36. Bound

4.4K 241 6
                                    

"Are you really certain that I slept for more than two months?" Nagtataka kong tanong kay Ella na nakaupo sa isang silyang nasa gilid ng aking kama. Sa tingin ko talaga ay dalawang oras lang akong nawala kaya hindi talaga ako makapaniwala sa sinabi ni Ella. I woke up just a while ago and I found out that I was back in the cabin where I first brought upon my arrival here in the Stronghold. Parang naulit muli ang nangyari noon.

When I scanned the entire room, I noted that the decorations, arrangement of furniture, and the appearance of the room remained the same. Ang tanging pagbabagong nakita ko ay kay Ella. She grew some large bags under her eyes and her skin's luster has faded. Kahit natatabunan ang katawan niya ng aming uniporme ay nakita ko na parang pumayat siya. I can't see the natural spark in her eyes and her jolly aura. Restlessness was evident on her face.

Nawala ba talaga ako ng ganoon katagal para magbago ng husto si Ella? Babatukan ko talaga si Gale kapag nakita ko siya dahil hindi niya inalagaan ang aking kaibigan.

Ella tried to muster a genuine smile at me before responding. "Oo, Blaire. Ang daming naganap sa mga buwan na iyon. You missed a lot of things but I missed you more." Halos mabiyak ulit ang aking puso nang makita kong umiyak ulit si Ella at napayakap sa akin. Maingat ko ring hinagod ang kanyang likuran para patahanin siya habang may mga luha ring dumadaloy sa aking pisngi.

"During those months, hindi ka nawala sa isip ko. I missed my friend. I missed my best friend. Sa mga panahong iyon, parati ka naming binabantayan ni Gale. He was also always there to comfort me. But those days when you weren't with us, I felt incomplete. Parang may nawalang bahagi ng buhay ko. You may think na I'm overreacting, Blaire, but you're not just my best friend, you're also my sister. That's how special you are to me. Kahit dumaan ang maraming araw na patuloy ka pa ring nakahiga, hindi ako tumigil sa pagdasal. Kahit minsan nawawalan na ako ng pag-asa, hindi pa rin ako sumuko sa paghihintay. And everything's worth it. The wait was worth it," mahabang pahayag ni Ella habang magkayakap pa rin kaming dalawa. Her words made me break down until tears hindered my vision and breathing became difficult. Napakaswerte ko sa kanya. Napakaswerte ko sa mga taong nagmamahal sa akin ng buong puso.

"I'm sorry, Ella," bulong ko sa tenga ng aking kaibigan. We stayed huddled together for a while and I felt the warmth creeping back to my best friend . And my sister.

"Wala ka namang kasalanan, Blaire. Kinabahan lang ako dahil baka ipinagpalit mo na kami sa isang prince charming na nakilala mo sa panaginip. Sa haba ba naman ng pagtulog mo, baka nagkapamilya ka na roon," wika naman ni Ella kaya nabatukan ko siya. She laughed at me because of what I did to her.

"Namiss ko ang batok mo, Blaire. Ang sadista mo pa rin talaga!" Sambit ulit ni Ella habang hinimas-himas ang parte ng kanyang ulong tinamaan ng aking batok. Biglang bumukas naman ang pintuan ng cabin at iniluwa noon si Gale na dala-dala ang nakapamilyar na basket. Nang makita niya ako at si Ella ay naestatwa siya sa may pintuan at ilang beses pang napakurap na tila hindi makapaniwala sa kanyang naabutan.

Nakita kong hinila naman siya ni Ella papunta sa kama kung saan ako ngayon. Sinuri pa talaga ako ni Gale ng malapitan para masigurong totoo ba talaga ako o isang ilusyon lamang. "Mukhang ayaw akong makita ni Gale. Matutulog na lang ulit ako," nagtatampo kong wika at umaktong hihiga ulit nang tumalon ang lalaki sa kama para yakapin ako.

"Tama na Gale, baka magselos si bestie," paalala ko naman sa lalaki kaya kumalas naman ito mula sa pagkakayakap sa akin. Tumawa lang si Ella at umakbay kay Gale.

"Welcome back, Blaire! Salamat at may aawat na rin kapag inaaway ako ni Ella," sabi naman sa akin ni Gale kaya natawa na lang din ako. Nakita ko pang nagtitigan ang dalawa pero naunang umiwas ng tingin si Ella dahil namumula na naman siya. Looks like I missed a lot of things while I was out.

The Lost ProdigyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon