30. Past

7.2K 363 9
                                    

I woke up in a very strange place. Dried leaves and wilted flowers appeared near me. A cold and strange wind came rushing towards my direction, caressing my bare skin. The impact sent shivers to my spine and made the hair on my back, stand.

Agad akong bumangon at nang igala ko ang aking paningin ay nagulantang ako sa aking nakita.

Parang nasa isa akong lugar kung saan walang nabubuhay na kahit ano. Nabalutan na ng itim ang halos lahat ng bagay na naririto. Nakakakilabot din ang katahimikang namamayagpag sa aking paligid. May nakita akong nalalantang mga bulaklak at mga punong sunog at nakalbo na. Their twisted branches and horrific figures made me remember the nostreas we had encountered before.

The place was barren and deserted as well. But I can feel a strong energy radiating from this place. The gloomy and dark sky added to the intensifying feeling I am bearing right now. Parang nagpapahiwatig itong may mangyayaring hindi kanais-nais.

At sa paglipas pa ng ilang sandali ay bigla kong naramdaman ang paninikip ng aking dibdib. Napahawak ako roon habang sinusubukang ibalik sa normal ang aking paghinga. Nanghihina akong napaluhod habang pilit na ginagawa iyon. Parang sinusunog ang aking baga at sinasakal ako ngayon dahil sa pwersang nagpapahirap sa akin.

Pakiramdam ko kasi ay may humihigop sa hangin para hindi ako makahinga. Pero may kakaiba pa akong nararamdaman sa pwersang ito. Napakabigat at napakasama. Parang kaya nitong higupin pati ang kaluluwa ng isang nabubuhay na nilalang.

At kung nais ko pang makaligtas, kailangan ko lang makaalis dito.

Kahit parang bibigay na ang katawan ko sa matinding pwersang ito ay pinilit ko pa ring makatayo at maglakad. Nagbunga naman ang training namin dahil nakakayanan kong harapin ang mga pagsubok kagaya nito.

Hahakbang na sana ako ngunit nagulat ako nang biglang may umangat na kamay mula sa ilalim ng lupa. I was shocked when I saw those bony hands slowly rising from their graves. Some were holding rusted weapons while some were raising their torn banners. But one thing was certain, rotten bodies were now skeletons brought back from the dead.

At sa likuran nila ay nakita ko ang paglitaw ng halimaw na naging sanhi ng pagkamatay ng isa sa aking mga kaibigan. Daemons were flying overhead using their bat-like pointed wings, with red eyes gleaming with an obsession of blood and death.

And in the middle of that army was a man covered with a sinister black smoke. Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil malayo siya sa akin. Pero naramdaman ko ang paninigas ng aking katawan nang makita ko siyang napatingin sa aking direksyon.

Nagsimulang magsiliparan at magsitakbuhan ang mga sundalo ng kasamaan papunta sa aking kinaroroonan. Parang gusto ko na lang himatayin dahil sa sobrang takot at kaba. Nanginginig na ang mga kamay at tuhod ko. Kasabay pa noon ang malakas na kabog ng aking puso.

Gustuhin ko mang sumuko, nanaig pa rin ang hangarin kong makaligtas.

Buong lakas akong tumayo at nagsimulang tumakbo palayo sa mga halimaw. Binilisan ko ang aking pagtakbo kahit parati akong nadadapa at kulang na lang ay hilingin ko sa lupang lamunin na lang ako para makaalis ako sa sitwasyong ito.

Panghihinaan na sana ako ng loob dahil sa ilang minuto kong pagtakbo ay marami na akong sugat at galos na nakuha. Malapit na rin akong maabutan ng mga halimaw na nag-uunahan sa aking likuran. Hinihingal na ako at kaunti na lang ay bibigay na yata ang aking katawan.

Susuko na sana ako ngunit may kumislap na liwanag mula sa malayo. Hindi ko alam ang dahilan pero bigla na lang nanumbalik ang mithiin kong makaligtas kaya agad kong tinungo ang direksyon papunta roon.

Naniniwala akong sinisimbolo ng liwanag ang pag-asa sa gitna ng kapighatian. Kaya sana matulungan ako nitong makaligtas.

Punit punit na ang damit kong suot ngayon at ang dumi dumi na rin ng katawan ko. Napapadaing na lang ako minsan minsan kapag may tumatamang bagay sa aking mga sugat. Titiisin ko ang lahat ng ito basta makaligtas lang ako.

The Lost ProdigyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon