito pero napagpasyahan ko ring gawin ang dapat. At iyon ay ang sumubok.

The Lost ProdigyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon