44. Ascension

4.1K 226 10
                                    

Impit akong napasigaw habang kagat-kagat ang aking unan. I’m lying flat on my stomach now while the Head of the Healing Camp is tending to my injuries.

Kakatapos lang pagalingin ni Avery ang sugat ko sa binti at sa kasalukuyan ay ginagamot na niya ang malaking hiwa sa aking likuran. She applied some healing paste and salve to my wound. Nakaramdam ako ng lamig nang mailagay ni Avery ang mga iyon sa sugat ko pero nang sumuot na talaga ang mga iyon sa aking katawan ay napalitan na ang lamig ng mantinding hapdi.

Napahiyaw na talaga ako ng malakas at nawalan na ako ng pakialam kung may magising man akong ibang pasyente sa Healing Camp. It’s still early in the morning and I have still five hours to heal before the Ranking Ascension. Kahit ganito ang lagay ko ay sasabak pa rin ako sa pagsubok dahil dito nakasalalay ang itatagal ko sa akademya.

“Pwede mo ba akong pagalingin gamit ang kapangyarihan mo?” nanghihina kong tanong na may halong pagsusumamo kay Avery habang namimilipit pa rin ako sa sakit. Halos masira ko na ang headboard ng kama kung saan ako nakahiga dahil dito ako napakapit kanina. My toes were also tightly curled now in hopes of making the pain feel less painful.

“Your cuts are deep, Blaire. At tanging ang ointment lang na ginawa ko ang makakapagpagaling sa iyo ng lubusan. Just endure it for a while. Mawawala rin ito maya-maya and you’ll be back in good shape.”

Isinubsob ko naman ang aking mukha sa unan pagkatapos kong tumango kay Avery. Titiisin ko na lang muna ang hapdi dahil para rin naman ito sa ikagagaling ko.

“Kumusta naman pala si Ella, Avery?” Tanong ko sa kanya. Nakagat ko naman ang aking labi nang maramdamang may inilagay ulit siya sa aking likuran.

“Don’t worry, Blaire. Nasa kabilang cabin lang siya and she’s sleeping soundly. Mga minor injuries lang ang nakuha niya. Masaya ako dahil nailigtas mo siya,” sagot naman niya sa akin kaya kahit nahihirapan ay napangiti ako.

“But what happened to you? Bakit malala ang mga pinsalang nakuha mo?” Si Avery na ngayon ang nagtanong sa akin kaya ikinuwento ko rin ang lahat sa kanya. Kabilang na rin sa mga isinalaysay ko sa kanya ang patungkol sa mga kasamahan naming Novitiates na nagbagong anyo.

Pagkatapos kong magsalita ay naramdaman ko ang panlalamig ng mga palad ni Avery na nakahawak sa akin at hindi iyon dahil sa ointment. Hindi siya nakaimik ng ilang segundo. At bago siya magsalita ay isang malakas na buntong hininga ang kanyang pinakawalan.

“Stygians. They are called stygians,” rinig kong mahinang pahayag niya. Tumayo naman bigla ang mga balahibo ko sa katawan. Chill crept into my spine and it made me temporarily forget the ache coming from my still healing wound.

“I’ve already heard rumors about the empire’s plans but I didn’t expect that they would be successful in creating a new breed of magicaes. What you saw Blaire are stygians or the race of dark magic users. They are called so because they are given an essence of the Nox Deity himself. Kinutuban na akong may ginagawang kakaiba ang emperyo nang magsulputan ang mga bangkay ng mga Novitiates. Those corpses are their failed experiments. Pero mukhang nagtagumpay na sila ngayon pagkatapos ng ilang bigong pagsubok.”

Parang nawalan na ng dugo ang aking mukha dahil sa sobrang putla ko ngayon. “Bakit nila ito ginagawa, Avery?”

Umiling lang sa akin ang huli. “Hindi ko pa alam pero nasisiguro kong hindi maganda ang plano ng emperatris. Stygians are tainted with darkness which made them stronger than magicaes. And their minds can be controlled by the one who created them. The Crimson Empire would be unstoppable if an army of stygians will be raised.”

Nilunok ko naman ang bara sa aking lalamunan. Napahawak naman ako sa aking dibdib at pilit hinahabol ang aking paghinga. If we could stop them before they multiply, we might still stood a chance.

The Lost ProdigyWhere stories live. Discover now