42. Gone

4.5K 258 27
                                    

“A magicae’s flair has varying origins. In the old times, it was believed that most of the magic that our ancestors possess came from the Divine Deities themselves. But as generations passed, this very magic evolved and even some merged with inanimate objects. Some abilities have been passed down by blood but this was not always true. The most common sources of abilities in the present time are from relics, elementals, and mythics.”

Tahimik lang akong nakikinig kay Asher na nagsasalaysay patungkol sa kung paano at kung saan nanggagaling ang abilidad ng mga magicae na katulad namin.

Masaya ako dahil nasa pinakahuling yugto na ako ng training. Baka kung wala si Asher ay hindi ko agad malalampasan ang Weapons Aspect ng pagsasanay naming mga Novitiates at baka roon talaga ako matagalan. Pero mabuti na lang at magaling ang mga tagapagsanay ko kaya nakakahabol na ako sa dapat kong matutunan.

“Kapag ba magicae ang mga magulang ay magiging katulad din nila ang kanilang mga anak? And if they’re ordinares, will their children be ordinary too?” Tanong ko sa lalaking nasa tapat ko.

“Walang assurance na kapag may abilidad ang magulang mo ay magkakaroon ka rin ng ganun. Depende kasi ang pagkakaroon ng flair. Even ordinares can become magicaes if they found sources of power such as relics,” sagot naman niya sa akin kaya napatango ako.

“That would explain it. My parents are ordinary. But my brother and I are magicaes,” pahayag ko kay Asher. Kumunot naman ang noo niya sa sinabi ko.

“Wow that’s a rare case, Blaire. Ibig sabihin lang noon ay sa dugo mo talaga nananalaytay ang kapangyarihan mo. Baka may mga ninuno ang mga magulang mo na hindi ordinaryo. Baka hindi naimana sa kanila dahil sa mga anak nila mapupunta ang abilidad na iyon. Knowing that you and your brother can both manipulate water, right?”

I nodded at him in response. But I become doubtful of myself. Hindi kasi ako sigurado na sa dugo ko talaga galing ang flair ko. Because if I remembered it clearly, pinamana sa akin ni Goddess Maya ang kakayahang manipulahin ang tubig. I was her inheritor.

Hindi ko alam kung inheritor din si kuya. Matagal ko nang hindi nakikita ang diyosang nagbigay sa akin ng kapangyarihan. I wanted to see her again to ask some questions.

And I didn’t correct Asher. If I told him that my flair wasn’t blood-related, hindi ko rin maipapaliwanag ng malinaw ang lahat sa kanya. Baka pagdudahan niya pa ako kapag nalaman niyang ang isa sa limang deity pa mismo ang nagkaloob sa akin ng kakaibang abilidad.

“What’s your ability by the way? And what is its origin?”

Ngumiti sa akin si Asher bago niya kinuha ang aking kamay. Ipinagtaka ko iyon pero nang maramdaman kong nahulog na ang wristband ko sa sahig, parang gumaan ang pakiramdam ko at nararamdaman ko na rin ang natutulog kong abilidad. That platinum wristband was suppressing my flair all along and I didn’t even realize it until now.

“My flair is Power Negation. I can interrupt the flow of spiritus inside a magicae’s body that will prevent that person to use his magic if I touch him. I can also easily repel or deflect magical attacks aimed at me. Sa simpleng salita, hindi gumagana sa akin ang anong klase ng mahika. Kabilang na roon ang kapangyarihan mo.” Lumapit pa talaga sa mukha ko si Asher para pitikin ang ilong ko.

“What was that for?” Inis kong sumbat sa kanyang habang pinipisil ang ilong ko.

“You just look cute while listening to me, Babe,” sagot naman niya sa akin. Hindi na talaga ako natutuwa dahil nakakaiwas na siya sa mga batok ko. May sasabihin pa sana ako pero nilagay niya ang kanyang hintuturo sa harap ng labi ko kaya napatahimik na lang ako ng wala sa oras.

“To answer your other question, this ability runs in our bloodline. It is an innate flair,” wika ni Asher pero parang may bakas ng lungkot sa boses niya.

The Lost ProdigyWhere stories live. Discover now