31. Enigma

6.7K 331 6
                                    

I jolted up awake from my sleep. My heart was beating abnormally inside my chest as cold sweat trickled down my face. I wearily leaned on the headboard of my bed to rest after the occurrence of an unforgettable dream.

Napahilamos ako sa aking mukha gamit ang aking kamay nang maalala ko ang lahat ng nangyari sa aking panaginip. Nagulat ako at hindi ko talaga inaasahang mapapanaginipan ko ang isang mahalagang kaganapan sa aming mundo.

Hindi pa rin ako makaisip ng maayos at lutang pa rin ako sa kasalukuyan. Kahit nakaupo ako ngayon sa aking kama ay naramdaman ko pa rin ang panghihina ng aking katawan. The presence of the deities were really intimidating and overwhelming.

It was just a dream but it feels real. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na nasaksihan ko ang paglitaw ng unang propesiya sa panahong magkakaroon sana ng isang madugong digmaan. Kahit hindi ko nakita ng klaro ang mukha ng mga diyos at diyosa ay naramdaman ko naman ang makapangyarihang presensyang dala ng bawat isa sa kanila. Right now, my mind found it hard for things to finally sink in.

Pero kahit naranasan ko na ang pangyayaring iyon ay marami pa ring katanungang bumabagabag sa aking isipan. Gusto kong malaman ang lahat ng detalye tungkol sa mga kaganapan at kasaysayan ng aking mundo. Kasi naniniwala akong marami pang impormasyon ang kailangan kong matutunan. I need to know what happened after the announcement of the first prophecy.

But first, I need to ease myself. Parang sasabog na ang utak ko dahil sa mga bagong impormasyong aking nalaman.

I decided to stand up and stretch. I gently massaged my head as I tried to restore the beating of my heart back to its normal pace. Huminga ako ng napakalalim habang tinatamasa ang lamig ng paligid. The silence and the cold helped me relax, even for a bit.

Humakbang na ako papunta sa isang sulok upang kumuha ng maiinom. Kumuha ako ng isang baso ng tubig at dahan-dahan kong ininom iyon habang pinipikit ang aking mata. Dahil doon ay unti unti na ring bumalik sa normal ang tibok ng aking puso at nakakaisip na rin ako ng maayos.

Pero napayakap ako sa aking sarili nang biglang may dumaang hangin na parang nagyeyelo dahil sa sobrang lamig. I shivered because of the icy feeling. Nang igala ko ang aking paningin ay nakita kong nakabukas pala ang pintuan papunta sa balkonahe.

Nagsuot ako ng balabal habang papunta roon. Patuloy pa rin ang pagpasok ng malakas na hangin kaya binilisan ko na ang paghakbang para masarhan ang pinto.

And when I got close to the door, I immediately enclosed my fingers around the doorknob. Sasarhan ko na sana ngunit natigilan ako nang may marinig akong umiiyak. Madilim pa rin ang paligid at kahit ang buwan ay hindi ko na makita dahil baka natatakpan na ito ng mga ulap. Pero may natitira pa namang mga bituin kaya nakakakita pa rin ako kahit papaano.

Tahimik akong sumilip sa labas para tingnan kung doon ba nanggagaling ang tunog. Hindi ako nagkamali dahil doon nga nagmula. Agad akong napalapit kay Ophelia nang makita ko siyang nakahiga sa malamig na sahig.

Patuloy ang pag-iyak niya kahit nakapikit ang kanyang mga mata. Magulo ang kanyang buhok at ang kanyang makinis na mukha ay basang-basa na ngayon ng luha. Nasilayan ko ang panginginig ng kanyang katawan dahil sa sobrang lamig pero kahit ganoon ang kalagayan niya, hindi pa rin siya bumabangon. Parang wala siya sa sarili.

"Ophelia! Anong nangyari sa iyo? Bumangon ka na," nag-aalala kong utos sa kanya. Pero parang hindi niya ako naririnig dahil wala pa rin siyang tigil sa paghikbi. But in between her cries, I can hear her mention a name.

"Felix," rinig kong sambit nito habang hinihingal na sa sobrang kaiiyak. But when I heard her say that name, I was frozen in place.

Anong meron kay Felix?

The Lost ProdigyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon