61. Awakening

3.7K 277 6
                                    

Natigilan na man ang taong humihila sa akin dahil sa aking sinabi. Namayagpag ang katahimikan sa loob ng ilang segundo hanggang may marahas na nagsalita. “Wala kang karapatan para gamitin ang pangalan ng mahal na prinsesa! Ikaw ang nararapat na parusahan!”

Napalunok na lang ako dahil mukhang nagalit ang isa sa mga nakahuli sa amin. Pero kung sila nga ang hinahanap namin ay kailangan kong makuha ang tiwala nila. Ella told me that the Patronus or the winged magicaes only answer to the royal family. At ang pagpapanggap ko bilang si Lithuania ang tanging naisip kong paraan para pakinggan nila kami.

They were planning to drown us for being intruders at kung hindi ako nagsinungaling ay baka nalunod na kami ngayon.

Huminga naman ako ng malalim. Kailangan kong panindigan ang pag-arte ko dahil dito nakasalalay ang buhay naming apat at nina Ophelia.

“I am telling the truth. I am Princess Lithuania. And I have come to ask for your aid,” matatag kong wika. Sa isip ko ay taimtim na akong nagdadasal na sana paniwalaan nila ako. Hindi pa naman ako magaling magsinungaling.

“Naniniwala akong nagsasabi siya ng totoo. May kakaiba akong nararamdaman sa kanya,” rinig kong wika ng isang babae. Mukhang matanda na siya batay sa boses niya at malapit lang siya sa akin kaya narinig ko ang kanyang sinabi. Pasimple akong napabuga ng hangin. Hindi ko akalaing may maloloko ako.

“Sa loob ng halos dalawang dekada ay walang nakakarating sa isla natin, Xerxes. May dahilan kung bakit napadpad ang mga batang ito sa Vallahan,” dagdag ng babae.

“Pero...”

Hindi na ipinagpatuloy ng lalaki ang balak niyang sabihin. At sa halip ay may iniutos siya.

“Cato, dalhin mo ang babaeng iyan sa yungib,” sabi ng Patronus na nagngangalang Xerxes at nagulat na lang ako nang may bumuhat bigla sa akin.

“Huwag niyong kunin si Blaire!”

“Ano ang gagawin niyo sa kaibigan ko?”

“Where are you taking the bitch?”

Rinig kong hinaing ng tatlo kong kasamahan. Sinubukan kong paganahin ang aking abilidad pero kahit hindi na ako nakalublob sa tubig ay hindi ko pa rin magamit ito. Mukhang mahiwaga ang ginamit nilang tali na siyang pumipigil sa paglabas ng aking mahika.

Nakatakip pa rin ang aking mga mata kaya hindi ko sila nakikita. Pero napag-alaman ko namang lumulutang na ako sa ere habang buhat-buhat ako nung Cato dahil narinig ko ang pagaspas ng kanyang pakpak.

“Anong ginagawa mo, Xerxes? Mapapahamak lang siya roon!” rinig kong asik ng matandang babae kaya bigla akong kinabahan. Nagsimula naman akong magpumiglas. Pero natigilan ako nang mariin akong hinawakan ng lalaki.

“Kung siya nga ang hinihintay natin, hindi siya masasaktan. Makakaalis siya ng buhay.” Mabilis nang lumipad si Cato kaya hindi ko na narinig ang mga pinag-uusapan ng dalawa.

“Bakit niyo ako itatapon sa lugar na iyon? Anong mayroon sa yungib na sinasabi niyo?” tanong ko sa lalaki. Nahirapan ako magsalita dahil hinaharangan ng ilang hibla ng buhok ang aking bibig. May dumaan namang malakas na hangin kaya tuluyang naalis ang piring sa aking mata.

Nakita ko naman ang mukha ng lalaking Patronus pagkatapos. He has an angular jaw and his wavy hair was platinum blonde. Nang tumama ang sikat ng araw sa kanyang buhok ay kuminang ito. Matangos ang kanyang ilong at mamula-mula ang kanyang labi. He wasn’t staring at me but I can still see his dreamy aquamarine eyes. His face was innocent but his strong black wings made him look like an angel of death.

“Wala kang dapat ipag-alala kung ikaw ang prinsesa,” sagot niya sa akin habang nakatitig sa harapan. Nanuot naman ang takot sa aking puso. Mukhang hindi magandang ideya ang magpanggap na ibang tao.

Napatingin naman ako sa ibaba at ang madilim at malawak na kagubatan lang ang tangi kong nakikita. Iginala ko pa ang aking paningin at hindi ako makapaniwala sa laki ng islang ito. But it had the same aura with the Black Ocean. Wala rin itong kabuhay-buhay.

“Saan niyo naman dadalhin ang mga kaibigan ko?” tanong ko kay Cato. Mukhang nagdalawang-isip pa siya pero sinagot niya rin ako pagkaraan ng ilang segundo.

“Ikukulong muna sila pansamantala habang hinihintay namin ang paglabas mo. Makakalaya ang mga kasamahan mo kung mapapatunayan mo na ikaw talaga si Prinsesa Lithuania.”

I mentally slapped myself. Anong gulo na naman ang pinasok mo Blaire?

“Ang lahat ng pumasok sa yungib ay hindi na nakalabas. Kung ikaw nga ang prinsesa, makakaya mong harapin ang kung sino o ano mang namamahay sa lugar na iyon. Manalig ka lang sa dugong nananalaytay sa iyong katawan.”

Naramdaman ko na lang ang panlalamig ng aking katawan. “Are you crazy? Anong connect ng katauhan ko sa tyansa kong makalabas doon? If you’re the protectors of the royal family, hindi niyo ilalagay ang buhay ko sa panganib!” Naghuhurumentado na ang puso ko ngayon.

“Patawad pero kailangan naming gawin ito. At naniniwala naman akong makakaya mo. Hihintayin kita, mahal na prinsesa.”
Isang malakas na buntong hininga na lang ang nasagot ko. Mukhang hindi na ako makakatakas sa butas na aking pinasukan.

Ibinaba na rin ako ni Cato nang makalapag kami sa isang parte ng kagubatan. Sa harapan ko ay nakita ko ang isang kuwebang kahugis ng ulo ng isang leon. At ang bunganga nito ay ang nagsisilbing daan papasok.

Nakakibit balikat ang lalaki sa akin nang mapatingin ako sa kanya. After that, he extended his wings around him. Iniisip niya bang tatakas ako?

Kahit sumagi iyon sa isipan ko kanina ay hindi ko rin gagawin iyon dahil hawak nila sina Ella. We have nowhere to go even if we managed to escape. Ang mga Patronus na lang ang natitira naming pag-asa.

We really need their help.

Napalabi na lang ako bago tuluyang pumasok sa yungib dahil hindi na nakatali ang aking mga paa. Nang nasa loob na ako ay narinig ko ang malakas na pagsara mula sa aking likuran. Kasabay din noon ay ang paglaho ng mga mahiwagang gapos sa aking mga kamay.

But I still couldn’t feel my spiritus energy.

Pinakalma ko naman ang aking sarili habang dahan-dahang humihinga. May kapangyarihan pa naman ako, hindi ba? This cave might just negated my flair like the ocean.

I began adjusting my eyes to the darkness before me. Hindi ako masiyadong makakita ng maayos dahil mukhang walang butas ang buong lugar para makapasok ang liwanag mula sa labas. But with slow footsteps, I walked deeper into the cave.

The silence was deafening around here. May malamig na hanging biglang dumaan kaya napayakap ako sa aking sarili. The cold suddenly went up my spine and I shivered afterwards. Iwinaksi ko na lang ang lahat ng mga nakakatakot na bagay na naiisip ko bago ko tinungo ang direksyon kung saan nanggaling ang simoy.

Kinakapa ko ang pader pero paminsan-minsan ay nabubunggo pa rin ako. Pero unti-unti nang nagliliwanag ang paligid kaya binilisan ko pa ang aking paglalakad.

Natagpuan ko ang aking sarili sa isang malawak na lugar na puno ng mga malalaking bato. May nakita akong daan na magdadala sa akin sa pinakatuktok kung saan may nakikita akong labasan. Halos walang mapaglagyan ang tuwa ko dahil doon.

But I heard a loud growling sound behind me. Hindi ko na tinignan kung ano iyon at mabilis na akong umakyat kahit nagwawala na ang aking puso dahil sa takot. Kinapa ko naman ang aking leather boots at nanlumo ako nang malaman kong nawawala ang punyal na nakatago roon. Wala akong armas na pwedeng magamit para protektahan ang aking sarili.

Bumilis ang aking paggalaw ng makarinig ako ng malakas na alulong. Mukhang isang lobo ang halimaw na nagpakita sa akin ngayon. Pinagpawisan ako ng malamig nang makita ko ang anino nito. Dahil doon ay hindi ko napansin ang nahuhulog na boulder kaya natamaan ako nito. Nagpagulong-gulong ako habang naghahanap ng pwedeng makapitan. Nakahawak ako sa isang nakausling bato pero may mabalahibong buntot na humila sa akin kaya lumagpak na ako sa lupa.

Nagkaroon ako ng maraming galos sa katawan at nahihirapan na akong bumangon. Nalalasahan ko na rin ang kalawang sa aking bibig dahil sa dumudugo kong ulo. Pero nagawa kong iangat ang aking paningin para mapagmasdan ang nilalang na naglalakad palapit sa akin.

It was a magnificent and legendary creature.

Instead of a hungry wolf, I saw a huge fox that was as white and pure as snow. Takot at pagkamangha ang dalawang emosyong nangibabaw sa akin nang makita ko ang siyam nitong buntot. Lumulutang ang mga ito sa ere na para bang sumasayaw. Its movements were also graceful but precise. Napaawang ang aking labi dahil hindi ko inaasahang makakakita ako ng isang mythic.

I cowered when the nine-tailed fox bared its canines at me. Sa paraan ng pagkakatitig nito sa akin ay parang gusto nito akong lapain. Hindi na ako nakagalaw nang matulin na lumundag ang soro papunta sa aking direksiyon.

THIRD PERSON

“Princess Lithuania was caught by the Imperial Mercenaries. Kabilang na roon sina Orion at Raiden,” wika ni Midas habang seryosong nakatitig sa malaking islang lumulutang sa ere. Sa palibot nito ay naroon ang isang itim na ulap na dahan-dahang sumasakop sa buong himpapawid. Lumalawig ito sa pagdaan ng bawat segundo.

Nasa isang liblib at masukal na parte ng kagubatan sila ngayon na malapit sa hangganan ng gitna at timog na rehiyon. Marami ang nasawi nang sugurin ng mga kabalyero ang kanilang tahanan. Pero ginawa ni Midas ang lahat para maitakas ang kanyang mga kasamahan. Pero kahit nagawa nila iyon ay hindi pa sila tuluyang nakakabangon. Malubha ang naranasan nila sa kamay ng emperyo.

“What about Blaire? May balita rin ba tungkol sa kanya?” tanong naman ni Selene sa lalaki. Pilit na tinatago ng huli ang panginginig ng kanyang mga kamay pero halata pa ring hindi ninenerbiyos ito. Dahil hindi na nila alam ang susunod nilang gagawin sa labang ayaw pa rin nilang sukuan.

Umiling naman si Midas sa kanya. “Hindi siya nakuha ng Crimson Empire. Pero wala ring nakakaalam kung na saan siya ngayon.”

Nawalan ng kulay ang mukha ng babae nang marinig ang sinabi ng kanyang katabi. “Is it p-possi-ble that s-he’s...” utal-utal na tanong ni Selene at hindi na nito napigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha. Marahan namang hinaplos ng lalaki ang likuran ng huli para pakalmahin ito. Hindi na lang siya nagsalita kahit kinukutuban na rin siya ng masama.

Pero isang huni ang pumailanlang sa buong paligid. Naagaw nito ang atensyon ng dalawa at sabay nilang hinanap ang pinagmumulan ng kakaibang tunog na tanging isang napakalakas na mahika lang ang makakagawa.

At mula sa pinakadulo ng hilaga ay nakita nila ang isang nakakabulag na liwanag na umabot hanggang sa kalangitan. Tumagal lang iyon ng ilang segundo bago tuluyang naglaho. Pero parang bangkay na nabuhay si Midas dahil sa nasaksihan.

Dahil isa lang ang ipinahihiwatig non.

“Amaranthine has been awakened. Nagbabalik na ang totoong tagapagmana ng korona.”

The Lost ProdigyWhere stories live. Discover now