35. Ordeal

7.1K 325 28
                                    

BLAIRE

The last thing I remembered before closing my eyes was that someone crashed onto me that's why I lost my sense of motion. The impact was so powerful and it even caused me to lose my consciousness before falling.

Pero bakit nahuhulog pa rin ako hanggang ngayon?

Nang magising ako kanina ay nagulat ako dahil sa lakas ng hanging humahampas sa akin. Naramdaman ko ring parang wala akong hinihigaan. My guess was true dahil nang kapain ko ang aking paligid ay wala akong nahawakan.

Napatili ako pagkatapos kong tumingin sa baba, kung saan tanging ulap lang at hamog ang aking nakikita. Fear wasn't the exact word to describe what I'm feeling right now. I was completely horrified!

Sa una ay walang tigil ako sa pagsigaw dahil sa sobrang kaba. I have a fear of heights that's why the situation I am in right now scares me to death. Kinikilabutan din ako kapag iniisip ko kung ano ang maaaring nag-aabang sa akin kapag bumagsak na ako. Kahit parang bumabaliktad na ang sikmura ko ay ginawa ko pa rin ang lahat para pigilan ito.

But after a few minutes, I grew tired of shrieking hysterically. Because I just realized a while ago na hindi naman ako matutulungan ng pagsigaw sa oras na bumagsak ako dahil halata namang walang tao rito. At nang tumigil ako ay nakaramdam ako ng ginhawa. At sa bawat pag-ihip ng malamig na hangin ay unti unti kong nagagawang pakalmahin ang aking sarili.

Mysteriously, I begin to enjoy this moment.

Kahit nagtataka ako kung paano ako napunta rito kung kanina lang ay nasa Quadrangle lang naman ako, ipinagwalang-bahala ko lang iyon. Iwinaksi ko ang lahat ng bumabagabag sa aking isipan habang dahan dahang ipinipikit ang aking mga mata. Nakaramdam bigla ako ng isang kakaibang sensasyon.

It felt so warm, and serene. It felt like home.

Pero mabilis din iyong nawala kaya napakunot ang aking noo. At nang imulat ko ang aking mata ay nakita kong malapit na akong bumagsak. Dahil sa pagkabigla ay hindi na ako nakagalaw pa. Hinanda ko na lang ang aking sarili sa sunod na mangyayari. I closed my eyes and braced myself for the impact.

Ilang segundo pa ang lumipas pero hindi pa rin tumatama ang aking katawan sa lupa kaya kahit natatakot ay binuksan ko ang aking mata. I felt relieved when I realized that the pull of gravity wasn't that strong unlike before. Nasasabi ko iyon dahil napansin kong bumagal ang aking pagkahulog. Tahimik akong nagpasalamat dahil doon.

Nang tuluyan na akong lumapag sa lupa ay nakahinga ako ng maluwag. Akala ko talaga masasaktan na naman ako kanina. Nakakapagod na rin kasing masaktan. Minsan nga ay hinihiling ko na maging manhid na lang para hindi na ako maghirap pa.

"It is better to experience pain than to never feel anything at all."

Goosebumps entered my system when I heard that voice. It was a voice of a woman, chilly and mysterious. Naging blanko ang laman ng aking isipan dahil doon. Pero nagtaka rin ako kung paano nalaman ng boses ang iniisip ko.

Wala sa sarili akong napatayo at pinagpagan ang aking damit. Ngayon ko lang din napansin na hindi ko na pala suot ang mga winged sandals.

"Who are you?" Kahit nag-aalinlangan ay nagtanong pa rin ako. But only the deafening and creepy silence answered me after I dared to ask.

Inilibot ko ang aking paningin at nagbabasakaling makita ko kung sino ang nagsalita kanina. There was something about that voice that triggered my curiosity.

Nang igala ko ang aking paningin sa buong paligid ay wala akong ibang nakita kundi puti. Parang nasa langit ako at kulang na lang ay may darating na anghel para sunduin ako. Ang naiiba lang ay ang kayumangging kulay ng lupa. I was about to step forward but I felt the movement underneath that's why I stopped.

The Lost ProdigyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon