24. Burden

7.4K 403 61
                                    

The guy's presence continued to suffocate me. I averted my gaze just like everybody else because I can literally feel my soul leaving my body each time I stare at him.

Walang sino man ang bumalak na basagin ang nakakabinging katahimikan. Tanging ang mga magagaang yabag ng paa lamang ng lalaking paparating ang patuloy naming naririnig. Nakatuon ang paningin namin sa ibang direksyon dahil hindi namin siya kayang tignan. Maliban kay Asher.

Nakita kong napakuyom ang kamay niya sa itaas ng mesa. Halos mawalan na ako ng hininga dahil tinapatan niya ang presensya ng lalaki. Walang natirang bakas ng kasiyahan sa kanyang mukha nang pumasok ang lalaking iyon sa eksena.

Kahit hindi ko alam kung ano ang mayroon sa kanilang dalawa, I can sense rivalry in the air.

Hindi ko magawang pakalmahin si Asher dahil hindi ko magalaw ang aking katawan. Ngayon ko lang din naramdaman ang kakaibang puwersang parang kumukontrol sa akin. Nasasakal ako sa puwersang iyon kaya wala rin akong nagawa sa huli. Nanatili na lang akong nakaupo habang hinihintay ang susunod na mangyayari.

Topher passed by us and he slightly paused. Lumipas ang ilang sandali ay nakita kong nagpatuloy na siya sa paglalakad hanggang makaalis siya sa parke. Nang tuluyan na siyang nakalabas ay naglaho na rin ang matinding puwersang bumalot sa buong paligid.

Doon lang naibalik ang normal kong paghinga. Napainom naman si Ella ng tubig na halatang hindi rin kinaya ang nakaraang engkwentro. Dumako ang tingin ko kay Asher pagkatapos. Seryoso pa rin ang mukha niya habang nakatingin sa archway kung saan lumabas iyong lalaki.

Kahit nagdadalawang-isip ako ay lakas loob ko pa ring hinawakan ang nakakuyom niyang kamao. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya nang gawin ko iyon pero binigyan ko lang siya ng nag-aalalang ngiti. Hindi naman ako nabigo dahil kumalma na si Asher at nawala na rin ang tensyong nanggagaling sa kanya. Bumalik na rin ang masiyahin niyang pagkatao.

Kumain na lang ulit ako ng pancake habang inuubos ko ang aking inumin. Binalikan ko rin ang mga patakaran para kabisaduhin mula sa simula.

Ipinagpatuloy din ng lahat ang kanilang naudlot na gawain na parang walang nangyari. Parang sanay na ang iba sa ganitong mga eksena.

Habang kumakain ako ay narinig kong magsalita si Ella. "Hindi ko talaga inaakala na makikita ko ang Gemini sa iisang lugar. Ang swerte ko!" Masaya niyang pahayag pagkatapos magpaalam ni Asher sa amin dahil may kailangan pa pala siyang gawin na importante.

"Di ba Gemini sila? Pero bakit hindi sila close? At parang hindi ko pa sila nakikitang magkasama?" tanong ko kay Ella pagkatapos kong nguyain ang aking pagkain. Ipinahid niya muna ang table napkin na dala niya sa kanyang labing may bakas ng gatas bago niya ako sinagot.

"Asher and Topher are given that title because they are the two most powerful Doyen in the academy. But they didn't work as a duo because they treat each other as rivals and competition. Nakakalungkot no?" pagpapaliwanag niya sa akin habang kunwaring nagpupunas ng luha sa kanyang mga mata.

"Pero ayon sa tsismis na nakalap ko, noon daw ay matalik na magkaibigan silang dalawa. But because of something, they both changed. Nananatili pa ring misteryo ang dahilan kung bakit malamig na ang pakikitungo nila sa isa't isa magpahanggang ngayon."

Napatango na lang ako habang nakikinig sa mga isinalaysay ni Ella. My curiosity began to took over because a part of me is dying to know more about them and the event that led to their shattered bond.

"Sigurado ka ba sa mga pinagsasabi mo?" tanong ko sa kanya. She smiled innocently before answering me.

"Pinagdududahan mo ba ako, Blaire? Ako kaya ang dakilang chismosa! Parating bukas ang tainga ko para makinig at ang bibig ko para makipagchikahan!" malakas niyang saad kaya napatawa naman ako dahil doon.

The Lost ProdigyWhere stories live. Discover now