2. Selected

18.2K 846 207
                                    

I woke up in a different place. Tanging kadiliman ang aking nakikita at wala ng iba. Tumayo na ako mula sa aking pagkakahiga at nagsimulang maglakad kahit hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng aking mga paa.

Unti unti kong naaalala ang mga masasakit na pangyayari. Ang pakikipaglaban ni kuya sa mga Crimson Knights, ang nasusunog naming bayan, at ang paglamon ng apoy sa aming tahanan. Biglang bumalik ang galit at hinagpis sa aking puso na sinabayan ng mabilis na pagpatak ng aking mga luha. Basa na ang aking mukha at hindi ko na pinansin ang lamig dahil sa bigat ng aking dinadala.

Isang nakakabinging katahimikan ang nagpatigil sa akin mula sa pag-iyak. Habang pinupunasan ko ang aking mga mata ay nasilaw ako bigla sa liwanag na nanggagaling sa aking harapan. Napatitig ako roon at may nakita akong nagniningning na bituin.

"Tahan na, Blaire. Sadyang ganyan lang ang buhay, nakakatakot at nakakapanlumo," rinig kong mahinahong wika ng bituin habang patuloy ito sa pagkinang. Gumaan bigla ang aking pakiramdam at biglang may namuong pag-asa sa aking wasak na puso.

"Bakit kailangang mangyari ito sa akin? Bakit kailangan pang may mawala?" malungkot kong tanong habang naglalakad patungo sa liwanag. Naramdaman ko ang pakikiramay nito sa akin habang ako ay papalapit.

"May dahilan kung bakit nangyayari ang mga bagay bagay. At alam kong malalaman mo rin ang dahilan kung bakit nangyari iyon sa iyo, Blaire." Naging mas panatag ako habang kausap ang bituin. Naglaho bigla ang aking pagnanais na maghiganti at nabuhayan muli ako ng loob.

"Balang araw ay malalaman mo rin ang dahilan ng iyong kasawian. Manatili kang matatag at mapagmahal dahil alam kong malalagpasan mo rin ito. At sa paggising mo, sana manatili kang palaban at mabait. Huwag kang sumuko at harapin mo lang ang mga pagsubok na ibabato sa iyo. Kung lalaban ka, malalaman mo ang sagot, Blaire."

Nang akmang hahawakan ko na ang bituin ay bigla akong nabulag ng isang matingkad na liwanag.

Umikot ang aking paningin at naramdaman ko na lang na nahuhulog ako sa kawalan.
_____

Nang magising ako, naramdaman ko ang matinding lamig ng sahig na aking hinihigaan kaya agad akong bumangon. Kinusot ko muna ang aking mata at iginala ang aking paningin sa isang panibagong lugar.

I wasn't alone. Many individuals are also here with me. We are all located in the middle of a wide circular space surrounded by rising tiers of seats. Other than that, we are all wearing a black clothing that looks like a combat suit with metallic armor plates. Each one of us are also wearing a band on our wrists.

I scanned the faces of the people around me. Hinanap ng aking mga mata sina nanay, tatay at kuya. Gusto kong makita ang kalagayan nila at malaman kung ayos lang ba sila.

Binalot ng kaba ang aking puso nang wala akong makitang ni kahit isang pamilyar na mukha. Inalis ko sa aking isipan ang isang posibleng rason kung bakit wala sila ngayon dito. Dahil alam ko. Alam ko na buhay pa sila. Kahit imposible, naniniwala akong nakatakas at nakaligtas sila mula sa pag-atake.

But how did they found us in the first place? For years, our town was hidden by the forest where we usually hunt for food. Iyon ang rason kung bakit walang nakakapunta sa amin mula sa ibang bayan. Dahil sa lawak pa lang ng kagubatang parating nababalutan ng niyebe ay siguradong maliligaw ang isang taong napadpad lang doon.

For years, we stayed there despite the deadly cold temperature. Walang ni isang umalis sa bayan kahit pahirap na ang buhay dahil alam namin na ligtas kami roon.

Did someone from our town betray us?

Nadagdagan na rin ang mga tanong na gusto kong malaman ang mga kasagutan.

The Lost ProdigyOnde histórias criam vida. Descubra agora